Chapter 1

979 25 0
                                    

Top student.

Ballerina.

 Singer.

 Artist.

 Miss Popular ng St. Mary’s Academy.

That’s Sydney Francisco. She can do anything and will do everything especially for her family. Nasa America ang parents nya for the family business, at tanging ang kakambal  lang na si Sebastian ang kasama nya dito. Everything is almost perfect in her life. Kahit na minsan lang umuwi ang parents nila, hindi nya naramdaman ang pangungulila dahil ang kakambal nya ang nagsisilbing kuya, nanay, at tatay nya.

Sa Don Bosco naman nag-aaral si Sab. Kahit na parang carbon copy ang mukha nila ni Syd, malaki ang pinagkaiba nila bukod sa kanilang kasarian. May pagka-loner, bookworm, at introvert kasi sya.  And unlike his twin sister, hindi sya pala-sali sa mga extracurricular activities sa school. Some people think that he’s weird kaya lagi syang nabu-bully.

Napapagalitan sya lagi ni Sydney sa tuwing uuwi sya na puro galos at pasa. Ang lagi naman nyang dahilan ay naiwala nya daw kasi yung salamin nya kaya hindi nya makita ng maayos ang nasa paligid nya kaya lagi syang nadadapa. Alam naman ni Sydney na pinagtripan na naman ang kakambal nya ng mga kaklase nito.

=============================================================================

                Pangalawang araw sa klase ng huling taon ni Sydney sa St. Mary’s noong araw na iyon. At sa pangalawang araw nya, pumasok sya ng puyat na puyat. Buong magdamag kasi syang hindi nakatulog dahil sa paghihintay sa kakambal nya na hindi umuwi noong nakaraang gabi.

Recess time. Matutulog sana si Sydney nang nagulat na lang sya sa nakakarinding sigaw ng bestfriend nyang si Abby. Kinakabahan sya dahil siguradong ia-update na naman sya ng bestfriend sa mga latest happenings sa SuJu, or may bagong download syang korean series na gustong ipapanood sa kanya. Haaay, her everlasting fangirl bestfriend. Anyway, nilapitan sya ni Sydney na may ano-na-naman-look.

Nang makita ni Abby si Syd, mas na-shock sya sa facial expression ng bestfriend. And she knew that something’s wrong.

“Pinapatawag ka ng Principal.”

“O-kay?” May pagka-relieved na ewan ang reaksyon ni Syd dahil hindi ito fangirl stuff. More like, nagtataka sya kung bakit sya ipinapatawag ng Principal. Bakit kaya?

Habang naglalakad sa hallway patungong Principal’s Office, wala pa ring ideya si Syd kung bakit sya pinapatawag. Habang nag-iisip, naalala nya ang facial expression ni Abby. Ganung-ganon ang itsura nito nung first time nitong makita ang after-bullying-session-look ni Sab... ni Sab. Ni Sab?! Kinabahan bigla si Sydney; at simbilis ng tibok ng puso nya, ay ganun na rin ang pagmamadali nyang pagtakbo patungo sa Principal’s Office.

Tumayo ang Principal pagkakita kay Sydney. Lumapit ito at hinawakan ang kamay nya.

“May tumawag mula sa ospital, Ms. Francisco. Napagtripan daw ng ilang estudyante ng Lindt High ang kapatid mo. I think you should go. I’ll excuse you from all your classes for today.”

Dali-daling umalis at pumunta sa ospital si Syd na naiiyak na sa sobrang nerbyos. Please Lord. Sana okay lang si Sab. I know this is serious. Binu-bully sya, pero ito ang unang pagkakataon na na-ospital sya dahil dito.

Dumiretso sya sa ICU at kinausap ng doktor. Comatose si Sab. Napahagulgol sya lalo nang makita ang mga pasa at sugat ng kakambal. Hindi nya sukat akalain na aabot sa ganon ang pambu-bully sa kapatid. Hindi nya alam kung pano iha-handle ang sitwasyon. This is the first time that Sydney felt alone.

Nag long-distance call sya sa America, and to her disappointment nasa business trip ang mama’t papa nila for three months. She felt anger. Mas nangulila sya kay Sab noong panahong yon. Out of anger, naisip nya kung ano bang klaseng mga magulang meron sila. Si Sab lang talaga ang meron sya. Si Sab.

How to Become A Tough GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon