⚠ 35 (Warning)

62.9K 832 3
                                    


"Anong ginagawa mo dito? " tanong ko sa kanya pero tinalikuran niya lang ako.

"May sakit ka ba?" Di pa rin niya ako pinansin at umupo lang siya kaya umupo na rin ako sa tabi niya.

"Masaya ka na ba dahil ganito na itsura ko? " di ako makasagot pero naaawa ako sa kanya.

"Wag mo kong kaawaan kaya umalis ka na" pananaboy niya sakin pero di ko siya pinansin.

"Ito ba dahilan? Kaya mo siya niloko? I remember zack told me that nakita ka niya noon sa hospital din" di siya umimik kaya hinawakan ko ang kamay niya.

"Handa naman akong patawarin ka kong sasabihin mo sakin ang katutuhanan. Alam ko naman maraming kumakapit sa patalim pero sayo mukha di naman dahil pinahalagahan mo naman siguro si zack noon diba? " napatingin siya sakin at nakita ko ang luhang dumadaloy sa pesnge niya.

"Rose tell me" tama kayo si rose ang nakita ko. At naaawa ako sa lagay niya ngayun. Sobrang putla niya

"Sorry kung nagpapanggap akong ikaw noon. Eh kasi simula ng itapon ako ng pamilya ko sa bahay amponan dahil sa sakit ko di ko na alam kong anong gagawin ko nun"

"Sige ipagpatuloy mo makikinig ako" at ngumiti ako sa kanya ng sinabi ko yun.

"Noong 17 years old ako nalaman ng pamilya kong may sakit ako. Di namin alam noon kong anong sakit ko kaya dinala nila ako sa bahay amponan" nagsimula na siyang humagulhul kaya hinagod hagod ko ang likuran niya.

"Kahit anong pagmamakaawa ko sa pamilya ko pero tinalikuran nila ako hanggang sa ang mga pare at madre na ang nagpapagamot sakin. May leukemia ako nanawala na noon simula ng ipagpatuloy ang pagpapagamot sakin ng mga pare at madre pero nahimatay daw ako at dinala ako sa hospital, sabi ni father may pare daw na tumulong sakin at dinala ako sa london at sumama sila, Nung mga araw na yun sinabi sakin ng mga pare na di nila ako kayang gastosan sa pagpapagamot ko. Wala akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak hanggang sa pumasok si zack at sinabi niyang ako daw si monic. Kaya--" napatingin siya sakin. At ngumiti lang ako

"Kaya kahit makasalanan nagpanggap ako. Dahil ang alam lang niya ay monic daw pangalan ng babaeng hinahanap niya. Nagpapanggap akong walang maalala, araw araw niya akong inaalagaan pinagamot din nila ako kaya unting unting naghihilom ang sakit pero may maintenance ako. Hanggang sa nahulog ang loob ko sa kanya. Minahal ko siya monic sa maraming taong nagkasama kami, inalagaan. Kinasal kami Pero simula ng makita kita sa companya natakot ako baka maalala mo siya pero hindi. Simula din nun bumalik ang pinakamamahal kong lalaki. Ang mali ko ay pinagpalit ko si zack sa kanya. Sa isang gabi namin may nabuo kaya simula nun linayuan ko na si zack dahil iniisip ko hindi naman talaga ako yung babaeng hinahanap niya."

"So ginawa mo lang lahat yun para may panggamot ka? " tanong ko sa kanya at simpleng tango naman ang ibinigay niya sakin.

"Kaya nung malaman kong nagkikita kayo pinilit kong pinaghiwalay kayo kasi alam kong ako ang pipiliin niya at tama ako pero nakokonsensya din ako sa mga ginagawa ko. Pero ang iniisip ko lang noon ay sarili ko"

"Tama na. Ayoko nang malaman ang lahat, basta ang mahalaga nagsisi ka sa ginawa mo samin. Saka masaya na rin kami ngayun. May anak na kami kambal kakaanak ko lang saka kay zack ka humingi ng patawad dahil siya ang mas nasaktan mo" nakatingin lang siya sakin kaya ngumiti ako ng mapatingin siya sa likuran ko. Kaya napatingin din ako.

"Babe? " agad akong tumayo at hinaharap siya.

"Iniwan mo si mommy? " di siya sumagot at nakatingin lang ng masama kay rose kaya hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sakin.

"Mag usap kayo. Babalik na ako sa loob" di siya sumagot kaya iniwana ko na sila pero ang totoo nasa likod lang ako ng pintuan nakikinig sa kanila. Baka ako ano pang sabihin ni rose. Di pa ako tuluyang nakakmove on sa mga pinag gagawa niya noon samin.

Blind Romance (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon