"Sorry for what?" Tanong niya.

"Kasi hindi ako magaling mag-kiss." Sabi kooooooo!!!
Anoooobeeeerrrr!

"Was it your first baby ko?" Tanong niyaaaa!
Aw... Hindi niya nga pala alam na virgin mary ako sa kiss at sa... Anobeeeer!
Tska sabi ko kasi kay Mr. Loko, marami na akong naging jowa noong nilibre niya ako sa resto!!!

Tsaka isa pa, afraid ako na baka intel siya ng mga baklang bebe. Baka malaman nilang NJowaSB ako!! Kahit hindi pa sila naniniwalang may jowa ako lagi ko sinasabi sa kanilang marami na akong jowaaa!

"Of course not! Hindi ikaw ang first kiss ko no!" Sabi ko!

"Okay." Sagot niya na parang hindi na siya interesadong malaman pa!

"Pang-sampo ka na." Dagdag koooo!
Napabuntong hininga siya.
At wala na siyang reaksyon pa!

"Swimming tayo baby ko." Sabi niya. Iniiba niyang usapaaaaan!
Ay, effective... Mukhang naniniwala siya kagaya ni manang.
Atleast pwede ko rin siyang malokooo!

"Mahal na mahal ako ng mga naging jowa ko." Sabi ko. Tumingin siya sa akin.

"Nasaan na sila ngayon?" Seryosong tanong niya.

Abay malay ko no!!!
Wala naman talaga akong jowa!
Pero bahala na, gagawa ako ng kwentoo!!!
Hello, nagsulat kaya ako sa Wattpad tungkol sa baklang may maraming jowa kasi sobrang ganda niya at patay na patay sa kaniya lahat ng boylets niyang willing pagsabay sabayin sila. At meron akong 27 readers na paniwalang paniwala sa husay ko!
Meron yun 200+ reads!
Marami na yun! Hello?? 27 readers tapos 200+ reads!! Do the math!
Bakitt ba???

Pero wala na iyon.
Tinamad na ako!
Hindi naman nadadagdagan ang ganda ko.

"Wala na silang lahat no. Kaya nga kinuha kita kay Mr. Loko! Iyong tatlo, pinagpalit ako sa networking, iyong dalawa naging magjowa, like...iw? Buti nalang walang nangyari sa amin noong jowa ko pa sila. Iyong isa nag seaman, iyong isa namatay na, hindi ata nakapag move on sa break up namin kaya nagdive isang drum ng redhorse at nalunod. Iyong isa... Umm, nakalimutan ko na, iyong isa pa, pinakulong ko kasi ninakaw niya ang bag kong original na pinadala ng tita ko sa japan. May jowa pala siyang merlat at binigay niya roon. Pinakulong ko silang dalawa. At iyong huli???? Hmm. Follower kasi ni papa God iyon kaya wala na akong magagawa kundi i-let go siya. Ayaw ko naman maging demonya sa paniniwala niya. At the first place, hindi naman ako ang nanligaw sa kaniya no... Siya, napagkamalan niya kasi akong anghel."

Oh di ba, ang galing kong gumawa ng kwento?

"At ako na ang huli baby ko?" Tanong niya.

Hmmm...
May idadagdag pa ako sa kwento!!

"Oo, at ikaw naman... Binayaran ko ng 100k at iniwan ako dahil nag expired na ang kontrata."

Bigla niyang hinawakan ang palad ko.

"Basta tandaan mo, mahal na mahal kita baby ko." Nakangiti niyang sabi.

Mahal na mahal?
Pero hindi naman niya masabing hindi niya ako iiwan!
Pweee.
Walang foreverrrr!!!

"Pero kagaya ng naunang siyam... Iiwanan mo rin ako. Sinabi rin nila sa aking mahal na mahal nila ako pero nasaan na sila? Wala na. Mawawala ka rin... Pero atleast, mapaghahandaan ko kapag mawawala ka.. Alam kong pang 30 days ka lang. Unlike iyong mga nauna, Who Knew ang feg ko. Hindi ako masasaktan kapag nawala ka." Pabiro kong sabi... Pero... May laman!!!

Kaya hindi ako pwedeng MAINLOVE sa iyo!
Hindiiii!!

"Habang nandito ako, habang magkasama tayo. Mamahalin kita ng higit sa pagmamahal na binigay sa iyo ng mga naging past mo." Sabi niya... "I love you Adrian."


Napatingin ako sa kaniya.

Mamahalin mo ako?
Hahayaan mo akong mahalin ka?
At in the end...
Sinong talo?
Ako.

Alam ko na yan.
Dami ko ng nabasang ganyan sa Wattpad.
Kaya huwag ako!

Okay na ako sa jowa kita.
Hanggang doon lang.
Hindi ako maiinlove sa iyo... Hindiii!


"Tara swimming tayo." Sabi ko! At tumayo ako. Hindi ko kinaya ang usapan namin no!
I cannot.

Pagkatalikod ko sa kaniya.
Hinawakan niya ang braso ko at inikot... Bigla niya akong niyakap.

"Huwag mong isipin kung anong mangyayari sa ating relasyon bukas. Ang importante ay kung ano tayo ngayon. Paliligayahin kita, iyong ligaya na nararapat talaga sa iyo. Mahal kita Adrian at mas ipaparamdam ko pa sa iyo iyon." Sabi niya.

Yeah right.
Kung yan ang responsibilidad mo. Okay.
I will just gonna go with the flow of it.
English yun!!!
Bakit ba!



At NAGSWIMMING kaming dalawa.

Nakalimutan ko na ang mga nagpag-usapan namin. Basta ang saya saya ko lang!
Hello?
Sa mga resort na swimming pool, more naliligo! At more libag na naiipon! At more... Ihi!
Iwww. Ganun!
Pero rito... Iilan lang kami at ang lalayo pa ng iba sa amin no.

Habulan swimming kami.
Hindi ko siya mahabol!
At tinatawanan niya pa ako.

At syempre... Panay pa rin ang yakap niya sa akin!!!
Hanggang sa tamarin kaming magswimming.

Ay ako lang pala, napagod na ang buntot at palikpik ko.

Pero nag enjoy ako sobrrraaaa!!!!
Pagbalik namin sa table namin.

Nawala ang red roseeee!!
May kumulimbat!
Nakita ni Terdy na nasa bata batuta.
Hinayaan nalang namin, mukhang may potensyal maging parlorista ang batang gumetlak ng bulaklak na para sa akin.



Ang ginawa niya, gumawa nalang sya ng bulaklak made in tissue!
Pero bago niya ginawang bulaklak, sinulatan niya muna ng Terdy Loves Addy. Xoxo.





[[***Day 05: 9:50 PM***]]
"Ten minutes Mr. Huelar." Paalala ni Mr. Loko!!!
Nakerrr. Ang dami pang pwedeng mangyari sa 10minutes no!!!

"Wait... Pinag-iisipan ko pa ulit. Mahaba pa ang 10 minutes, pwede ka pa ngang matulog eh!!!" Sabi koooo.


Napatingin ako ulit kay Fifty.
Should I let you go or should I choose you to stay??

"Iyong binulong mo sa akin. Seryoso ka ba talaga tungkol doon?" Tanong ko sa kaniya!

Napatingin si Mr. Loko kay Fifty!!!

"Yes. Kung magseseyoso ka sa akin." Sabi niyaaaa!!!
May pinaghuhugutan na naman itong lalaking ito eh!


Anong binulong niya????
Binulong niya na sobrang ganda ko raw. Ganun!!
At bukod pa roon...
Tungkol iyon sa..
Bastaaa!

Tumayo muna ako.

"Magsi-CR lang ako. Don't worry, pagbalik ko, may desisyon na ako. If not, meaning... I am done with this." Sabi ko.




"Yes Adrian! Seryoso ako sa sinabi ko. Pero gusto kong maging fair ka sa akin. Gusto kong maramdaman ang pagiging seryoso mo sa akin." Sabi ni Terdy!!!




"Fine! I made up my mind... Mr. Loko... I want to......"

Perfect Online BoyfriendWhere stories live. Discover now