Final Chapter

50 1 0
                                    

"AYUMI!"

Hindi na niya kailangan pang mang-angat ng tingin para malaman kung sino na naman ang naisipang mambulabog sa kanya nang araw na iyon. Naroon siya sa Love Blossoms kung saan ay kababalik lang niya galing sa dalawang buwan niyang leave. Nakatulong naman ang ilang linggo pang natitira niyon kahit papaano dahil kailangan nga naman talaga niyang ikondisyon ang kanyang isipan lalo na kapag bumalik na siya sa flower shop at asikasuhin ang mga naiwan niyang trabaho roon.

"Ano na naman ang topak mo, Beatrice? Ilang araw mo na akong kinukulit dito, ah," aniya na hindi ito tinitingnan dahil abala siya sa binabasang report na kailangan niyang pag-aralan bago niya ipasa iyon sa amo niya.

"Ito naman. Ibinibigay ko na nga ang sarili ko sa iyo para magkaroon ka man lang ng social life na matatawag, ganyan pa ang salubong mo sa akin."

Nang mag-angat siya ng tingin na kunot-noo pa, napaikot na lang siya ng mga mata nang makita ang nakasimangot na itsura ni Beatrice. Pero as if namang tatalab pa talaga sa kanya ang pag-e-emote nito.

"Puwede ba, kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo? Seriously speaking, ano na naman ang problema mo at nandito ka na naman? Pasalamat ka't pamangkin ka ni Boss. Kung hindi, naku! Lagot ka talaga sa akin kapag hindi ko nagawa nang maayos ang trabaho ko."

"Don't worry. Alam naman ni Tita Beth kung ano talaga ang purpose ng panggugulo ko sa iyo nitong nakalipas na mga araw. I have her permission naman kaya okay lang," makahulugang sabi ni Beatrice na ipinagtaka niya.

Pero hindi na lang siya nagsalita pa. Itinuloy na lang niya ang pagbabasa sa report habang hinihintay ang anumang topak na ibabalandra ni Beatrice sa harap niya.

"Mukhang over naman na yata ang pagiging workaholic mo, ah," mayamaya'y puna nito.

"Mas okay na ito kaysa naman nag-iisip ako rito na baka ikabaliw ko pa kapag hindi ko ibinaling sa ibang gawain ang isipan ko."

"Nami-miss mo pa rin si Baby Boy mo?"

Hindi na siya umimik. Alam naman na nito ang kuwento sa likod ng mga sinabi niya. Kaya wala nang paliwanagan kung bakit ganoon ang naging sagot niya rito.

"Alam mo, you should take a break."

Doon siya napatingin sa kaibigan niya. "Huh? Take a break? Eh katatapos lang ng dalawang buwang leave ko, take a break na naman. Gusto mo ba talaga akong umuwing baliw?"

Natawa lang si Beatrice na ikinainis niya. "Hindi, 'no? What I mean is, samahan mo ako sa isang art exhibit this Saturday. Ipapaalam kita kay Tita kung kinakailangan."

"Thanks but no thanks, Beatrice. Baka mamaya, may masabi pa ang ibang kasama ko rito sa ginagawa mong 'to."

"Alam na namin ang plano niya, Ayumi," sabad ni Tasha nang lumapit ito sa kanilang magkaibigan, dahilan upang mapatingin siya rito. "Kaya okay lang. And besides, isang araw lang naman iyon. Malay mo, may mangyaring maganda sa araw na iyon para naman hindi ka na lantang talilong diyan sa susunod na pumasok ka rito."

Bagaman nagtataka sa mga sinabi ni Tasha sa kanya, wala naman siyang masabi upang pasubalian ang kagustuhan ng mga ito na kaladkarin siya ni Beatrice sa kung saang lupalop man gaganapin ang art exhibit na tinutukoy nito. Kung nalalaman lang ng kaibigan niya, sisirain na naman niyon ang kanyang isipan sa tiyak na raragasang mga alaala. Pero dahil may pagkamanhid nga naman si Beatrice at batid niyang maganda pa rin ang intensyon nito sa pagyaya sa kanya, she agreed to the offer.

Natawa na lang siya nang mag-'Yes!' nang malakas sina Tasha at Beatrice at nag-apir pa talaga ang dalawang bruha. Ngayon, alam na niyang inilagay niya ang sarili sa kung ano mang patibong meron ang dalawang ito para sa kanya.

✔ | We'll Always Be Each Other's BabyWhere stories live. Discover now