"Ah. He-he. Hindi naman masakit." Nakangiti kong sabi sa kanya. Nagpakita pa ako na naglalakad ako, pero iika-ika naman. I don't know kung nakangiwi ba ako.

"Tsk! Sa susunod kung gusto mong magpalibre, sabihin mo na lang. Hindi yung kailangan mo pang makipaglaro." Sabi nya at saka ako inalalayan at biglang binuhat na pangkasal!

"What the-- Kris ibaba mo ako!" Sigaw ko sa kanya. "Mauubos ang oras!" Pagpatuloy ko.

"Tss. Mas mauubos kung iika ika kang maglakad. Tara na nga!" Binuhat nya ako ng pabridal style. nakakahiya talaga!

Madilim at wala ng tao dito sa park. Sino ba naman kasing matino ang pupunta dito sa ganitong oras, diba?

Mabilis kaming nakarating sa taas. Kahit na kailangan pang umakyat sa hagdan, madali lang para sa kanya dahil.. ang lakas nya! Para nga lang akong bag para sa kanya. Pumapayat ba ako? Iniupo nya ako sa isang malaking kahoy na upuan at umupo din sya sa tabi ko.

Tinignan ko ang relo ko at halos maiyak ako. Kasi naman 23 minutes na lang-- ayan! 22 nalang.

"Wag mo nang pagudin sarili mo." napatingin ako kay Kris nang sabihin nya yun. "It's okay. Hayaan na lang natin kung anong oras na. Wag na natin ipilit.." Sabi nya na nakatingin lang sa harapan, but there is still sadness.

Para bang sinasabi nya na ayos na, pero hindi naman talaga. Hindi pwedeng matapos ang birthday nya ng ganun lang.

"Pero.."

"At least you tried.." Ngumiti sya. Isang masayang ngiti. "..At least you did try." Napatitig ako sa maganda nyang mata. "And I can say, that this is the most meaningful birthday I ever had."

Biglang kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ah! bakit ngayon ko bigla naramdaman ang pagod? Tsk. Tsk! Tska, bakit naman ito ang pinaka meaningful birthday nya? Joke ba iyon? Meaningful na ang lagay na 'to? Na nagtry lang ako? Eh ano pala ang mga past birthdays nya? Sobrang sama na ba?

"Sandali lang!" Tumayo ako bigla na pinagsisihan ko. Bigla kasing kumirot pero hindi naman na ganun kasakit.

"Saan ka?" Takang tanong nya habang nakatingin saakin.

"May kukunin lang ako." Sabi ko at naglakad.

"Wag na. Just stay." At ewan ko ba kung bakit parang natunaw ako sa sinabi nya.

"Babalik ako. Mabilis lang to." Tinakbo ko ang may kalakihan na parke at naningin kung may bukas pa na mga tindahan o convenience stores. Ang unang napuntahan kong tindahan ay sarado, pangalawa sarado din. Sino ba naman kasing bukas sa ganitong oras?

"WAIT!" Sigaw ko sa ale na papasok sa loob ng bahay nila. I'm hopeless! at kailangan kong tanggalin ang lahat ng hiya ko. Lumingon saakin ang babae na I think ay nasa 40s na.

"Ano yun?" Tanong nya saakin.

Sinabi ko sa kanya ang mga kailangan ko. Sarado na ang tindahan nila pero pinagbilhan parin nya ako.

Nakita ko si Kris na nakaupo. 16 Minutes na lang. I can do it! Kahit na pagtawanan nya pa ako. Kahit na sobrang nakakahiya. Tsk tsk!

Tinusok ko sa gitna ng isang chocolate cupcake ang isang birthday candle na nakuha ko din sa babae kanina. Sinindihan ko yun gamit ang lighter na nakuha ko din sa ale.

Naglakad ako papalapit sa kanya at dahil nakatingin sya ng diretso, nakita nya agad ako. Hindi maipagkakaila ang gulat at amusement sa mukha nya.

"Happy birthday Kris." I said smiling at him. "Make a wish before you blow the candle."

"Tss. This is just too childish." Masungit na sabi nya pero hindi parin maaalis ang kakarampot na ngiti sa labi. May shade of red sa pisngi nya na ikinatawa ko.

