CHAPTER 38

32.5K 312 37
                                    

dedicated po sa kanya. pre seryoso ka nga sa desisyon mo? mamimiss mo ako,,hehehe hindi mo na malalande si Aaron para sa akin. hahaha kailangan tayo  mag iinum??? 

YNA'S POV:


Nakakainis. Kaya pala ang sipag sipag nyang pumasok sa opisina. Kaya pala. Dapat pala hindi na lang ako pumunta sa company nina AARON kanina. Hindi sana ako naiinis ngayon.

Paanong hindi ka maiinis?

Ang ganda ganda ng secretary nya. Hindi na ako nagpakita kanina kasi TINOPAK na naman ako. Dapat ba ganong kabata at kaganda ang secretary? Parang gusto ko ng magresign at lumipat na lang sa company nila para mabantayan sya.

May tiwala naman ako kay AARON kaso ayaw ko lang na may nakakalapit sa kanya. OO na possessive na kung possessive pero masama bang protektahan ang pagmamay ari ko?

AARON'S POV:

Sabi ng secretary ko nasa labas daw ng opisina ko si YNA. Nakakapagtaka lang kasi ngayon lang sya naligaw dito. Pero paglabas ko wala naman sya. Nung tinawagan ko naman out of reach. Ano na naman kayang problema nya?

Napatingin ako sa secretary ko. Parang alam ko na. Hay tinopak na naman. Tinopak kasi nagseselos. Parang nabasa ko lang sa facebook ni Yna.  

Selos is the triggering point of topak.

Topak is just a result of  selos.

(casper: Pre pamilyar ba? hahaha parang mga comment nyo lang sa status ko)

Maya na lang pag uwi. Alam ko naman na hindi sya aalis. Iba kasi ang Topak nya pag nasasaktan. Yun yung lalayasan nya talaga ako. Pero yung topak dahil sa selos. Napangiti na lang ako. Nakakatuwa lang na nagseselos sya. 

FIVE MINUTES (BABY FACTORY) [Unedited]Where stories live. Discover now