"Shar hindi ka unfaithbul bestfriend"   sabi niya

'

"Tssss.   Maglolokohan pa ba tayo Jai?  Eh yun naman talaga yung tingin mo sakin diba?"   pagmamataray ko

"Sharlene naman.  We're bestfriends,   di ko kaya tong tampuhan na to."   -inis niyang sabi

Ganyan naman siya lagi eh!  Mainitin ang ulo.  Pakshet!

"wow ha!  May balak ka ba talagang makipag ayos ha?!  At ano sa tingin mo,  tampuhan lang to? Ha?! TAMPUHAN?! Bw*sit ka naman oh!  Away to Jai!  Nagkakagulo tayo dahil sa'yo! Sayo! Sayo! Sayo!"    sigaw ko sakanya

"Kaya nga nakikipag ayos na ako oh.   Look,  i'm sorry okay?.  Sorry na.  Judgemental na ako kung judgemental but i'm very sorry.   Pinapahalagahan ko lang yung pagkakaibigan natin.    Inaamin ko,  ako ang dahilan.  Yung maling akala ko ang dahilan ng pag-aaway na to.  Kaya nga nag-sosorry ako oh.  Shar, konsensyang konsensya ako!"    pagmamakaawa niya

Nakikita ko namang sincere siya eh.       Hindi lang talaga ako makapaniwala sa mga sinabi niya kanina

"Eh ako? Sa tingin mo kaya ko to?  Mahitap Jai!  Napaka hirap!   Hindi ko kayang makaaway ang bestfriend ko.   Pero ayokong dayain ang sarili ko,   gusto ng sarili kong magalit sayo! Gustong gutso!   Hindi ko matanggap lahat ng inasta mo!  Kung pagdudahan mo ako parang wala tayong pinagsasamahan!  Nasa tiyan palang tayo ng mga nanay naten,  magkaibigan na tayo  kaya ni minsan, hindi ko inisip na magagawa mo sakin to"    sabi ko.  This time,  tumutulo na yung luha ko

Gumagaan nang gumagaan ang pakiramdam ko habang tumutulo ang mga luha ko.  Siguro,  dahil naibubuhos ko na yung galit ko sa pinakaimportanteng lalaki sa buhay ko.

"Ako rin naman eh.  Hindi ko inakalang nagawa ko to sayo.   Sising sisi ako Shar.  Siguro nadaan lang ako sa sarili ko.    Nakikipag ayos na nga ako oh.  Please tanggapin mo naman na yung sorry ko,  hindi ko alam ang gagawin ko kung oatuloy tong pag aaway naten eh"     sabi niya.   Maluha luha narin siya

Sige na nga!   Papatawarin ko na siya.   He's my bestfriend.  Hindi ako sanay na magkagalit kami.    Besides,  gumaan na ang pakiramdam ko sa pag iyak.

"fine.   Ayos na tayo.  Pero sana next time,  make sure you know the reason behind every story before you judge.  Ha PANGET?"     sarcastic kong sabi tapos diniinan at dahandahan yung pagbigkas ko sa "panget"   Which means okay na talaga ako.

"Awtsuu.  Tinawag niya na akong 'PANGET' haha.  Opo,  kokontrolin ko na sarili ko.  Bati na tayo ha?"   smiling face nyang sabi

Para lang kaming bata noh?  Mag aaway ng sobra tapos pamaya maya,  bati na ulit.   Eh anong magagawa namin?  Hindi namin matiis ang isa't isa   :3

"Pnget,  sabi nga pala ni Alexa,  wag mo daw sagutin si Francis.  Ewan ko kung bakit pero mukhang badtrip siya kay Francis eh"   sabi niya

A-ano daw?

Ano namang problema ni Alexa kay Francis?  Eh magka-close lang naman sila dati ha.  Bakit siya badtrip??   Ano bang nangyare?

"H-ha?  Badtrip si Alexa kay Francis?  Bakit?  Anyareh?"   tanong ko

Tinaas baba lang niya yung balikat niya.  Napakunot noo nalang ako.

Napapaisip talaga ako kung bakit parang nag-iba ang timpla ni Alexa kay Francis.

"Lalim ng iniisip panget ha.  Tara, mamasyal, sulitin natin ang Baguio :) Mag-bangka tayo"  aya niya sakin

Syempre game na game ako sa alok niya.  Bet na bet!

"Sige ba! Basta libre mo"   tapos nag-wink ako

"Hayy.  Nako.  Sanay na ako sa style mo na yan.  Aayain ba kita kung wala akong panlibre?"  sarcastic niyang sabi

Napangiti nalang ako.  Nakakatuwa talaga tong bugok na  to,  kilalang kilala talaga ako.  Haha

Francis'  POV

Sinuntok ako ng g*go.   *smirk*   Guilty ang isang Jairus Aquino.  Haha!   Natatakot talaga siyang makuha ko si Sharlene.

Makapaglakad lakad na nga lang muna.   Nakaka-good vibes yung suntok ni Jairus eh.  Haha.  Sigurado akong mag-aaway yung dalawang yun.  Magkakalabuan na ang friendship nila.   Mas maganda narin yon,  para iwasan na ni Sharlene si Jairus.

O_______________________O

T-totoo ba tong nakikita ko?????!!!

Sh*t!

Bakit magkasama parin silang nagbabangka?  Nagtatawanan pa sila.

Nag-away kaya sila?

Syempre hindi!  Dahil kung nag away sila,  hindi sila masayang magkasama ngayon.  Aaaaaaaarrgggh!!!!   Mababaliw na ako!   Sinasagot ko pa tanong ko.

Sh*t naman kasi!

Diba dapat pinag-aawayan na nila yung paglilihim sa kanila ni Sharlene?

Buseeeet naman oh!

Yung GV ko,  sira na!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

JaiCis moment soon :) Abang abang mga MSBTB readers :">

Super lapit narin ang love story ng JaiKa ^__^

Comment your reactions on this chapter :)  Vote and Share narin para mas masaya!

-A

:)

My Star Bestfriend To Boyfriend? [JaiLene]Where stories live. Discover now