Love That Lies

1 0 0
                                    

CHAPTER 5

Sakit ng ulo at pagsusuka ang gumising kay Carly. Nagtatakbo sya sa banyo upang dumuwal.

Napagpasyahan nyang magpatingin sa OBGYNE.

"Misis, good news po.. Nagdadalantao kayo, it's 2weeks old"..masayang balita ng doktora kay Carly.

Napatakip sa bibig si Carly upang mapigilang tumili. ''Really doc?.. Oh my... Thank you so much doc... "

Masayang umuwi si Carly, naisip nyang magpahinga sa araw na yun upang paghandaan ang pagtatapat kay Blaze ng magandang balita.

Pagpasok pa lang nya sa gate ng bahay ay napansin nyang tulala si Darly habang tumutungga ng wine.

"Ate hindi ka ba papasok today? "..puna ni Carly sa kapatid na maagang nagmumuni-muni sa gilid ng swimming pool.

"Nagresign na ako"..tugon nito.

"Hah?.. Anong plan mo?.. May balak ka ba magtayo ng negosyo? "..sunud-sunod na tanong ni Carly.

"Wala, I just want to rest"..

"Ate gabi-gabi ka na lang kasing mula ng umuwi ka dito tapos ngayon ayaw mo ng pumasok sa trabaho.. ",linapitan nya ang kapatid, "ate may problema ka ba?.. Sabihin mo naman sakin"

"Wala"

"Ate naman, kapatid mo ko.. Kung may problema ka handa akong makinig"

"Wala nga, bakit ba ang tigas ng ulo mo?! "..sigaw na ang isinagot ni Darly sa dalaga.

Hindi makapaniwala si Carly sa ikinikilos ng kapatid. "Ate? "

"Please leave me alone"...itinulak nya ang kapatid.

Gulong gulo ang isip na iniwan ni Carly ang kapatid.

.

.

.

.

"Baby, what happen?.. Nag-alala ako sa sobrang iyak mo kanina sa phone"..nag-aalalang tanong ni Blaze pagkapasok nya sa silid ng dalaga. Naabutan nyang nakadapa ang dalaga sa kama at walang humpay ang pag-iyak.

Yinakap nya agad ang dalaga, "ssssshhhhh, tell me"..alo nya sa dalaga.

Sa pagitan ng iyak at hikbi ay ikinuwento ni Carly ang sagutan nila ng kapatid. "Ever since ngayon lang kami nagkasagutan ng ganun"

"Okay, I'll talk to her"

"Really?.. You will do that for me? "..di makapaniwalang tanong ni Carly.

"I'll do everything for you baby"..masuyong hinaplos nito ang buhok ni Carly.

Parang batang tumango si Carly. Humiga na ito.

.

.

.

Marahang kumatok si Blaze sa kwarto ni Darly.

"Go away!... I want to be alone!!! "..sigaw ni Darly.

"It's me Blaze"

Bumukas agad ang pinto, "anong kailangan mo? ",mugto ang mata nito sa walang humpay nitong pag iyak.

"We have to talk"..ma autoridad na saad ni Blaze.

"What for? "

"This has to stop... Don't punish your sister for your miserable life"

"Pano ka nakakatulog sa gabi habang may isang taong umiiyak at nagdudusa dahil sayo? "..muling umiyak si Darly.

"Please Darly, leave us alone.. Accept our fate.. Be happy for us... After all she's your sister"

"I hate you! "..pinaghahampas ni Darly ang dibdib ni Blaze.

.

.

.

.

Sinundan ni Carly si Blaze nang ito ay lumabas ng silid nya. Lalapit sana sya nang buksan ni Darly ang pinto, ngunit natigilan sya sa takbo ng pag-uusap ng dalawa.

Hindi na nya napigilan ang luhang pumatak sa kanyang mata sa mga narinig. Pinilit nyang humakbang palapit sa dalawa kahit pakiramdam nya'y napakabigat ng kanyang mga paa.

"Anong ibig sabihin nito? "..hilam na sa luhang tanong nya sa dalawa na halatang nagulat sa bigla nyang pagsulpot.

"Carly?! "..sabay na sambit ng dalawa.

"Bakit nyo ko linoko?.. Kelan nyo balak sabihin sakin ang totoo?... Kelan?!!!!!!!! "..galit na sigaw ni Carly.

Tinangkang yakapin ni Blaze si Carly, ngunit itinulak sya nito.

"Ikaw ate!,, diba sinigawan mo ko kanina... Bakit di mo pa sinabi ang tungkol sa inyo?.. Sinaktan mo na ko kanina bakit inunti unti mo pa?!",walang tigil ang luha ni Carly, "ang sasama nyo!... Magsama kayo!!!! "

Patakbong bumalik sa sariling silid si Carly at nagmamadaling ilinabas ang mga damit at isa isang ipinasok sa maleta.

Sinundan sya ni Darly, "Carly, please patawarin mo ko.. Let me explain"

"You don't have to, malinaw na sakin ang lahat,.. Sya ang boyfriend mo ng isang taon... Kasalanan mong lahat to.. Kung noon pa lang ay ipinakilala mo na sya sakin, hindi ko sya mamahalin"..tuluyan nang lumabas si Carly at pinaharurot ang sasakyan.

Laglag ang balikat na napaupo na lang si Darly sa kama ng kapatid.

.

.

.

Hindi na rin nahabol ni Blaze si Carly. Mabilis itong nakalayo.



AUTHOR'S NOTE:

Are you enjoying the flow of the story?

Tapos na ba ang lahat kina Blaze at Carly?
Babalik na ba sa piling ng isa't isa sina Blaze at Darly?

Follow the next chapter.
Please vote and comment.

Love That LiesWhere stories live. Discover now