Love That Lies

0 0 0
                                    

CHAPTER 9

HALOS dun na tumira sa apartment ni Carly si Barry, hindi nya kasi maiwan mag isa ang dalaga dahil sa nalalapit nitong panganganak. Tinutulungan nya ito sa lahat ng gawain. Dahilan ito upang mapabayaan nya ang posisyong inatang ng ama sa kanya.

Madalas sya nitong usisain tungkol sa pinagkakaabalahan nya, ngunit hanggang sa huli'y ilinihim nya ang totoo sa pamilya.

"Barry,"

"Yes Carlene, why?.. May masakit ba sayo? "..nag aalalang tanong ni Barry.

"Hahaha.. Ang oa mo Barry... Okay lang ako"..naupo sa dining chair si Carly,

"Ah... Akala ko napano ka na eh"...itinuloy ni Barry ang pagluluto.

"Thank you"..

"For what? "..masayang tanong ni Barry, kahit alam na nya kung para san ang pasasalamat ng dalaga.

"For everything.. You don't have to this all for me.. I don't deserve your unconditional love"..naluluhang pahayag ni Carly.

"I love doing this for you Carly.. I can't seat back and relax while you suffer so much.. "..pinatay na ni Barry ang apoy sa kalan, at umupo sa tabi ng dalaga.

"Napakabuti mo Barry"..hilam na sa luha ang dalaga.

Ginagap ni Barry ang kamay nito, at masuyong pinahid ang luha nito, "I love you Carlene.. Hindi ako naghihintay ng kapalit sa lahat ng ginagawa ko para sayo.. I just want you to be happy"

Hinaplos ni Carly ang pisnge ng binata. Tinitigan nito ang mata ng binata, at marahang ilinapit ang labi sa labi nito. Naglapat ang mga uhaw nilang labi.

Hindi makapaniwalang ginantihan ni Barry ang masuyong halik ni Carly. Parehas sila naghahabol ng hininga nang maghiwalay sila.

"I love you too.. But it's not as big as your love for me Barry.. But I'm working on it,.. "Pag amin ni Carly sa nararamdaman.

"That's more than enough for me Carlene",mahigpit na yinakap ni Barry ang dalaga.

*****

Hindi malaman ni Blaze kung bakit di sya mapakali, balisa sya, at kahit anong gawin nya, si Carly parin ang pilit na sumisiksik sa isip nya.

"Babe, inumin mo na tong gamot mo"..pumasok sa silid nya si Darly na may dalang gamot at tubig.

"Thanks"..

"Malalim yata ang iniisip mo babe? "..usisa ni Darly sa kasintahan.

"Pagod lang ako"..matabang na sagot nito.

"Okay, magbihis ka na babe, may check up ka ngayon diba? "..paalala ni Darly.

"Alright, I'll take a shower",

"Okay, I'll wait for you outside"..

.

.

.

"It's done"...masayang balita ni Barry kay Carly.

"Hah?... Anong ibig mong sabihin? "..nagtatakang tanong ni Carly.

"Come"..hinatak sya ni Barry sa guest room ng apartment ni Carly.

Nanlaki ang mga mata ni Carly ng buksan ni Barry ang pinto. Bumungad sa dalaga ang makulay na disenyo ng silid, at kumpletong kagamitan ng baby,..

"You did all this? "..masayang baling nya sa binata.

"Yes my dear, I'm so excited for the baby"..he implied.

Love That LiesWhere stories live. Discover now