oaab - pang-apat

5.1K 207 25
                                    

Nakapag-update rin sa wakas! BWAHAHA! Miss niyo na ba ang mga plema niyo este si Plema? Kung hindi, hindi kita masisisi. HAHAHAHA!

thankyou nga pala kay cherrie on top dahil siya yung gumawa nung bagong cover woosh~

note: medyo maypagka-spg dahil phewta si chendeng dizon dito aight? kaya kung hindi kaya ng sikmura, MAGSILAYAS!

--

Halos mang-init ang ulo ko nang makita ko silang sumasayaw. Eh sino ba namang hindi mang-iinit ang ulo ko yung CRUSH mo eh nandun at tuwang-tuwang sinasayaw ang bubble pop. Proud talaga siyang bakla siya *sighs*.

"O...MY...GAD...." tanging sambit nung tatlo. Inirapan ko na lang sila. Wala akong magagawa. Ganyan ang CRUSH ko. Kung ganyan siya, tatanggapin ko. Mahal ko eh.

"GOOOOOO BEBS! SIGE PA BARE YOUR CHEST PA MORE" sigaw ko. Sana mafeel niya yung support ko sa kanya noh! Halos mapaos na nga'ko sa todo-support ko sa kanya! Hmpf!

"YUCK! HINDI NA KAYO NAHIYA!"

"Ano ba naman yan si Raul! Nakakadiri yung grupo niya."

"Nonsense."

Narinig ko yan sa mga ibang audience! ANG KAPAL NILANG SABIHAN NG GANYAN ASAWA KO LECHE LANG NILA PLES. Kung ayaw nila ng pinapanuod nila ngayon edi magsilayas sila. 

"GO TIMOTHEO RAUL PACQUITO!" sobrang lakas yata nung pagkasigaw ko kaya naagaw ko medyo yung atensyon ni Bakla. Omygad! Bakit iba yung tingin niya? Bakit feeling ko inaakit niya ako at feeling ko uli na lumulutang ako?? Eto na ba yung sinasabi nilang LOVE IS IN THE AIR??

Ngumiti siya sakin at nagpatuloy sa pagsayaw. Haaay nakakamatay yung ngiti niya. Nakakalaglag panty! Naramdaman ko pa yung mga paniki sa aking tiyan. Kahit kailan talaga tong baklang to!

Ng matapos na nilang sayawin yung bubble pop ay umalis na sila sa stage. Pupuntahan ko siya para suntukin este bigyan ng goodluck KISS kuno kung sila ang mananalo. Wala eh, sweet kasi ako! Pinaghili ba naman sa sugarcane.

Tumayo na ako sa upuan ko at pumunta na nga dun sa backstage kaso papunta pa lang ako dun eh marami nang taong naggigitgitan. Ewan ko kung anong meron. Dahil siguro papunta ako kaya nagkakagulo? Pero huta joke lang pala yun dahil futengene, pinagkakaguluhan dito yung grupo nung may piniping ilong! Psh! LALANDI!

Hindi ko na lamang sila pinansin at nilagpasan na lang sila with matching cat walk ko. Aba, mamatay kayo sa aking pamatay na cat walk!

"Hey!" narinig kong sigaw nung may piping ilong pero who cares hugis pwet? Wala akong pakielam sa kanya at baka kapag lumingon ako eh hindi pala AKO yung tinatawag niya? Oh diba? Sayang yung paglingon, may bayad pa naman paglilingon ako. Sampung piso din yun, pangkain din!

Operasyon: Akitin ang Bakla!Where stories live. Discover now