"After lunch, labas tayo?" aya ni Theon sa amin. Sumang-ayon naman ang karamihan. Si Kol ay hindi naman sila kinibo. Nagpaplano sila kung saan pwedeng magpunta mamaya. Hindi na ako nakisali sa kanila dahil alam ko namang hihilahin din ako ni Aly kung saan man kami pupunta.

Nakaupo si Jahann sa may gilid ng couch at nakapatong ang braso sa may balikat ko. Nakapatong naman ang braso ko sa may hita niya habang nakikinig sakanila.

"Jahann, gusto ko din ng hot chocolate..." sabi ni Aly kay Jahann. Ngumiti pa ito na tila naglalambing. Natawa nalang ako. Lagi nalang siyang ganyan kay Jahann kapag may pinapakiusap siya.

Huminga ng malalim si Jahann bago tumango. "Fine. I'll make you one..." sabi nito bago umalis sa tabi ko.

"Jahann, ako din!" sabi ni Lean dito. Natawa naman ako. Ayaw pa naman ni Jahann ng inuutusan siya.

"Ikaw, Ate Caryl, baka gusto mo rin?" tanong nito kay Ate Caryl bago magpunta sa kusina. "Sige, Jahann. Thank you!" sagot ni Ate Caryl dito.

"Jahann, kami, di mo igagawa?" tanong ni Keij dito bago ako inakbayan.

"May paa ka. Tumayo ka diyan," sabi ni Jahann bago tumalikod at nagpunta sa kusina. Hndi ko naman mapigilang matawa ulit.

"Bagay talaga silang magkakasama nila Kol at Enzo..." sabi ni Keij sa akin.

"Tigilan mo kaya ang pantitrip sakanila para hindi ka nila sinusungitan?" sabi naman ni Lean kay Keij.

"Ikaw nga, kahit hindi ka pinagtitripan, masungit ka, eh..." sagot naman ni Theon dito.

"I am sure kung nandito si Kuya Cloud, lahat tayo mananahimik..." natatawang sabi ni Ate Caryl. Katabi nito si Kuya Kiro.

"Kung nandito naman 'yon, malamang kaharap lang 'non 'yung laptop niya at negosyo pa din ang inaasikaso," sagot ni Kuya Kiro kay Ate Caryl. Mas close si Kuya Kiro kay Kuya Cloud dahil na din kay Tita Stephanie at Tita Cristine. Bata pa lang daw kasi ay lagi na itong magkakasama sa SD. Si Theon din naman ay madalas na naroon pero simula nang dumating sila Keij at Kol, mas sila ni Keij ang nagkasundo.

"Para namang kapag ikaw ang busy sa pagpe-paint mo, naiistorbo ka..." sabi naman ni Ate Caryl kay Kuya Kiro.

"Hindi ka naman istorbo kaya okay lang kung ikaw..." ngumiti ito sakanya.

"Bagay talaga kayo..." nakangiting sabi ni Aly. Ngumiti lang si Ate Caryl sakanya.

Maya-maya'y bumalik na si Jahann. May hawak itong tray na may lamang tatlong mug at inabot sa tatlong babae at umupo na muli sa tabi ko.

"Mamimitas ba ng strawberry mamaya?" tanong ni Theon sa amin. Halata namang naexcite sila Aly at Lean sa ideyang iyon.

"Good morning, Ian!"

Natigilan ako nang biglang may binati si Aly. Agad kong nilingon ang likod ko at naroon nga si Ian at nakatayo. Simple lang ang puting shirt at jeans na suot nito. Naka-cap din ito ng black. Napaayos ako ng upo matapos kong ibalik sa mga kasama ko ang tingin ko.

"I'm Alyanna. Cherinna's twin sister..." tumayo pa si Aly at lumapit kay Ian.

"Aly!" saway ko dito ngunit tila hindi naman niya ako narinig.

"Hi," tipid na bati ni Ian dito.

"That's Theon, our cousin. Si Keij, pinsan din namin," pakilala niya sa dalawang katabi ko. "Here's Ate Caryl, our sister by heart and also Lean, pinsan siya ni Keij..." tuloy-tuloy lamang ito sa pagpapakilala. "Ito naman si Kuya Kiro, brother by heart namin, and this is Kol, Keij's twin brother..." ayaw magpaawat ni Aly sa pagpapakilala.

Played by Fate - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon