CHAPTER 15 REALIZE

Start from the beginning
                                    

“ahh ehhh…. Kasi charm…. Si Ingrid na at jake ee.” Holly confessed.

Nagulat ako sa balitang sumalubong sa akin. Agad kong nilapitan si Ingrid at niyakap. “wooohhhh!! At last!! Hindi na siya play girl! Natahimik din ang buhay mo!!” Ingrid blushed and glared to holly.

“makapagsalita akala mo naman ako lang ang wlang boyfriend dito.” Tinignan ko si Ingrid and she smiled back. “bakit, sino pa ba ang may boyfriend dito?” tanong ko sa kanilang apat.

“si holly.” Pagkarinig ko ng pangalan niya nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay niya. “at last, kayo na ni Rodney.” Pagkasabi ko ng pangalan ni rodney, biglang nagbago ang expression sa mga mukha nila.

Err?? May mali ba akong nasabi??

“hehehe… puro ka naman biro charm eh. B—best friends nalang talaga kami ni Rodney. S-si renz ang boyfriend ko.” Nagsmile si holly sa akin pero bakit pakiramdam ko may mali.

I know how holly loves Rodney so much. Binago pa niya ang sarili niya para dito pero mali talaga eh. Ambilis naman niyang mafall kay renz na yun. Sabagay, gwapo naman si renz kaya hindi ko siya masisisi. Gwapo na mabait pa.

“well, that’s good!” yun nalang ang nasabi ko.

“eh teka, charm paano nga pala kayo nakaalis ni pao dun sa island?” tanong ni Bridgette sa akin.

Flashback

 

(sa loob ng chopper ni Jacob.”

 

Tuwang tuwa ako na nakaalis na kami ni paolo sa isla na yun. Pagkatapos niyang ipaliwanag ang lahat at maging ok na kami, gumawa na naman siya ng kasalanan. Takot ko lang na matrap sa island kasama siya.

 

“uhmmm, Jacob paano mo nga pala nalaman na, nandun kami sa island?” tanong ko sa kanya at namutla siya. Si paolo kasi walang paki at natutulog. Kita mo tong taong to. Gagawa gaw ang kalokohan sa iba niya ipapasolve.

 

“a-ano k-kasi charm. W-wag kang magagalit ha.” Nyak!! Mag eexplain lang tapos kailangan may pautal utal effect pa??

 

Huminga siya ng malalim at pumikit. “nilagyankongtrackingdeviceangcellphonemokahitnalobatsiyamatatrackkokungnasanka.”

 

 

O.O

 

Tracking device??

 

“so talagang stalker ka ni charm?” napatingin kaming dalawa sa direksyon ni paolo. Loko tong paolo na to. Kung hindi nga dahil sa ginawa ni Jacob, malamang eh, nandun parin kami sa isla na yun.

 

“aahhh… eehh Jacob, thank you talaga ha. Pero pwede bang tanggalin mo na yung tracking device?” napahinga siya ng malalim at tumango.

WATCH OUT! MS. MAN HATER (WHEN THE CASSANOVA MEETS THE MAN HATER)Where stories live. Discover now