"Ano?" Bored na tanong ko.

"Bakit hindi mo isiping mabuti kung sino talaga ang gusto mo--" I cut her sentence kasi nakukulitan na talaga ako sa kanya.

"Pwede ba Leila? Ilang ulit ko bang sasabihin na si Max ang gusto ko at wala nang iba? No more Kris dahil wala naman talaga sya saakin!" I yelled at her.

"Wala para sayo si Kris? Hindi nga? Kaya pala nageffort ka sa kanya kagabi?" She grin.

Napayuko na lang ako. "I.. I did that.. kasi naaawa lang ako.. you'd do the same if you saw how he looked like."

"I probably won't because I don't have feeling for him! Hahaha!" Leila stopped when she saw me not laughing."—Pero kung ipagpipilitan mong wala nga talaga para sayo si Kris, then tell me. Anong sagot mo sa tanong nya sayo kagabi?" She smirked at lumapit ang mukha nya saakin at hinintay ang sagot ko.

Ang sagot ko kay Kris kagabi sa tanong nya? Ano nga bang sinagot ko sa kanya?

Then I remember what happened last night.

Agad kong hinawakan si Kris sa kamay na ikinagulat nya. Pero nagpahila na din naman sya.

"What are you doing?" Takang tanong nya.

"Hinihila ka?" Sagot ko naman. Mabilis ko syang hinila pababa. Aba! Ngayon ko lang naisip na bawat minuto mahalaga! No-- bawat segundo pala!

"You don't need to be sarcastic Steph, now tell me. Saan mo ba ako dadalhin?" Hindi ko nakikita ang itsura nya pero alam kong nakakunot na ang noo nya.

"Just shut up and follow me!" Sigaw ko sa kanya. Ang daldal eh. Tumahimik naman sya at nang minsang napasulayap ako sa kanya, nakangisi sya.. o nakangiti? Hindi ko alam kung may pinagkaiba pa ba sa kanya yun. Basta natural na mayabang ang istura nya.

Mabilis kaming nakalabas ng subdivision at tinungo namin ang children's park. Kung lalakarin, mga 10 minutes. Kung tatakbuhin, mga 7 minutes pero kung katulad ng ginagawa namin? 5 minutes!

Nakarating kami doon at hingal na hingal na ako. Nang tignan ko sya, humihinga rin sya ng malalim pero nakatingin lang sa buong park bago tumingin saakin.

"What are we doing here?" Tanong nya. Masungit na naman.

"We are going to celebrate your birthday." Nakangiting sabi ko. Ngiti lang ako ng ngiti kahit ang kasama ko ay mukhang papatay sa sobrang sungit ng itsura. Is this what I get after trying to make him happy with his day? Okay. I should try harder.

"Nakita mo ba yun Kris?" Tapos tinuro ko ang mataas na lugar kung saan may ilang dipa ang layo saamin. Mataas at meron pang poste na nakasindi.

"Yeah." Sagot lang nya na tinitignan ang tinuturo ko.

"Kung sino ang mahuling makarating doon, will have to treat the winner!" Tapos tinignan ko sya.

"What?" Umirap sya. "Ayoko." Inis na bulong nya.

"Basta. Kung ayaw mo, then talo ka."

Huminga ako ng malalim at tumakbo nang mabilis. I can do this! Tumakbo ako ng pagkatulin tulin. Nang lingunin ko sya-- nagulat ako kasi tumatakbo sya! Ang bilis nyang tumakbo! Nauna pa akong tumako pero mauunahan nya na ako! Ang daya naman kasi mahaba ang mga bias nya.

Naunahan nya ako-- at dahil sa desperado akong manalo binilisan ko lalo ang pagtakbo pero sa kasamaang palad..

"ARAY!" Napatid ako sa bato at gumasgas ang tuhod ko. Naman! Nakakainis! At nang tignan ko ang tuhod ko, may dugo.

"Sht! You're so stupid!" Nakita kong tumakbo si Kris papunta saakin. Arg! Ang lampa ko naman this is not my plan! Sht masisira!!

Pinilit kong tumayo. Pero sa kasamaang palad, sobrang masakit. May naipit pa yatang ugat. anyway, kaya ko pa namang umarte. Kunwari hindi na lang masakit.

Stephanie, The Devil's SlaveWhere stories live. Discover now