Hihipan nya sana yung kandila pero pinigilan ko sya. "Oops! Sabi ko, magwish ka muna."

Nag-tsk sya pero nakangiti parin. Bakit ba hindi nya kayang i-express ang sarili nya without saying 'Tss' 'Tsk!' tska ang pagirap at pagiging masungit?

Nakatitig sya saakin ng mga 5 seconds. I think nagwi-wish na sya. Then, he blew the candle.

Nilapag ko ang cupcake at may nilabas mula sa bag ko. Isang plastik na baril na may lamang tubig sa loob. Nabili ko din to sa babae.

"What the hell is that?" Kunot noo nyang tanong nang ibigay ko sa kanya ang isa.

"Kasi nga diba? first time mong magce-celebrate ng birthday? Yung mga bata nireregaluhan ng mga toys na ganito." Sabi ko.

He chuckled. Napailing sya na para bang nagtataka din sya kung bakit nakikiayon sya sa pinag-gagagawa ko.

Kinuha naman nya ang isang baril at wala sa loob na pinindot yun na para bang ngayon lang nya iyon nahawakan. Mula doon ay lumabas ang tubig at tumama sa mukha ko. Pinahiran ko na lang agad yun.

"This is..funny." Saad nya at tumitig pa sa baril-barilan at nakita kong tumaas ang sulok ng labi nya. Narinig ko syang natawa.

Tapos binaril nya ulit aki sa mukha ko. Gumanti ako sa kanya at pinagbabaril sya. Tumakbo ako ng mabilis para makatakas sa kanya pero nahuli nya ako at pinagbabaril ulit. Ang daya talaga! Haba kasi ng bias!

"Kris! Stop!" Sigaw ko habang nagbabaril din sa kanya pero hindi naman sya natatamaan. Tumatama lang sa damit nya dahil nakakailag sya. Samantalang yung mukha ko, basang basa na!

"I'll stop, if you stop!" Sigaw din nya. Abat! Ang kulit pala ng isang to!

"I'll never stop! Gaganti muna ako!" Sabi ko na manawa-nawa. Ewan ko ba, nakakatuwang marinig syang tumatawa. At ang cute nya habang hawak ang baril-barilan!

"If you can!" Tapos tumakbo sya ng malayo. Urg! This is so impossible. Naghabulan kami hanggang maubos ang laman ng baril.

"Halika na nga." Sabi ko kay Kris at naunang maglakad pabalik sa taas ng parke.

Nasa kalagitnaan kami ng hagdan pataas ng maramdaman kong niyakap nya ako sa likod ko, he hugged me around my waist. Niyakap nya ako kagaya ng pagyakap saakin ni Max kanina.

"K-kris..?" Sinubukan kong tanggalin ang braso nya saakin pero mahigpit.

"Steph, let's just stay like this for 5 minutes.." He said. Halata kong pagod sya. And the way he said those words.. it was like magic. And made me stop.

Nang tignan ko ang relo ko, it was already 11:55 pm 5 minutes na lang pala. So, chine-check din nya ang oras? I smiled secretly.

Ilang minuto nya pa akong niyakap. Hindi parin nya inaalis. Akala ko iyon lang ang gagawin nya hanggang matapos ang limang minuto, pero nagsalita sya.

"Alam mo ba kung anong hiniling ko kanina?" Tanong nya saakin. Napakahina ng boses nya. Yung birthday wish nya ba ang tinutukoy nya? I remained silent so that he can continue what he's saying.

Tumagal pa ng ilang segundo at hindi sya nagsalita kaya nagtanong ako. "A-ano?"

Natawa sya. "Hiniling kong sana, ako na lang. Na sana, ako yun at hindi sya."

I froze. What? Hindi ako makagalaw. Anong sinasabi nya?

"H-huh?"

"Steph," Siniksik nya ang mukha nya sa leeg ko. And I can feel his heavy breathing. Napakaseyoso ng boses nya. Like he mean every words he says.

Kung naguguluhan ako sa mga sinasabi nya, nagulat naman ako sa mga binitawan nyang salita at kung gaano sya kaseryoso.

"Pwede bang sakin ka na lang..?"

Stephanie, The Devil's SlaveWhere stories live. Discover now