Chapter 6

18 1 0
                                    

ENJOY na enjoy si Ayumi sa sketches na ginagawa niya sa kanyang sketchpad. Iyon lang ang naisipan niyang gawin nang matapos mananghalian si Vince at as usual at masiguro niyang kumain nga ito nang maayos. Kahit madalas ay nagrereklamo ito sa "pagpapataba" na ginagawa raw niya rito sa pagbabantay niya sa pagkain nito, sa huli ay nauubos pa rin naman nito ang inihahain niyang pagkain dito.

Hindi lang ang pagkain nito ang binabantayan niya sa nakalipas na dalawang linggong pananatili niya sa mansion ng mga Castagnia. Pati na rin ang oras ng pagtulog nito ay kailangan din niyang bantayan. May mga pagkakataon kasi na wala nang itinutulog si Vince dahil sa pagiging subsob nito sa obrang inaasikaso nito. There was one time na muntikan na itong mag-collapse nang nais nitong ipagpatuloy ang ginagawang obra sa kabila ng kakulangan nito sa tulog. Muntik pa nilang pag-awayan iyon. Pero dahil umiral lang naman ang dakilang kakulitan niya, napapayag niya itong magpahinga nang maayos.

Wala na siyang pakialam kesehodang abutin siya nang magdamag sa pagbabantay sa binata. Eh sa nag-aalala siya rito. Mapipigilan ba niya iyon? At least she could prove to him that she cared for his welfare. Bahala na ang bugok kung paano nito titingnan iyon.

Malapad na napangiti si Ayumi nang sa wakas ay matapos na niya ang final touches ng sketch na ginagawa niya. Actually, she was making a portrait of a couple dancing. Subalit unti-unting naglaho ang ngiting iyon nang may maalala siya. She was making the same portrait when Vince suddenly announced that he would leave Altiera before their graduation. Wala pang isang linggo pagkatapos niyon ay umalis na ito na hindi man lang nagpapaalam sa kanya. But she remembered asking one of the maids to give her sketch full of her drawings to Vince after learning that. Hindi nga lang siya sigurado kung natanggap nito iyon kahit na nasa malayo na ito.

Agad na sana siyang aalis sa kinauupuan niyang bahagi ng balustrade ng veranda nang bigla ay masagi niya ang pinaglalagyan ng mga colored pencils sa tabi niya. Out of instinct, she reached out to get it, only to realize later on na iyon ang malaking pagkakamali niya. Hindi nga pala siya nakakapit sa kahit ano bilang suporta! Kaya naman namalayan na lang niya ang sariling nilulukob ng matinding takot at mariing napapikit habang pabulusok siya pababa.

Pero ang inaasahan niyang matinding pagbagsak sa lupa at matinding sakit na sisipa sa kanya ay hindi nangyari. She was breathing hard para kalmahin ang sarili at nanatili pa rin siyang nakapikit. Pilit niyang ina-assess ang sitwasyon sa ganoong paraan. Until a painful grunt brought her out of her reverie and made her finally open her eyes. But what caught her sense of smell was a familiar scent enough to cause her heart to beat wildly.

Pambihira! Ito ang napapala niya sa pag-aalaga sa isang makulit at may katigasan ang ulong lalaki sa loob ng mahigit dalawang linggo. Kaya pati ang amoy nito ay kilalang-kilala na niya. Agad siyang napatayo at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makumpirmang si Vince nga ang sumalo sa kanya.

"Oh, my gosh! I'm sorry, Vince!" Nagpa-panic na siya dahil patuloy pa rin sa pag-ungol ang binata bago siya tuluyang harapin nito. Grabe! Ano ba 'tong katangahang ginawa niya?

Vince heaved a sigh of relief and smiled. "I'm glad I caught you in time."

Okay... Ngumiti lang si Vince. And yet, para siyang namatanda sa nakita niya. Idagdag pa ang kakaibang kabog ng dibdib niya. What the heck? Ano na ba ang nangyayari sa kanya? "I'm sorry."

"Hey, no sweat! Okay lang ako."

Tila hindi na niya narinig iyon dahil sa dami ng tumatakbo sa isipan niya. Idagdag pa na hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Hindi niya alam kung bakit siya napapaiyak. Maybe because of shock, fear, even relief? Hindi siya sigurado. Basta namalayan na lang niya ang sarili na kinakabig ni Vince palapit dito at mahigpit na niyakap nito para pakalmahin siya. At least she could tell that from the way he caressed her hair and whispered comforting words.

✔ | We'll Always Be Each Other's BabyWhere stories live. Discover now