Chapter 21

267 7 0
                                    

                December 24. Kasama ng mga Pirata ang kani-kanilang mga pamilya sa espesyal na araw na ito, except siguro kay Paolo. Hindi nya matiis na hindi makita si Rio ngayong araw na ito kaya naman palihim syang pumunta sa bahay nito.

                Mag-isa si Rio sa kwarto nya at binabasa ang lumang libro nya ng Romeo and Juliet. Habang nagbabasa ay nakita nyang nakasingit dito ang isang picture. Ito ang unang litratong nakunan sa kanya ni Paolo habang nagba-bike.

                Naalala ni Rio ang araw na nagkita ulit sila sa park, matapos ang ilang taon. Kalbo pa din sya? Tss. How stupid. Hindi napigilang ma-disappoint ni Rio dahil matapos ang pagkikita nilang yon ay hindi na ito nagpakita sa kanya ulit. Kahit na disappointed, deep inside ay nalulungkot sya lalo na pag naalala nya ang reaksyon nito noong magkita sila.

                Buhay ako? Grabe. Ine-expect nya talaga sigurong mamamatay ako noon kaya sya nakipag-break sakin eh! Nakakaasar! I was planning to take revenge on him kaso nakita nya ako kaagad. Malay ko bang kapatid pala ni Haze si Hazel. Kaya pala pamilyar ang apelyido nya. Haaay. Kaasar talaga.

                Sa sobrang inis ay itinigil ni Rio ang pagbabasa at napatingin sa balkonahe sa kwarto nya. Bumalik sa kanya ang mga ala-ala ilang taon na ang nakaraan.

Flashback*

                “Please naman kasi, Ree. Sumama ka na sa US. Mas malaki ang chance mo na gumaling kapag dun ka nagpagamot.” Pangungulit ni Paolo kay Rio.

                “Paolo naman! Paano kung hindi ako mabuhay? Mas gugustuhin ko pang mag-stay na lang dito na kasama ka sa mga huling araw ko kesa naman unti-unting mamatay don na hindi ka kasama. Please, Pao... stop this. Wag mo na ulit akong kukuliting pumunta sa US.” Niyakap ni Rio si Paolo at naglambing.

                Ilang araw matapos ang pagtatalo nila ay nagpaalam si Paolo para sa kanyang two-week training and basketball game. Bago umalis ay humalik ito kay Rio. “Hintayin mo ko ha... kami ang magcha-champion sa Nationals at ibibigay ko sayo ang medal ko. And while I’m gone, take care... I love you.”

                 Matapos ang dalawang araw, napansin ni Rio ang dalawang nakababatang kapatid na nag-uusap sa labas ng pinto ng kwarto nya sa ospital. May hawak ang isa sa mga kapatid nya na isang papel at mukhang nagtatalo ang dalawa.

                Tinawag nya ang dalawa na mukhang nagulat. Nagkatinginan ang mga ito at dahan-dahang lumapit sa ate nila. Kinuha ni Rio ang sulat na mukha pang ayaw ibigay ng isa nyang kapatid, pero wala itong nagawa. Binuksan at binasa ni Rio ang hawak na sulat. Mula ito kay Paolo.

                Naiyak si Rio dahil sa nabasa. Maya-maya pa ay pumasok din sa loob ng kwarto ang mama nya at nakita ang hawak nya. Mukha itong malungkot at pinandilatan ang dalawa nitong kapatid, samantalang hindi naman ito makatingin sa kanya.

                “Alam mo ba ang tungkol dito, mama?” Umiiyak na tanong ni Rio. Hindi makatingin sa kanya ang mama nya. “Bakit naman ganon, ma? Akala ko pa naman handa syang mahalin ako kahit na bilang na ang mga araw ko... p-pero... bakit pa nya ko pinaasa?? Naaawa lang pala sya sakin all this time...”

                Lumapit ang mama nya sa kanya at niyakap sya. “I’m so sorry, anak.”

                Umiyak ng umiyak si Rio ng araw na iyon na mas lalo pang nawalan ng rason para mabuhay. Hindi naman nakaya ng mama nya na nakikita syang ganito kaya naman kinausap nya ito.

How to Become A Tough GuyWhere stories live. Discover now