Chapter 3

21 1 0
                                    

"NAKU! Nagsidatingan na pala ang dalawang favorite babies ko! Come here, you two and let me hug you both real tight!"

Tinugon naman nina Ayumi at Vince ang kagustuhang iyon ng dating guro na siyang dahilan kung bakit sila napapayag an magpunta sa reunion na iyon—si Ma'am Kristina Gonzaga-Martizano. Halata sa yakap ng ginang sa kanilang dalawa ng sobrang pagka-miss nito. Nakangiti lang sila ni Vince nang maluwang habang magkaharap na niyayakap ng ginang.

Si Ma'am Kristina Gonzaga-Martizano—o Ma'am Tina sa karamihan—ang nagbigay sa kanila ng nicknames na "Baby Boy" para kay Vince at "Baby Girl" naman sa kanya. Sabi nga ng guro sa kanila noon kung bakit ganoon ang nicknames nila, they looked liked tweens with features belonging to cute little babies. Isa pa, silang dalawa ni Vince ang ilan sa mga pinakabata sa batch nila. At silang dalawa lang ang tanging estudyanteng talaga namang naging malapit kay Ma'am Tina. Kumbaga, na-adapt na lang nilang dalawa ni Vince ang nicknames na iyon.

"Kumusta na kayong dalawa? Naku! Akalain mo nga namang ang dalawang baby-looking students ko dati ay hindi na mukhang mga baby ngayon." Hindi pa nakuntento si Ma'am Tina, pinagkukurot pa nito ang mga pisngi nila ni Vince.

Siyempre pa, ikinatawa na lang nila iyon ng binata. Kunsabagay, ganoon din kung panggigilan sila noon ni Ma'am Tina. Kaya naman masasabing sanay na rin sila.

Hindi maitatangging naging maganda ang takbo ng reunion para kay Ayumi, kahit sabihin pang ang talagang purpose niya sa pagpunta roon ay si Ma'am Tina. Walang katapusang kuwentuhan ang naganap. Para ngang silang tatlo lang ng guro at ni Vince ang naroon kung makapagkuwentuhan sila. Marami-rami rin siyang nalaman tungkol sa binata.

Talaga ngang tinupad nito ang pangarap na maging iskultor kahit noong una ay tutol rito ang ina nito. Nag-aral pa ito sa Paris para lang mai-pursue ang pangarap nitong iyon. Noong high school pa lang kasi sila, alam na niya ang talento nito sa sculpture. Sa wood carving ito nagsimula hanggang sa nag-evolve ang focus nito sa glass carving at marble carving. Sa katunayan, nagamit niya ang talento sa pagdo-drawing sa nauna nitong mga designs na nakalagak sa kabubukas lang na art exhibit nito sa Manila.

Pero kahit iskultura ang masasabing calling ng binata, hindi pa rin nito tinalikuran ang responsibilidad nito sa pamilya. Sa katunayan ay ito ang kasalukuyang namamahala sa manggahan ng mga ito sa kinalakihan nitong villa. Pinatunayan iyon ni Anton na paminsan-minsan ay sumisingit sa diskusyon nila.

Natapos ang buong event nang wala naman nang gulo. Masaya si Ayumi na hindi naging boring iyon para sa kanya. Kunsabagay, hindi naman iyon hinayaang mangyari ni Vince at ng mag-asawang Martizano. Dumalo rin kasi ang asawa ni Ma'am Tina. Hindi tuloy niya napigilang mailang at mapangiti nang malamang kilala na pala silang dalawa ng binata ni Albert Martizano—ang sundalong napangasawa ng paborito niyang guro. Mukhang maraming naikuwento ang ginang dito tungkol sa mga misadventures ng dalawang favorite babies nito.

Pero sa durasyon ng buong event, may isang bagay siyang napuna. Hindi siya tinantanan ng matamang tingin ni Vince.

At ang resulta? Walang katapusan at hindi mapigilang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

= = = = = = =

ANG hardin kung saan unang dinala ni Vince si Ayumi ang tinungo niya nang mag-umpisa nang magsiuwian ang mga dumalo sa reunion. Nauna na ring umuwi si Ma'am Tina kasama ang asawa nito dahil maaga pa raw itong aalis para sa isang teachers' seminar na gaganapin sa Cebu.

Siya naman ay wala pang planong umuwi dahil hinihintay niyang matapos si Beatrice sa pagtulong sa pag-aayos at paglilinis. Come to think of it, hindi pa pala niya nakita ang bruhilda niyang kaibigan sa buong durasyon ng kasiyahan. Mukhang nakakita na naman ng masusungkit na guwapo. Nasupalpal kasi ito kanina ni Anton at maging ni Vince nang tangkain nitong landiin ang magpinsan.

✔ | We'll Always Be Each Other's BabyWhere stories live. Discover now