Chapter 5

4.4K 157 5
                                    

Cassandra's POV

My mind went blank but I am fully aware that I'm drinking his blood.
Para akong umiinom ng alak, bawat lunok ko ay gumuguhit sa aking lalamunan.
Nakakalasing. Kumalakat ang init sa aking katawan na pakiramdam ko ay umaapoy ako.

Ilang saglit pa, napalitan ito ng kakaibang pakiramdam, napaka sarap. Pakiramdam ko ay gumagaan ako, Hindi ko maipaliwanag tila ayoko nang tumigil.

Habang ang katawan ko ay nawawalan ng pakiramdam Unti unti ang paningin ko'y dumilim at napasandal sa kanyang matikas na dibdib.

(Third Person's POV)

Pinigilan ng binata ang kanyang paghinga at pilit na kinontrol ang sarili. Iyon na lamang ang kaya nyang gawin para hindi higitin ang babaeng ngayong umiinom ng kanyang dugo. Nagbibigay iyon ng kakaibang pakiramdam sa kanya.

Pure satisfaction.

Alam nya na maling panahon ang pag mamarka ngayon sa babae. Makakapasok ito sa kanyang isip at mararamdaman nito ang lahat ng kanyang nararamdaman, lalo na ang kanyang hunger.

Pero tama si Grey, mas madali itong mapapahamak lalo na kapag hindi nila alam na sya ay nasa kanyang poder. At alam nyang malaking problema iyon kapag nagkataon.

Naramdaman niya ang paghigpit ng kapit ng babae sa kanyang braso. Dama nya ang unti-unting pag-init ng katawan nito, tanda na pumasok na sa sistema nito ang kanyang dugo.

Maya maya pa'y bigla itong napapikit, tanda ng pagrelease ng endorphins sa kanyang katawan at unti-unting napasandal sa kanyang dibdib.

Marahan niyang binuhat ang babae papunta sa kanyang bisig. Bakas pa sa bibig nito ang kanyang dugo. Tinungo niya ang silid na katabi ng kanyang opisina. Ang silid na iyon ang kanyang magiging bagong kwarto at ngayon isang silid na lamang ang magiging harang nila sa isa't isa. Inihiga niya ang babae at pinunasan ang bibig nito. Pinagmasdan niya si Cassandra, napaka amo ng mukha nito. Hinihiling niya na sana ay hindi nya ito masaktan.

"Prince," tawag ng tinig ni Grey sa kanyang isip. "I had a vision."

Sandali pa niyang initigan ang dalaga at tinungo na si Grey.

"It will happen tonight - your blue moon. Just stay focused. Do you want to see my vision?"

Alam niya iyon. Nararamdaman niya, mula sa pag sakit ng kanyang fangs, sa matinding uhaw. At may mas higit pa rito.

"No, I don't want to see any of it," sagot niya. "No one will die tonight?"

"No one. I'll make sure of it," sagot naman ni Grey. "And Carlisle, kalimutan mo na ang mga nangyari noon. Unang beses mo palang naranasan ang blue moon kaya hindi mo pa alam kung paano kontrolin ang sarili mo. I'll go, Prince."

Kasabay ng pag alis ni Grey ang ang pagbalik ng mga masasalimuot na ala-ala ng nakaraan niya.

-

Cassandra's POV

Nasa isang silid ako ngayon. Medyo may kadiliman dahil gabi na. Kitang kita mo ang buwan mula sa balkonahe, mayroon itong taglay na kakaibang liwanag ngayon na hindi ko maipaliwanag.

Pupunta sana ako doon ngunit may narinig akong isang tinig. Tinig ng lalake.

Nasa sulok ito, tila ba may tinatakasan na kung Ano. Lalapitan ko sana sya nang biglang may pumasok na dalawang babae. Hindi nila ako napansin, Bakit kaya?

Unti-unting lumapit ang dalawa sa lalaking nasa sulok ng silid. "Prince." mahinang sabi ng isang babae na maiksi ang buhok.

Lumingon ang lalaki at biglang sinunggaban ang babae. Napatili ito. Kinagat ng lalake ang kanyang leeg. Ilang saglit pa ay naliligo na ito sa sarili niyang dugo.

Nang marinig ng lalake ang impit na sigaw ng isa pang babae ay nilingon nya rin ito. Sinubukang tumakbo ng babae ngunit huli na siya.

Marahas siyang hinila ng lalake at saka kinagat sa balikat. Hindi nagtagal ay nawalan din ng Malay ang babae.

Napaatras ako. Ano bang nangyayari?

Pag tingin ko sa lalake ay nakatitig ang kanyang mapupulang mata sa akin. At nagising ako.

Napabalikwas ako. Panaginip? Parang totoo. At parang pamilyar yung lalaki. Hindi naman siguro...

Biglang may kumatok at pumasok si Cilla. "Gising ka na pala. Heto at maghapunan ka na."

"Salamat." At bigla kong naalala ang nangyari kanina. Hindi ko mapigilang hindi mangamba. Sana ay hindi maulit pa yon.

"Sige na kumain kana." sabi pang muli ni Cilla at lumabas na siya.

Agad naman akong kumain dahil sa gutom. Matapos yun ay lumibot ako sa bago kong silid. Malawak ito ng di hamak sa nauna kong silid at mas maayos.

"Cassandra."

May tumawag sakin. Isang mahinang tinig. Ngunit nasaan ito?

"Cassandra."

"Nasan ka?" tanong ko.

On instinct, I closed my eyes. And when I opened them again, I saw him.

Hindi ko alam kung paano pero nakikita ko sya sa kanyang silid. Nakatanaw sa balkonahe.

"...makakapasok siya sa aking isip.." naalala kong sabi ni Prince.

"Cassandra."

Naramdaman ko na lamang ang aking katawan na lumalakad. At tila alam ko na kung saan ako pupunta.

Nakita ko sa hindi kalayuan si Grey na nagmamadaling umalis. Saan kaya sya pupunta?

Patuloy parin ako sa paglalakad. At nang marating ko ang pintuan ay marahan akong pumasok. Hindi ko nalang siya nakikita ngayon sa aking isip, kundi sa aking mga mata.

Lumingon siya sa akin at aking naaninag ang kanyang mga mata. Tulad ng lalaki sa aking panaginip - pula.

-
PS. Sorry, it took longer that I expected. I'll try my best to upload regularly next time. Kisses. 💕
Comments are highly appreciated. And vote if you can. Love lots.

The Vampire's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon