"Hah?" tanong ko habang inaayos ang pagkain sa harap ko.

Nag-angat ako ng tingin at napaurong nang makitang nakatingin silang dalawa sa akin. Halatang hinihintay nila ang sagot ko.

Tumikhim ako.

"Sa school dati ni Marissa. Nung huling beses na nag-usap kami, nakilala ko yung mayabang na 'yon,"tipid kong kwento.

"Tapos?" maagap na tanong ni Raffie.

Umiling ako.

"'Yon na 'yon," sagot ko.

Pinanliitan nila ako ng mata.

"Don't us! Alam namin 'yan! Hindi gugustuhin ng isang Uno Montgomery slash most eligible bachelor na malaman ang pangalan mo kung ganon lang 'yon!" ani Raffie.

Kusang tumaas ang kilay ko. Hindi lang pala mayaman ang impakto? Kilala pa ng marami.

"Iniinis lang naman ako ng lalaking 'yon! Sa totoo lang, inis sa akin 'yon. Inipit ko ba naman yung kamay niya sa pintuan ng kotse niya noong punta ko roon. Nagca-cut kasi!" paliwanag ko.

"Oh... So, huling pagkikita niyo na 'yon?" tanong naman ni Kelly.

Tumango ako.

"Kaya naman pala hindi ka makalimutan ni sir. Ang dami kayang may gusto sa kanya rito sa hospital. Lahat yata ng mga babaeng nurse, inaabangan ang pagdating niya tuwing pinupuntahan niya si Mrs. Jackie rito, yung tita nilang may-ari ng hospital," ani Kelly.

"True! Take note, hindi lang babae kung hindi pati mga tulad ko! Ang gwapo naman kaya ni Sir Uno! Tingin pa lang, yummy na! Haba ng hair mo! Gupitin nga natin!"

Bahagya akong natawa sa sinabi ni Raffie. Napailing na lang ako at sumubo muna ng pagkain. Wala naman akong pakialam kung halos lahat ng infrastructures dito sa Pilipinas ay pagmamay-ari nila.

"Paano ka pala nakarating dito?" tanong ni Kelly.

"Tinulungan ako nung pasyente ko... Mahabang kwento pero pag nagkita kami ulit, pakikilala ko kayo. Sobrang bait n'on."

Napangiti ako habang inaalala ang ginawang pagtulong sa akin.

"Hinatid ka pa rito?" dagdag na tanong ni Raffie.

Umiling ako. "Hinatid ako nung Carl Motgomery kasi tinulungan ko yung pamangkin niya. Nagmabuting loob."

Kung titingnan naman ang mundo, marami pa rin ang mabubuti ang puso. Kailangan mo lang i-appreciate ang mga pinakikita ng iba sa'yo. Dati, tuwing may tumutulong sa akin ay hindi ko masyadong iniintindi. Para kasi sa akin, kaya ko naman ang sarili ko pero hindi pala.

No man is an island sabi nga nila. Mangangailangan pa rin tayo ng tulong.

"Grabe ka, girl!"

"Bakit naman?"

"Ano bang shampoo mo at sine-swerte ka nang ganyan!" ani Raffie sabay hagikgik.

Kumunot ang noo ko.

"Swerte ba 'to? Tingnan mo naman ang nangyayari sa akin."

Ngumiwi ito.

"Hindi naman 'yon! Isipin mo ah, Uno Montgomery tapos Carl Montgomery. Isa na yata sa pinakamatinong tao na nakilala ko si Sir Carl! Sobrang bait, maalaga sa pamilya, responsable, hindi babaero, walang kahit isang scandal sa dyaryo 'yon. In short, ideal superman mo!" kilig na kilig na paliwanag ni Raffie.

Napabuga ako ng hangin.

"Walang—"

"Tama si Raffie! Kahit ako, kung papipiliin ako between Sir Carl o Sir Uno, kay Sir Carl na lang! Si Sir Uno, bawat dyaryo yata ay siya ang headline. Iba-iba ang kasamang babae sa mga restaurant. Ang goal yata n'on, libutin ang mga restaurant sa buong bansa kasama ang iba't ibang babae," pagpuputol ni Kelly sa akin.

MONTGOMERY 5 : Waiting For SupermanWhere stories live. Discover now