Chapter 2

9.4K 166 0
                                    

~Crescent Moon Pack~

His POV

Damn it. Bakit ba sa dami ng school na paglilipatan ko ay school pa ng mga mortal. Ano bang pumasok sa utak ng tatay ko at doon ako nilipat?

Buti sana kung may mga magagandang babae doon. Buti sana kung mahahanap ko ang Luna ko sa school ng mga tao.

Speaking of, ano kaya ang itsura ng mate ko? For sure maganda ito at malakas. Dapat lang dahil I'm the future alpha at dahil doon malakas dapat ang aking future Luna hindi tulad ng mga tao, mahihina.

By the way, I'm Michael Zekiel Maxwell the future Alpha of the Crescent Moon Pack.

Cavite is a teritory of my father. It is called cavite for humans and Crescent moon pack for us, werewolves.

And for next week I'll be going to human university. And it will be my first time attending a human school.

Sa pagkakaalam ko may mga omegas na nag aaral sa paaralan ng mga tao. Yung mga gustong magkaroon ng normal na buhay KUNO.

'Chael, kakain na.' Mind link ni Mommy.
'Coming mom.'- Me

"Hi kuya, balita ko papasok ka sa School na pinapasukan ko ah. Bakit kasi ayaw mo magpakatino. Ayan tuloy pinatapon ka ni dad sa ayaw mong school. Hahaha" pang-asar sa akin ng kapatid ko na babae.

"Pano, Lahat na ata ng mga she-wolf sa Max university ay naka make out na nya. Hindi kasi makapag antay sa mate nya." Ika ng kapatid kong lalaki. Actually kambal sila.

Spade Winter Maxwell (boy) and Ace Snow Maxwell(girl).

Nag aaral si Ace sa Maxwell University kung saan ako pinatatapon ni dad. Like what the hell.. Ang future Alpha mapupunta sa human school. Si Spade naman ay maiiwan sa university namin na hindi alam ng mga tao.

Kumakain kami ng makaamoy ako ng masangsang na amoy. Higit sa aming lahat. Ako ang may pinakamalakas na pang amoy. Maliban sa aking ama na Alpha.

"F*ck... Mom, Ace stay here. Spade protect them. There's a rogue cross the border." Me.

Alam kong nagmind link na si dad sa mga pack warriors at sa Beta nya. Kaya agad kaming lumabas ni dad para puntahan ang kinaroroonan ng mga rogues.

'Beta Joseph.' Dad through mind link.
'Sa East Alpha.' Beta Joseph
Kaya naman ng marinig ko iyon ay agad na akong tumakbo pa silangan.

Nang marating namin ang East ay nasa 10 Rogues na pinipigilan na ng mga pack warriors.

Dahil hindi papatalo ang mga rogues ay wala na kaming ibang pagpipilian kundi ang tapusin sila.

'Kill them all' dad using his Alpha tone.

Tulad ng sinabi ni dad ay yun ang ginawa namin.

Bago ko makitil ang buhay ng huli kong kalaban na rogue ay may huli syang sinabi.

"This is not the End." Matapos nyang bigkasin iyon ay siyang pagpikit ng mata nya tanda ng kanyang kamatayan.

Matapos ang lahat ay bumalik na kami sa Pack house.

Mae's POV

Habang naglalakad ako pauwi sa bahay. Wala lang trip ko lang maglakad ngayon mahangin kasi e.

So ayon nga .. Habang naglalakad ako ay may narinig akong alulong ng aso. Hindi ko alam pero mukhang ako lang ang nakarinig nun dahil parang wala namang narinig ang magsyotang nakasabay ko sa paglalakad.

Yung alulong na iyon. Parang alulong ng isang malaking aso. Tsk. Kung anu-ano nanaman ang iniisip ko.

Kainis ... Kung bakit kasi hindi na lang ako makakilala ng kahit isa mga nilalang na iyon. Isa pa... Pangarap kong magkaroon ng mate tulad ng werewolves or vampire .. Ang weird ko di ba. Tsk..

Habang naglalakad may napansin akong isang malaking puno.. May nakaukit doon na hugis buwan. Ang ganda, kasing ganda ng buwan ngayon..

Nang makarating ako sa bahay ay inayos ko na ang mga dapat ayusin at humiga sa kama para makatulog na. Tutal friday ngayon ay pwede akong magising ng late bukas.

Halos maubusan ako nang hangin sa katawan kakatakbo para makatakas sa mga humahabol sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang kailangan nila sa akin.

'Hindi mo kami matatakasan. Kaya sumuko ka na. O papatayin namin ang pinakamamahal mo.' Nakakakilabot na sambit ng pinuno ng humahabol sa akin. Napahinto ako hindi dahil sa takot kundi sa kayang sinabi.. Hindi, hindi maaari.
'Wag nyo syang sasaktan. Ako mismo ang tatapos sa mga buhay nyo.' Sigaw ko sa kanila na ikinatigil nila.

Maya maya lang ay sinunggaban nila ako ng sabay sabay at nahuli.

'Hindi ko akalain na madali palang mauto ang mortal na iniibig ng tagapagmana ng pinakamalakas na Alpha ng crescent moon pack.' Huli kong narinig bago ako mawalan ng malay sa kamay ng masasamang nilalang na ito.

Rejected Mate - CompletedWhere stories live. Discover now