This time, tumingin na sa kanya si Haze na mukhang napapa-isip sa sinasabi nya.

                “Wag mong hayaang lamunin ka ng pride. Don’t choose pride over the relationship with your dad. Give him a chance. Alam ko naiisip mo na, he was never a father to you. Pero hindi mo ba naisip na maybe eto na yung pagkakataong hinihintay mo all along?”

                Ngumiti si Sydney kay Haze at nagsimulang kumain. Natigilan naman si Haze sa mga sinabi nito at nag-isip ng mabuti. Napahawak sya sa kanyang dibdib. Ikinagulat ni Sydney ang naging sagot nito sa kanya.

                “Kung ganon... umalis ka na sa Pirates.”

                Nabitawan ni Sydney ang hawak na kubyertos dahil sa sinabi ni Haze. Nangangatal sya at hindi makapaniwala sa sinabi nito. “W-wala namang ganyanan... Wag ka namang magbiro ng ganyan.”

                Tiningnan ni Haze si Sydney sa mata. “Ayaw ng daddy ko na makipagkaibigan ako sayo dahil ipapahamak mo lang daw ako.”

                Natigilan si Sydney sa sinabi ni Haze. Hindi na sya nakipag-argue pa at tinanggap na lang ang sinabi ng kaibigan. Tumayo si Sydney, iniligpit ang pinagkainan, at lumabas ng classroom.

Oo. Tama. Pinagsabihan na rin naman ako ni Doc noon eh. Hindi lang ako nakinig. Siguro nga. Baka ipahamak ko lang si Haze... ang mga Pirata... Baka nga ito na ang panahon to stop this. Besides, para rin namang walang pinatutunguhan lahat eh. Hindi ko pa din alam kung sino ang bumugbog kay Sab. Maybe all of these  are senseless from the beginning.

                Hindi na nakapasok si Sydney sa mga klase nila ng hapon. Takang-taka ang mga Pirata kung nasaan ito, at base sa reaksyon ni Haze, alam na nilang nag-away ang dalawa. Kinulit ng mga ito si Haze kung anong pinag-awayan nila pero hindi naman ito nagsasalita.

                Nang matapos ang araw, kinuha ni Third ang gamit ni Sydney para dalhin sa bahay nila. “Ako na’ng bahala kay Sab. Babalitaan ko na lang kayo mamaya.”    

                Dinatnan ni Third si Sydney sa bahay nya. Naka uniform pa ito at naka-wig at mukhang kanina pa umiiyak. Nag-alala naman si Third para sa kaibigan. “Ano bang pinag-awayan nyo ni Haze?”

                Matagal bago nakasagot si Sydney. “Sa totoo lang... hindi ko alam eh. Siguro masyado akong naging pakialamera. Masyado akong madaldal. Ayoko lang naman kasing tuluyang masira yung relasyon nila ng daddy nya eh... Buti nga sya may tatay na nandito. Samantalang ako, mag-isa. Ayokong maranasan nya yung feeling na ganito.” Umiiyak si Sydney habang kausap si Third.

                Hinawakan sya nito sa balikat at tinapik para i-comfort. “May gusto ka ba kay Haze?”

                Hindi nila alam na nakatayo pala sa labas ng bahay nina Sydney si Haze at nakikinig sa pinag-uusapan nila. Tumingin sya kay Sydney para marinig ang isasagot nya sa tanong ni Third. Natigilan ito nang makitang tumango si Sydney at nagtakip ng mukha para umiyak. Napapikit si Haze dahil sa nalaman at tumalikod ulit.

                “Sabihin mo na sa kanya ang totoo [na babae ka]!”

                Napatayo si Sydney. “Ano?! Nasisiraan ka na ba? Hindi pwede... ayokong masira ang pagkakaibigan namin! Siguradong magagalit sya sakin pag nalaman nya. ”

                Umalis si Haze sa bahay nina Sydney. Mukha itong frustrated. Hinawakan ulit nya ang dibdib nya at naramdamang mabilis ang tibok ng puso nya. Naguguluhan na rin sya sa sarili nya. Hindi nya maintindihan ang sarili kung bakit lagi na lang nagwawala ang puso nya sa tuwing ngingitian sya ni ‘Sab’.

How to Become A Tough GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon