CHAPTER 36

31.5K 300 19
                                    

AARON'S POV:

Almost two weeks na din after ng mangyari yung sa baby namin. Nakaleave pa din kaming dalawa. Si Yna para makapagpahinga ako para alagaan sya.

Akala ko makakapagrelax sya, mas pinili na nga namin na dito sa bahay nila sa batangas kami mag stay para makasama nya sina mama, pero wala pa ding epekto.

Napakahirap para sa akin na makita sya na sobrang nasasaktan, hindi nga sya umiiyak pero katakot na hindi din sya nag papakita ng kahit anong emosyon.

"mommy kain ka na po,"

"hindi naman ako nagugutom, hayaan mo na lang ako daddy,"

"hayaan? di ba sabi ko wag muna yung isipin, wala ka  namang kasalanan eh, saka andito pa naman ako di ba? hindi pa ba sapat akong dahilan para hindi ka sumuko"

Napapagod na kasi ako.

Napapagod na akong masaktan habang nakikita ko syang nasasaktan. Tapos wala naman akong magawa.

"pinipilit ko naman eh, kaso nagkukusa na lang na nasasaktan ako, andon na eh, kung sana alam ko di ba? kung sana hindi ako ganun kapabaya? kung sana mababalik ko lang yung araw na yun, pero hindi eh, wala na si baby na hindi ko man lang alam na andyan na pala. Pano kung hindi na ko magkaanak?"

Niyakap ko na lang sya.

Hayaan na umiyak ng umiyak.

FIVE MINUTES (BABY FACTORY) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon