Chapter 5 <3

98 3 0
                                    

Unedited chapter po pasensya na.. hehe

Super late UD.. hehe:) 

ito na! Enjoy Reading!!

Chapter 5 

ELLIE'S POV

Andito ako ngayon sa school at wala pa kaming masyadong activities dahil kakastart pa lang ng 2nd Sem. Kesyo next meeting nalang daw sila magdidiscuss dahil marami pa naman daw time sabi nung iba kong prof. Psh! If I know tinatamad lang sila magturo.

Speaking of prof, may prof kaming nagdidiscuss ngayon sa harap pero wala na ako sa mood makinig dahil sobrang boring niya magturo at di rin ako masyadong interested sa topic. 

(Oh mga bata na nababasa nito ngayon, wag niyo ko tutularan ha! hahaha XD)

Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya kaya lumingon-lingon ako para malibang ko yung sarili ko at nakita ko yung iba na nagtetext ng patago.

"What do you think you're doing Ms. Dimayuga? I think you're not interested in my class so If you don't mind, you can go out of this room or drop my class instead." sabi ni Prof. Lasala-slash-terror prof-slash-Sleeping pills ng university. Bakit sleeping pills? Simple lang. Dahil nga nakaka-antok siya magturo. In short--- B-O-R-I-N-G!!

Infairness! Ang terey ni prof! Oo nga pala.. matandang dalaga ang prof naming iyan kaya siguro laging may topak? o baka naman may monthly visit? o baka malapit na siya mag-menopause? Napailing ako sa kalokohang naiisip ko.

Naalala ko yung pinagalitan ni prof. Hala kawawa naman yun? Di na siya nakasagot pagkatapos nung sinabi ni prof.

Sayang.. balak ko pa naman sana ilabas yung cellphone ko for 'Temple Run' purposes. Kaso wag nalang pala. Baka mahuli pa ko hehe.

Nagsipagtago na din ng kanya-kanyang cellphones yung mga classmates ko. Natakot ata na mahuli at mapagalitan. Buti nalang ako good girl!

Lumingon ako sa kabilang side. Nakita ko yung barkada nung Annie ba yun? Alex? Alvin? basta letter A yun eh. Ay basta! As usual may kalokohan nanaman sila. Nakikipag-kuwentuhan sila sa pamamagitan (wow lalim! XD) ng crumpled paper na may note sa loob tapos ipapasa or ibabato nila yun ng patago sabay pigil ng tawa. Tsk! Loko talaga.. Good thing at hindi sila nahuhuli nung prof.

Iba na talaga nagagawa pag bored sa klase ano?

Nagmuni-muni ako at naalala kong may lakad nga pala kami ni Kian Bessy mamaya. Naexcite ako at biglang nawala ang pagkabored ko sa katawan.

Tumuwid ako ng pagkaka-upo at agad na tumingin sa wrist ko.. kaso wala pala akong suot na watch. Tsk! Bawal naman maglabas ng cellphone? Aish.

*Poke! Poke!*

"Uhmm.. Hi pwede ko bang itanong kung anong oras na?" tanong ko sa hindi ko kilalang classmate na lalaki.

Again, free section ako kaya hindi ko agad kilala ang lahat ng mga classmates ko lalo na't kakastart pa lang ng 2nd Sem.

Hindi siya lumilingon kaya nag-assume ako na hindi niya narinig yung tanong ko.

*Poke! Poke!*

"Ahh kuya anong---" 

"Oras na para mahalin mo ako."

Loading..

10%

35%

60%

90%

99%---

"Eh?" I heard him chuckle. Natulala ako at napanganga sa sinabi niya. Seryoso ba siya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 21, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I married that stranger♥Where stories live. Discover now