Chapter 11: tsismis tsismis - nakakainis!

1.2K 12 1
                                    

Chapter 11: Short update

Kathryn's POV

"Kath.."

Sino nanaman ba tong mangiistorbong to, gusto kong

mapag isa oh, putek naman.

Inangat ko ulo ko, nako... Si Julia lang pala..

"Oh?"

"anong nangyare dun ha?"

"pinagtanggol ko lang sarili ko Juls, pinagchichismisan nila ako."

Bakit ba? Ano bang problema nito, ang init ata ng ulo.

"Oh tapos? You made a scandal, Kath, bakit ba pinili mong magbago?"

"Kase, ayoko ng naaapi api ako like dati, ayoko nang lagi nalang akong under, gusto ko yung mapagttanggol ko na yung sarili ko"

"Fine, kung magbabago ka, go ahead, wala akong pakealam kasi kapag pinagpatuloy mo yan, wala nang bes sa buhay mo!"

Putek naman oh, parang yun lang drama agad to, makapagsorry na nga lang, di naman ako matitiis nito eh.

"huy, parang yun lang, sorry na, di na mauulit... simula ngayon di na ako sisigaw sa hallway!"

Sabi ko sabay smile, hinug naman nya ako, yan, ok na kami.. oh diba? sandali lang bati na agad! xD

"Dapat kasi ako nagtatanggol sayo, ako lang! Hindi ikaw or si Tikoy! Ako lang!"

Haha, yun lang pala eh.

"Selfish much?"

Haha! ayun nagtawanan kami hanggang dumating si Miss..

Nagstart na ang discussion, katabi ko sa left si Julia, nasa likod ko si Tikoy, and in my right is Josh, oo, yung tungengot na kapustahan ni bakulaw.

"Psst! Hoy! Huuyy!" takte naman, kulitin ba ako nitong si Josh? Putek.

"Ano ba?!"

"eto naman, tatanungin lang kung may nanliligaw eh"

-.- lang ya to! Manliligaw pa ata, kung manliligaw lang sakin to, basted agad, tignan mo naman yang walang hiyang mukhang yan! Putek.

"Baket? Pake mo ba?"

"Manliligaw sana ako kung pwede"

"Pwes, hinde pwede, si Jhake ok pa eh,"

"Talaga? Jhake oh, pede ka daw manligaw"

"Talaga?" tanong naman nitong si Jhake, mapagtripan nga.

"Oo, basted ka na nga eh"

Simangot ang itsura ng loko, si Julia ni Tikoy, di napigilan, natawa na din, nga pala, kaya kami madaldal dahil wala yung subject teacher namin ngayon, absent, kaya daldalan doon, meron pa ngang mga nagkakagulo dun oh. Haha!

Pero yung isang asungot, ayun... Katabi ni Jhake na katabi ni Josh, original seat nya kasi yung inuupuan ni Josh, pinagpalit ko lang sila, ayokong katabi yun.

Meron ding mga babaeng lumalandi sakanya lalo na't nalaman na ng lahat na nakipagbrake na ako sa campus hearthrob ng school, ibig sabihin lahat sila may pag asa!

Ang kakapal lang ng mukha, may paupo upo pa sa desk ni Padilla, tapos kukurot kurot pa sa ilong ni loko tapos ito namang si labs ko--

Teka, erase erase, bakit ba ako nagpapaapekto? Wala yan Kath! Di mo na yan gusto! Putek, forget about him Kath!

*sampal *sampal *sampal

"HUY! SINASAMPAL MO SARILI MO DYAN?" tanong ni Julia, nakakainis, ginagawa ko pala talaga, nagmumukha tuloy akong baliw neto! Bopols ko lang.

Mistakes - KATHNIELWhere stories live. Discover now