"Hindi nga sya deserve pero may kwenta sya kahit na sobrang manhid nya. Una na ako, Gia." paalam nya at naglakad paalis.

"Ang manhid nga." napatingin ako kay Gia. Pinagsasabi na naman nito? "Ang manhid mo." nakatingin sakin na sabi nya. Kumunot ang noo ko.

"Anong ako?" inirapan nya ako.

"Manhid mo talaga 'no? Hindi mo kilala kung sino tinutukoy ni Lyrin?"

"Malamang, hindi nya sinasabi."

"Kasi nga manhid ka!" napatayo ako at hinawakan ang kwelo nya. Bigla din napatayo si maid at inawat ako pero hindi ko binitawan si Gia.

"Masasapak na kita kakasabi mo na manhid ako." inis na sabi ko sa kanya.

"Manhid ka talaga." inangat ko ang kamao ko na agad naman hinawakan ni maid. "Manhid ka kasi hindi mo napapansin si Lyrin noon pa. Manhid ka hindi mo alam nasasaktan sya nang dahil sayo. Manhid ka kasi hindi mo nararamdaman na may gusto sya sayo." sabi nya na ikatigil ko.

"Ano?" inirapan nya lang ako.

"See? Manhid ka kasi." sinamaan ko sya ng tingin. Tinulak ko sya.

Napatingin ako sa direction na pinuntahan ni Lyrin. Seryoso ba 'to? May gusto sya sakin?

"Kaya nga sinabi ni Jade kaninang umaga na yung mga may gusto sayo nag-aabang. Nandon si Lyrin, so isa sya sa may gusto sayo." sabi nya. Napabuntong hininga ako.

"Paano ka nakakasigurado na may gusto nga sya sakin?" malay ninyo pinagtri-tripan lang ako neto.

"Dahil nga hindi mo sya napapansin noon, kami ang kumakausap sa kanya sa tuwing kasama mo si Sean at sinabi nya samin na may gusto sya sayo." sabi nya. Napakamot ako ng ulo at napabuntong hininga.

"Hindi nga ako deserve para sa kanya." sabi ko. Ang lakas kong makapag-advice sa kanya, yun pala, ako ang gusto nya. Siguradong nasasaktan sya ngayon dahil sa sinabi ko. Hays! Malay ko bang ako ang tinutukoy nya?

"Paano naman si Ms. Dani? Nandon din sya kanina 'di ba?" napatingin kami kanila Veron na sa wakas dumating din.

"May gusto din sya kay kaliwa." lahat kami ay napatingin kay Jade.

"What the heck?" Paano nya nalaman na may gusto sakin si Ms. Dani?

"Narinig ko kayo non nung hinatid ko si Sean papunta sa VIP room one. Saktong may tumawag kay Sean kaya tumigil kami saglit. Hindi nya yon na rinig dahil busy sya sa kausap nya." sagot nya. Shet narinig nya pa yon? Talas talaga ng pandinig nito.

Bigla ko naalala si Fin kaya napatingin ako sa kanya. Nalungkot ako nung nahuli ko syang pinahid ang luha nya. Fuck! Nasaktan ko na naman sya, bakit kasi sakin pa nagkagusto yung taong gusto nya.

"Fin, look hindi ko alam kung bakit nagkagusto sakin si Ms. Dani pero aamin ko crush ko sya." napaiwas sya ng tingin, bigla naman ako binatukan ni Gia.

"Gago ka ba?! Kita mong nasasaktan na yung tao eh!" singhal nya.

"Pwede patapusin mo muna ako?!" inis na sabi ko. Ang sakit eh. "Crush ko lang sya at wala akong balak na agawin sya kay Fin. Beside, may maid ako. Mas gusto ko sya kaysa kay Ms. Dani 'no."

"Alam ko." sagot ni Fin.

"Takte alam mo pala kung makadrama ka dyan, akala mo naman aagawin ko si Ms. Dani sayo. Kung si maid ang gusto mo, talagang aagawin ko sya sayo." hinawakan ko kamay ni maid at tinago sya sa likod ko.

"Grabe, over protective naman this girl." sabi ni Veron.

"Ang dami palang nagkakagusto kay kaliwa. Apat-apat. Aba kaliwa magpaputol ka na ng buhok daming karibal ni Nissan eh." sabi ni Jade.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidOnde histórias criam vida. Descubra agora