Chapter 13: Kabilang Barkada >DJ<

1.3K 16 4
                                    

Chapter 13: BBLA. (kabilang barkada ni Dj)

Hey guys! Nakakatampo naman! Wala masyadong nagcocomment! Salamat nalang sa ma silent readers.. :)

----------------------------------------------

Daniel's POV

Nandito ako ngayon sa mall, wala lang, nagkayayaan lang kaming apat.. pero dahil tinatamad yung dalawa, may pupuntahan pa daw mga yun eh, si Jhake nalang kasama ko ngayon dito..

Di tamad eh. Excited pa nga ata tong masolo ako at may sasabihin daw.

"Jhake, saan ba pupunta sina Josh at Sam?"

Wala. Di lang talaga ako sanay na dalawa lang kaming magkasama, kasi kapag kayla Tikoy, kapag di kasama ang isa, di tuloy, maaarte kasi sila, gusto nila lahat kasama -.-

"si Josh.. Hmm.. may lakad ata sila Bambs,"

Oo nga pala, di ko nasabi sainyo, meron din kaming kabarkadang babae, Sam has Fretzie, Josh has Bambie, pero meron din namang di sinuwerte.. like me, Jhake, and Bea.

Sabi nga nila, bagay daw kami ni Bea, pero ayoko.. Loyal ata ako kay Kath.. Haha!

Sabi ko naman si Jhake nalang ang kay Bea, pero ayaw naman nila sa isa't isa, parang kami lang ni Kath dati.. Haist.

Teka.. Si Josh lang yun.. Eh si..

"Si Sam?"

"kasama din ata si Fretz.."

"Hay.. Sila na Swerte"

Napabutong hininga nalang ako, kasi naman eh, ang tagal tagal na nila eh..

Oo, matagal na din kaming magbabarkada, kahit noong kabarkada ko pa sila Juls, barkada ko na din sila..

Naaalala ko tuloy si Kath.. Eto nanaman ako eh! KATH NANAMAN! pero kasi.. Sobra sobra lang ang pag ka guilt ko.

"Naalala mo si Kath noh?"

Mind reader lang?

"Wala.. Change topic"

Oo, ayoko na talagang pagusapan yun, lalo lang akong nalulungkor dahil nga nabuko na ako, oo na.. Ako na Guilty.

"Hindi."

"Bakit ba? Ano bang gusto mong malaman? Gusto mo bang malaman kung anong naramdaman ko noong nangyayare yung away namin? MASAKIT tol!"

Oo.. Kung anong naramdaman nya noon, naramdaman ko din.. Kasi parehas lang kaming nasaktan pero masmasakit sakin kasi ako yung nawalan.

"mahal mo talaga sya noh..."

"Tinatanong pa ba yan? Ikaw kasi eh!"

Oo, sya yung nagpasimuno nung pustahan, pero ok naman kami.. walang nagkakagalit dito.. naiintindihan ko naman sya eh, di naman namin alam na mahuhulog pala ako sa babaeng mahal na mahal ko ngayon.

"Di ko naman alam eh.."

"Sabi ko sayo, Change topic na!"

Oo na, ako na makulit.. gusto ko lang talagang mag iba na ang pinaguusapan namin.. nakakabaliw na yung topic na yun, palagi nalang ino-open. Tsk.

Ayun, di na nagsalita si Jhake, natahimik ata kasi napilit ko na.. Lol xDD

"ano nga pala sasabihin mo?"

Naalala ko kasi meron daw syang sasabihin eh, diba? Di na nasabi, inuuna kasi yung topic sa amin ni Kath..

"Ah. Ano kase.."

"ano?"

"Yung babae, yung babaeng kinausap mo nung monday.. ano daw pangalan.."

Ha? Wag mong sabihin na natamaan to dun sa masungit na babaeng pinagtanungan ko..

Mistakes - KATHNIELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon