Chapter 9

329 10 0
                                    

Bago sila pumasok, binigyan sila ng pointers ni Sydney. “Lesson number 5. How to Become A Casanova. Nakita ko kung paano kayo gumalaw sa harap ng mga babae last time. Tandaan nyo, dapat cool lang kayo. Relax lang. Wag nyong ipapakita kung gaano kayo kasabik sa mga babae! Baka mapagkamalan kayong manyakis nan. Wag masyadong friendly. Baka mapagkamalan kayong flirt. Ang gusto ng mga babae, yung may pagka misteryoso ang dating. Dapat balanse lang, okay?”

[Background music: Almost Paradise, Boys Over Flowers OST] Parang F4 ang peg ng mga Pirata nang pumasok sila kinabukasan. Kahit na naka-uniform, ibang-iba ang aura nila nang pumasok sila sa gate at naglakad sa buong school. Kung dati, mga matang puno ng takot ang nakatingin sa kanila, aba ngayon ay mga mata nang puno ng paghanga ang nakatingin sa kakisigan nila. Total headturner!

Excited si Deck na makita ang magiging reaksyon ni Missy kapag nakita ang bagong sya. Naunang pumasok sa classroom sina Haze, Third at Paolo na parang medyo natatawa pa dahil sa drama ni Deck. Nagpaiwan naman si Deck sa labas para sa kanyang grand entrance at sinamahan sya ni Sydney to give him a push.

Pagbukas ni Deck ng pinto, todo ang ngiti nito at nakatingin kay Missy. Sinunod nya ang payo ni Sydney na ‘wag masyadong atat sa babae’ kaya naman matapos batiin ng ‘good morning’ ay dumiretso na ito sa upuan nya. Nanginginig syang umupo sa upuan kaya naman todo sa pagpigil ng tawa ang mga Pirata. That is just so awkward. Medyo nakayuko ito at tila naninigas na sa kinauupuan. Hindi nya magawang tingnan si Missy.

Mukha namang epektibo ang drama nya dahil pinansin na sya ng kanyang crush. Nakangiti itong lumapit kay Deck at hinimas ang bago nitong gupit na buhok na parang isang aso. “Wow. Bagong gupit ah.”

“Ahh... oo. B-bagay ba?” Namumulang tanong ni Deck. Awkward.

Nakangiti si Missy at tumango. Haaaay she’s so cuuuute. Kulang na lang ay himatayin si Deck sa sobrang kilig. Sa unang pagkakataon, pinansin at kinausap sya ni Missy. Ito ang pinakamatagal nilang pag-uusap so far. Masaya na sana si Deck nang biglang...

“Kasabay mo ba si Sab?” Nakangiting tanong ni Missy.

Dito na bumunghalit ng tawa ang mga Pirata. Kawawang Deck. Saktong pagkatanong ni Missy ay syang pagpasok naman ni Sydney sa classroom. Dali-daling nilapitan ni Missy si Sydney para batiin ng ‘good morning’ samantalang pinili na lang ni Deck na sumubsob sa kanyang desk hanggang sa dumating si Sermon [most probably dahil sa kahihiyan. Hehe.]

 ============================================================================

Day 2 mula ang ‘make-over’ ng mga Pirata. Inaabangan sila ng mga kababaihan ng Southville para lang magpa-picture. Hindi sanay ang mga Pirata na pinagkakagluhan sila ng mga babae. Mula din ng araw na iyon, hinahabol na rin si Sydney ng mga kalalakihan ng Southville para tulungan din sila sa kani-kanilang mga lovelife.

Day 3. Naubos ang vacant time ng mga Pirata sa pakikipag-usap sa mga babae. Natatawa naman si Sydney dahil mukha namang nagsisimula nang maging open ang mga Pirata sa ibang tao, maliban kay Paolo. Napansin nya na sa Pirates, si Paolo lang ang mukhang hindi interesado sa mga babae. Merong mga babaeng naga-approach sa kanya pero hindi sya yung tipong nage-entertain. Umiiwas kagad sya.

Kahit na naging casanova na sya, mukhang hindi pa rin masaya si Deck dahil hindi pa rin sya pinapansin ng babaeng naging dahilan ng kanyang pagbabago. Sinubukan nyang pagselosin ito by entertaining his admirers pero walang pakialam si Missy.

Day 4. Mag-isang naglalakad si Haze pauwi nang bigla nyang maisipang dumaan sa coffee shop. Habang papasok na sya, dalawang estudyanteng babae ang lumapit sa kanya. Mukhang nahihiya ang mga babaeng ito at namumula. Ngumiti naman si Haze na lalong nagpakilig sa dalawa.

Napansin nito ang uniform ng dalawang babae. Taga St. Mary’s. Yes. Umabot na hanggang St. Mary’s ang kasikatan ng mga Pirata. Malugod na pinaunlakan ni Haze ang request ng dalawa na magpa-picture kasama sya. Matapos magpa-picture ay pumasok na sya sa coffee shop para bumili ng frappe.

Tila malungkot ito nang pumunta sya sa counter para umorder. Habang naghihintay, bumalik sa kanya ang mga ala-ala ng una nilang pagkikita ni coffee shop girl. Dumukot sya sa kanyang bulsa at inilabas ang maliit na pink ribbon na nakuha nya sa unang babaeng nagpatibok ng kanyang puso. It sounds corny I know, but that’s how he felt.

Day 5. Magkasamang kumakain sina Sydney at Paolo sa cafeteria dahil bigla na lang nawala ang mga Pirata nang mag-ring ang bell. Habang kumakain, someone grabbed Sydney from behind. Si Haze. Mukha itong pagod na pagod at meron pang mga dahon-dahon sa buhok at katawan nito. Maya-maya pa ay dumating na rin sina Third at Deck na inagaw ang kinakaing pancit canton ng dalawa.

“Anong nangyari sa inyo?” Nag-aalalang tanong ni Sydney habang sinusubukang agawin ang pancit canton nya mula kay Deck.

“Ganito ba kahirap maging gwapo??!” Tanong ni Third na pawis na pawis din at mukhang kanina pa tumatakbo.

Natawa naman si Sydney habang pinagmamasdan ang mga Pirata. Mukha ng haggard ang mga ito mula sa katatakbo mula sa babae. Napakahirap pala maging habulin ng babae, literally. “O. Di ba yan naman ang gusto nyo? Maging habulin? Ayan hinahabol na kayo. Hehehe.”

“Grabe! Hanggang sa banyo may mga babaeng bumubuntot samin! Nakakatakot na!!” Nagpa-panic na sabi ni Third sabay inom ng tubig.

“Oo. Tapos hindi pa rin naman ako pinapansin ni Missy! Ikaw pa rin ang type nya! Tsssk.” Nakasimangot na sabi ni Deck.

Habang patuloy sa pagrereklamo sina Third at Deck, napansin naman ni Sydney na buntong-hininga lang ang reaksyon ni Haze sa mga reklamo ng mga ito. Mukha rin itong malungkot at hindi natutuwa sa naging outcome ng pagiging casanova nila.

“O ikaw? Ano namang reklamo mo?”

Nagpangalumbaba si Haze at ikwinento ang nangyari kahapon. “Meron kasing nagpa-picture sakin kahapon na mga taga St. Mary’s.”

Tumigil naman sa pagsasalita sina Deck at Third nang marinig ang sinabi ni Haze na ‘St. Mary’s.’ Hindi sila makapaniwala na umabot na don ang popularidad nila... and this time, hindi negative ang dahilan. Hindi naman nila maintindihan kung bakit ganon ang reaksyon ni Haze samantalang matagal na nilang target na magkaron ng girlfriend mula sa school na yon.

“Akala ko non, pag mas madaming babaeng nagkakagusto sayo, mas masaya. Marami ka kasing pagpipilian eh. Kaso mas mahirap pala kapag meron ng nakakuha ng puso mo. Kahit na gano karaming babae na ang nakapalibot sayo, hindi nila kayang tumbasan yung babaeng gusto mo. At ang pinaka masaklap, ni hindi nya alam na nage-exist ka.”

Natameme ang mga Pirata, lalo na si Sydney sa narinig mula kay Haze. Sh*t. Umiibig si Haze? Meron na syang babaeng gusto?

Akala ni Haze ay pagtatawanan sya ng mga Pirata dahil sa monologue nya, pero sa halip, tumayo ang mga ito at pumalakpak na tila naiintindihan ang pinagdadaanan nya. True enough. Si Haze, in-love sya kay coffee shop girl na hindi man lang alam na nage-exist sya. [Haay kung alam lang nya.] Si Deck, in-love kay Missy na in-love naman sa ibang lalaki at walang pakialam sa kanya. Si Third, oo in-love sya. Si Paolo, minsan nang na-inlove at hindi maka get-over sa kanya. 

How to Become A Tough GuyWhere stories live. Discover now