seven

643 21 0
                                    

Habang naglalaro sa parke ang mga bata, may narinig na iyak ang isang batang lalaki kaya hinanap niya kung saan nanggaling ang iyak na iyon.

Habang papalapit siya sa isang puno, lumalakas din ang iyak na naririnig niya. Sa likurang bahagi ng puno doon niya nakita ang isang batang babae na umiiyak. Kaya linapitan niya ito at lumuhod para mapantayan niya ang batang babae.

"Why are you crying?" Tanong ng batang lalaki, napaangat naman ang ulo ng batang babae. "Who are you?" Tanong naman ng batang babae.

"You can call me Ace" at nilahad ang isang panyo, tinanggap naman ito ng batang babae at pinunasan ang kanyang mga luha. Napangiti naman ang batang lalaki dahil dun, tumabi naman ito ng upo sa kanya at nagsimulang magkwento ng kung ano-ano. Napatigil naman sa iyak ang batang babae at nakikinig ng maayos sa mga pinagsasabi ng batang lalaki.

Simula nung linapitan ng batang lalaki ang batang babae naging malapit na ang dalawa and as the days passed by, the little boy introduced his other friends to the little girl. "I want you to meet them, come on!" Excited na sabi ng batang lalaki.

"Who?" Takang tanong ng batang babae "Secret! Come on! Hurry up!" Tinakbo nilang dalawa ang puno kung saan sila nagkita, malayo palang makikita mo ng may isang batang lalaki ang naghihintay doon.

"Here he is! Austin come here!" Lumapit naman ang batang lalaki na naghihintay sa may puno. "Where are the others?" Takang tanong ng batang lalaki dito. "Tita won't allow them" tipid na sagot ng isang bata kaya napabuntong hininga ito. Napansin naman ni Ace kung saan nakatingin si Austin kaya binalingan niya and batang babae na nakatago sa kanyang likuran.

Pinapunta naman niya sa harapan ang batang babae at hinarap sa batang lalaki "Austin meet Sophia, Sophia meet Austin!" "Hi" Inilahad naman ng batang Sophia yung kamay na agad naman tinanggap ni Austin "Hello! Noona!" Napangiti naman si Sophia dun.


I woke up from the sound blaring through my phone, it's already 4:30am. I looked at my side, to see Austin not being there. Nasa gym siguro yun, knowing him.

I jot out from the bed and freshen up. I wore some leggings paired it with some sports bra and some trainer shoes.

Lumabas na ako sa room, pumunta sa mini kitchen ko at kumuha ng isang apple. Pagkatapos ay lumabas na ako, at pumunta na sa 3rd floor. Papalapit palang ako sa gym room ng makarinig ako ng isang ingay.

"Aray! Aray! Aray! Chill lang mga bros" Austin, boses palang kilalang kilala ko na. Nang nasa tapat na ako sa pintoan ng gym. Naabotan ko naman si Austin na nakadapa while Enrile was tackling him down. The other two was pointing gun at him.

"What a sight! Rage being tackled to the ground? I had higher expectations from you" I said feigning a shocked reaction, napatingin naman silang apat sa akin. I got my phone out and took a picture. Nabalik naman sa ulirat si Austin ng makitang nag flash yung phone ko.

"Yah! Queen! Delete that!" Sigaw ni Austin habang nagpupumiglas mula kay Enrile. I just raised my brows at him. Nabigla naman si Enrile na naging dahilan ng kanyang pagkatumba at mapakawalan nya si Austin. Agad namang sumugod ang dalawa sakanya.

Susuntukin na sana siya ni Ponce ng mailagan nya ito at sinuntok si Ponce sa tiyan, napaatras naman si Ponce at hinawakan ang kanyang tyan. Masakit yun ah.

Napatingin naman si Austin sa gawi ko at aakmang tatakbo papunta siya akin ng harangin siya ni Juan gamit ang kanyang paa, na naging dahilan ng pagkatumba ni Austin. Dali-dali din naman siyang tumayo, at hinarap si Juan. Tiningnan ko lang silang dalawa na nag-papalitan ng suntok ng sumugod narin si Enrile at Ponce.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Autocratic QueenWhere stories live. Discover now