Description

909 131 10
                                    



Tuwing may nangyayaring hindi maganda sa buhay ni Blythe ay palaging umuulan. Katulad na lang noong...

Nasira ang paborito niyang laruan noong 6 siya. No'ng namatay ang first pet niya noong 7 siya. No'ng iniwan sila ng Papa niya noong 9 siya. No'ng nalaman nilang may Down-Syndrome ang kapatid niya noong 13 siya. No'ng nag-confess siya ng feelings sa lalaking gusto niya at na-reject siya noong 15 siya. No'ng na-stop siya sa pag-aaral noong college siya dahil kulang na sila sa pera noong 18 siya.

So you see, walang magandang nangyayari sa kaniya tuwing umuulan.

Kaya habang bumubuhos ang malakas na ulan nang aksidenteng nabangga siya ni Travis at tumilapon ang cake na ide-deliver niya sana sa nag-order no'n, inisip niya na meron na namang hindi magandang mangyayari sa kaniya.

When in fact ito na pala ang pinakamagandang bagay na puwedeng mangyari sa buhay niya.

Kung hahayaan niya lang sana ito.

-

After The Rain (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon