Nagpatuloy siya sa ginagawa niya.

Sumunod ako at hirap na hirap akong maglakad dahil lumulubog ang paa ko sa lupa.

"Nagtiwala ako sayo bilang kaibigan ng anak ko pero hindi ko akalaing-" tumigil siya pagsasalita saka bumuntong hininga.

"Kung gusto mong maging kaibigan ang anak ko tapusin mo kung ano man yang relasyon ninyo. Maaaring matanggap pa kita."

Napayuko ako at napahigpit ng hawak sa kahoy na dala ko.

Masakit dahil para sa akin minahal ko na ang Tatay niya bilang totoong Ama pero ngayon ramdama ko ang galit niya sa akin dahil minahal ko ang anak niya.

"Tito I'm-I'm sorry po pero mahal ko po ang anak ninyo."

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo?!"

Sa pagkakataong iyon nagawa na niyang tumingin sa akin.

"Bilang Ama gusto kong magkaroon ng normal na pamumuhay ang anak ko. Magkaroon siya ng pamilya at mga anak. Oo, maaaring mabigyan mo siya ng magandang buhay pero mas higit don ang pinapangarap ko para sa anak ko!"

Masakit man marinig pero hindi ko siya masisisi kung bakit tumututol siya sa pag mamahalan namin ni Anne. Durog na durog ang puso ko, pero hindi ako titigil.

"Alam ko pong hindi ko maibigay ang lahat ng bagay na pinapangarap niyo para kay Anne, pero handa po akong harapin lahat para ipaglaban siya. Mamahalin ko po siya at hindi sasaktan."

"Madali lang sabihin yan, pero mga bata pa kayo at habang maaga pa itigil niyo na iyan. Gusto ko maging masaya ang anak ko pero hindi sa kapwa niya babae, sana naiintindihan mo ang ibig kong sabihin."

Hindi na ako nakasagot pa dahil tumalikod na si Tito at nagpatuloy ulit sa ginagawa niya.

Halos hindi na ako makaalis sa kinatatayuan ko dahil pakiramdam ko manhid na yong mga paa ko, pero hindi naman pwedeng manatili lang akong nakatayo dito.

"Tito a-alis na po ako." sabi ko pero hindi ako pinansin ni Tito kaya mabigat ang loob ko na uuwi ng bahay nila.

Siguradong gising na ang babe ko at baka hinahanap na ako.

Sinundan ko ulit ang daan pauwi at mabilis na naglakad, malayo pa lang ako nong matanàw ko ang babe ko sa likod ng bahay nila kaya binilisan ko lalo ang paglalakad.

Halata sa mukha ng babe ko ang pagaalala nong palapit na ako sa kanya.

"Hi babe! Goodmorning" nakangiting bati ko sa kanya.

"Jillian? Anong nangyari sayo? At tama bang umalis ka ng walang paalam?! Kanina pa ako nagaalala!"

Tsk ang aga-aga umuusok na ang ilong ng babe ko.

"Eh babe wag ng magalit, sinundan ko si Tito sa bukid." sabi ko sabay hagis ng kahoy na hawak ko.

Ngumiti ako pero halatang naiiyak siya.

"Babe bakit?"

"Kainis ka! Akala ko iniwan mo na ako!"

"Bat ko naman gagawin yon?"

Hindi ko akalaing hahanapin pala niya ako. Napangiti ako lalo na nong magpout siya.

"Basta bakulaw wag mo ng uulitin to ha?! Lagot ka sakin!"

Tumango ako saka ngumiti.

Lumapit siya sakin saka niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Mukha tuloy akong batang gusgusin ngayon hehe.

"Maligo ka na at magbihis. Pupunta tayo ng palengke mamaya."

"Okay babe. Pero pwede bang kuhanan mo ako ng damit sa bag? Pati undy ha?"

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Where stories live. Discover now