Chapter 3 Part 2♥

135 3 4
                                    

 Medyo nag-enjoy po ngayong sembreak si author kaya ngayon lang nakapag-update hehe.

Dedicated sa kanya. Support din natin stories niya♥

Eto na po yung part 2 nung chapter 3!!

Unedit chapter po so pasensya na po..

Thank you sa paghihintay:)

ENJOY READING!

Chapter 3 Part 2♥

(A/N: Guys! pasensya na.. Medyo binago ko yung ibang details dito sa story ko.  Ginawa ko munang 3rd year college students ang ating mga bida. Sorry kung magulo. Peace po tayo hihi:D)

"Care to explain what's going on Mr. Andrade?!"


Aaron's POV 

Uh-Oh-uh-Ohhh woahhh (to the tune of 'Nasa'yo na ang lahat hahaha)

kidding aside, UH-OH..

Patay!! Lagooottt!

Di ko maiwasang mapakagat sa labi ko pero siyempre I tried my best to act cool and maintain my composure.

Lumingon ako sa side kung saan andun yung barkada. Well, unfortunately, *sigh* sila lang naman ang may pakana ng lahat ng ito at kung bakit ako lagot ngayon.

"Peace bro..." Travis mouthed kasabay ng pagpi-peace sign niya sa akin. Tsk! Di naman siya mukhang seryoso sa ginawa niya eh. Halatang nagpipigil sila ng tawa kaya naman hanggang pakikipagngitian nalang sila nila Phil.

I just gave him a deadly glare.

Aish!! kainis. Bakit ako nasa ganitong sitwasyon? Simple lang. I'll tell you what happened a while ago..

**********

First day of 2nd sem nga pala namin today. Nag bakasyon ako kasama ang pamilya ko sa Baguio kaya naman ayun kakauwi lang namin kaninang madaling araw. Buti nalang at di ako late dumating pero grabe naman! antok na antok pa ako. Konting tiis nalang at magfo-fourth year college na ko yes! Buti nalang good boy ako at hindi ako nadedetention kaya sure ako na hindi madedelay yung graduation ko.

Heto ako ngayon nasa isang sulok lang ng classroom. Marami-rami na din kami dito sa loob ng classroom kasi malapit na din mag-time. Hinihintay lang namin dumating yung prof. Yung iba nagbabasa ng libro, nagku-kwentuhan at yung iba, nag-aadvance review 'daw' naks!

Sa sobrang pagka-bored ko, inilabas ko ang cellphone at earphones ko para magsoundtrip. Nailagay ko na sa tenga ko yung earphones at balak ko sanang umubob sa table ko para makaiglip kahit sandali kaso naramdaman kong may tumapik sakin.

*tapik tapik*

Lumingon ako at nakita ko yung kabarkada ko. Mas lumapit pa siya sa akin wearing a very wide smile. Di ko maiwasang matawa. Sa isip-isip ko,'nako may kalokohan nanamang naiisip to.' 

Siya si Travis Drey Navarro. Ang pinaka makulit, mayabang, playboy at well, pinakamalakas mangtrip sa grupo. Siyempre di ko sasabihing siya ang pinakagwapo dahil ako yun. (Pagbigyan niyo na ko, minsan lang ako magbuhat ng sarili kong bangko.) Nga pala, ang pamilya niya ay nagmamay-ari ng isang clothing line at involved din sila sa food business. Sa lahat ng lalaki sa barkada, siya ang pinaka kaclose ko. Anyway, ano naman kayang kailangan neto?

I married that stranger♥Where stories live. Discover now