Chapter 12: Ang weird ni DJ

1.2K 11 1
                                    

Chapter 12: Weird lang ni Dj.

Diego's POV

Hi, POV ko ulet dito ^_^ pero I just wanna let you know na umuwi ako kahapon kaya pumasok na ako today..

Kami na ulit na Yen, di na kami nagkakaalitan, oo, naiintindihan na namin ang isa't isa..

*flashback

"YEN! IKAW ANG MAY GUSTONG MAKIPAG HIWALAY TAPOS NGAYON, BABALIK BALIKAN MO AKO?"

Putek tong babaeng to, oo, mahal ko si Julia, pero mahal ko din naman si Yen, para bang naglalaban ang dalawang babaeng mahal ko!

"DIEGS, I BROKE UP WITH YOU BECAUSE I HAVE TO NOT BECAUSE I WANT TO!"

Ha? Ano bang pinagsasabi nitong babaeng to? Nakakaasar to! Mahal na mahal ko pa to eh, pero I feelings for Kath's bestfriend, I don't know! Basta kung sino nalang.

"wha- what do you me- mean?" nauutal kong tinanong si Yen, di ko siya maintindihan, nakakalito, mababaliw na ba ako?

"I had to, I broke up with you because alam kong may gusto kang iba, pero I don't know who she is"

Ha? Pano nalaman nito?

"Pano mo nalaman?"

"That's not important Diego, the thing is... I love you"

Ayan nanaman! I love you too! Oo, may gusto pa nga ako sakanya diba? Kuleett!

"Yen, I love you---- too"

Then Lumapit ako sakanya, niyakap ko nalang sya kasi.. alam ko na na kaya nya ginawa yun kasi mahal nya talaga ako, she set me free.

"Diegs, does this mean na.."

Ha? Anong sasabihin ko? Mahal ko sya, mahal nya ako.. Mahal ko si Julia, pero alam kong di nya ako mahal, baka mamaya pag pinakawalan ko pa yung taong mahal din ako.

"Yes.. Yen.. Tayo na ulit, I understand you now.. Basta promise me na di mo na ako iiwan?"

Nake, I'm strating to sound like a gay na.

"oo! Promise! Love yah!"

"Tara! Uwe na tayo.."

*end of flashback

So yun, umuwi na kami, andito ako ngayon sa may tambayan, kasama ko din sila now including Yen, wala nga si Dj eh, nasan nga ba sya?

Naikwento ko na din sakanila lahat ng nangyare kaya ngayon alam na nila na kami na ulet, si Tikoy.. ang tamlay lang.. si Julia? Ewan ko.. Di sya tumitingin samin, kay Kath lang sya nakaharap.. ewan ko ba dito.

Bigla kong nakita si Daniel, naglalakad lakad, papalapit sya samin, nakatingin.. ewan ko ba pero bakit parang nag iba ang aura ng lahat except me and yen?

"Dj! Oh, kamusta na?"

Binati ko sya, syempre, palagi naman akong wala so bihira ko lang sya makita kahit pa girlfriend pa nya tong kapatid ko.

(A/N: di pa po alam ni Diego na break na sila, kaya..)

di sya sumagot, infact, he ignored me.. Di man lang ako nginitian or kahit simpleng 'hi' man lang, wala, tuloy tuloy lang sa paglakad..

Anu ba yan, di naman ganyan ang bregs ko ah, tsaka.. Bakit di namin sya kasama dito? diba kabarkada din namin sya?

Weird.

Daniel's POV

Naglalakad ako sa school, syempre, laboy laboy.. kasi maaga akong pumasok ngayon, di nga ako sanay na maaga, dahil dati palagi kong sinusundo si Kath bago kami pumasok kaya sakto lang ang pagdating namin dito.

Bakit ganun? Diba dapat masaya ako kasi free na ako, i'm free to love the person who I really love..

Pero si KATH NGA YUN EH!! ang gulo lang!!! ANO BA TALAGA?! UGGHHH!!! >_

Nakakaasar! Ano ba talaga? Kahapon ang saya ko kasi kinausap nya ulit ako, tapos sabi ko pa sa sarili ko kahapon na... na..

MAHAL KO NGA SI KATH.

Pero bakit ngayon iniisip ko yung pagkafree ko? Eh I hate this situation! Help naman, mababaliw na ako dito :

While I was on my way to my friends, nakita ko sila, sila...

Yung dati kong barkada, nakita ko si Tikoy, si Juls, si Diegs, si Yen, at si Kath... I feel guilty talaga, bakit ko ba kasi ako pumayag?

Oo na, ako na guilty, pakulong nyo na ako. :(

"Dj! Oh kamusta na?"

tanong ni Diego, tinaas nya yung kamay nya, para siguro makipag hand shake, pero di ko nalang sya pinansin.. baka kasi yayain pa akong sumama sakanila eh masaktan lang ako kay Kath..

Liningon ko ulit sila, nakatingin silang lahat sakin, si Kath lang ang hindi..

Si Diego parang naweweirdohan na nagtataka na ewan!

Si Yen naman, gulat lang ang mukha.

Tikoy gave me a death stare.. galit to..

si Julia, may inis na face, siguradong alam nya din to, sya na nagsabi kay Tikoy diba?

Si Kath, ayun.. nakatingin sa malayo.. Siguro ayaw makita ang pagmumukha ko, halata namang galit padin hanggang ngayon. Tsk.

Julia's POV

KA - BOOOOOM! sila na ulet.

Nakakainis naman eh, kelan pa sila nagpansinan simula nung brake up nila? NEVER.

Eh bakit parang bigla bigla nalang nagmilagro ang dyos at nagkabalikan itong dalawang to?

Pssh. -____- kakainis naman oh, ni hindi ko nga sila matignan tignan nung nagkwekwento itong si Diego, nakakainggit lang..

ANO BA KASING MERON KAY YEN NA WALA SAKIN?

Oo na, ako na selosa.. ako na affected.. ako na OA.. pero lahat naman ng taong nagkakaroon ng mahal, hindi mapipigilan ang panahon kung saan magseselos at magpapaka OA sila diba?

Lahat naman ng tao, OA eh.

After nun, back to wala lang ang barkada.. excited kasi tong dalawang katabi kong malaman ang totoong nangyare, eto namang si selosang ako..

Ayaw makinig. nakakairita eh >_

Pero mas nainis ako noong nakita kong papadating si Daniel, nakita ko si Kath, nagiba ang dating, tumingin nalang sya sa malayo at di tinignan si Daniel.

"Dj! Oh, Kamusta na?" bati ni Diego.

Di pa nga pala alam nitong si Diego ang mga nangyare sakanila ni Kath, pati siguro si Yen, di din nya siguro alam.. Pake ba nya?

CHArr! ang sama ko lang xD

Aba! Kuffal lang ng mukha nitong si Daniel! Di porket kapatid yan ni Kath eh ii-ignore na nya ng ganun ganun lang.

Di ba nya alam na inosente ang kuya ng bes ko na mahal ko? Charot!

Lumingon ulit sya, lahat kami naka tingin sakanya, except Kath, malamang, galit sakanya eh, kami din naman ni tikoy, galit sakanya, pero we decided na takuin nalang namin sya.. LOL!

I gave him my 'scary inis look'

Ang then he left nalang, sinalubong na sya ng mga new kaberks nya.. Kapal noh? Iniwan kaming tunay nyang barkada, tsaka sumama dyan sa mga walang alam na lalakeng yan! Kakainis.

--------------------------------------------

A/N: nako! Ano na nga ba ang mangyayare kayna Julia at Diego? Eh sina Daniel at Kath kaya? Abangan nalang!

Please READ LIKE VOTE BECOME A FAN! and don't forget to COMMENT AND SHARE YOUR THOUGHTS!

Love lots guys!

Muah! Chau :*

PM me

Mistakes - KATHNIELWhere stories live. Discover now