oaab - panglima

5.2K 180 12
                                    

--

Luuh! Daming alam nitong gurang na'to. May pa believe-believe pang nalalaman! Drama talaga.

"WHAT?? GAGAWIN NIYONG MANLY SI THEA??" sigaw nung limang nagsisibaklaan.

"Hala! Hindi ko maimagine itechiwa!" sabay hawak sa magkabilang pisngi ni Axiuminella.

"I'm gonna die. This isn't right!" paghahyperventilate naman ni Chendeng.

"Mam? You got it wrong. Hindi ko po talaga keri ang pinagsasabi niyo jusmeyo marimar! Ake'y pinagpapawisan!" sabay paypay gamit ang kanyang kamay si Thea. Pero pero! Gusto ko rin talagang makitang manly siya! Kahit hindi katotohanan! Puh-lease?

"Well, you leave me no choice but to lessen your grades, Mr. Pacquito. Madali akong kausap. Magiging mababa ang iyong grades sa ibang teachers din. Remember, major subject ang hawak ko." sabi nitong si Gurang. Makapagthreat naman to! Pero hindi ko siya masisisi! GUSTO KO RING MAKITANG MANLY SI THEO! JUSKO! THIS IS THE MOMEEENTT~~ I love you gurang! I LOVE YOU!

Nagkatitigan silang anim na bakla. Nagsusukatan ng tingin. Teka guys? Bakit napapansin kong sila na lang lagi ang kinikwento ko sa inyo? Hindi ba dapat nandito rin ako? Ako ang bida! Mga leshe to! Inaagawan ako ng spotlight!

"Uhm teka lang Mam. Pwede po bang matanong kung sino yung leading lady?" pakiki-usyoso ko sa mga madlang pipolets dito. Aba ayoko ngang tumunganga lang dito. Ano sila? Siniswerte? Hah!

"Wala pa kaming ideya kung sino ung leading lady kaya magpapa-audition na lang siguro kami." pagkasabi na pagkasabi ni gurang ay para namang naghugis star ang aking mga mata. ETO NA TALAGA ANG MOMENT NAMIN NG MINAMAHAL KO!

"Oh my gad! Available na available ako Mam! Ako na lang!" pagsusuhestiyon ko. Aba pagkakataon ko na rin to noh! Mamaya may kissing scene edi swerteng-swerte ako huehuehue.

"Ms. Plema, sa totoo lang, hindi ka magaling umacting. Pero kung gusto mo talaga, kailangan mo pang mag-Audition." para namang bumaliktad yung sikmura ko. Leche tong gurang na'to. Tinawag pa'ko sa surname ko at namintas pa! psshhh. Bwiset! Ako na nga tong nag-vovolunteer para sa leading lady! 

"So what now, Mr. Pacquito?" tanong uli ni gurang. Osige na! Hindi na nila ako sinasali sa usupan huhuhu. Sila na eh! Sila bida eh!

Tinignan ko si bakla at parang malalim ang kanyang iniisip. Teka, ba't parang... nakikita ko na siyang manly ngayon? :O Oh my gad! Lumalakas tibok ng puso ko h'wag kayo! Gaaahh! Foking teyp kahit may lipstick siya ngayon taeng yan para talaga siyang manly! Waaaahh!

"Waley na aketch magagawa. Sure-abells na po. Sasali aketchiwa." sabi niya sabay yakap kay Axiuminella na parang namatayan. Grabeng kabaklaan naman pssh.

Operasyon: Akitin ang Bakla!Where stories live. Discover now