"Wag kang ngumiti ng ganyan... Ang creepy mo." Sabi nya sakin.

Ngumiti ako ng mas malapad at tumingin sa kanya. Muka ako'ng gagawa ng kalokohan sa ngiti ko.

Natawa naman sya. "Tigil mo nga yan."

"Pilitin mo ko..." Pang-aasar ko.

Hinampas nya ko sa braso. Ganyan lang kami'ng dalawa. Hangang kulitan at kasatan lang. Alam ko nama'ng kasi'ng wala ako'ng chance.

Buo'ng klase na ata ang nakaka-alam na gusto sya ni Keifer. Sya nalang to'ng manhid. Kung makikisali pa ko sa love story nila baka sapakin ako ni Keifer.

"Ella!" Someone called.

Napatigil kami ni Ella at tumingin sa direksyon na pinang-galingan.

"Hi Mica!" Bati ni Ella.

Mica... Yun pala ang pangalan ng babae'ng to. Lagi ko kasi sya'ng nakikita sa labas ng school na parang may hinihintay. Maganda din sya pero masyado'ng simple ang dating nya.

Nag-usap muna sila sandali bago muli'ng humarap sakin.

"Calix... Si Mica nga pala, friend ko."

"Hi..." bati ko sa kanya.

Nakita ko'ng namula yung pisngi nung Mica at kumaway naman sakin. She looks cute.

"Wait lang ah.. Kunin ko lang yung notes ko sa loob." Paalam ni Ella at iniwan kami ni Mica.

Halata na nahihiya sakin si Mica. Panay din ang sulyap nya pero iiwas ng tingin. Pupusta ko may gusto rin sakin to.

"Uhmmm.. Calix." Meron sya'ng inaabot na sobre.

Tsk! Sabi na eh!

Kinuha ko yung love letter at sinuksok sa bulsa. Mamaya ko nalang itatapon.

"Sana basahin mo..." Dagdag nya.

Ngumiti lang ako at nag-nod. Asa! Sinabi ng ayoko ng love letter. Hindi ako mahilig mag-basa. Iisa lang naman ang laman nyan.

Mahal kita Calix! Gusto kita nuon pa! Sana mapansin mo rin ako! Blah! Blah!

Dumating si Ella at binigay yung notes nya kay Mica. Umalis na yung Mica pero ngumiti muna sya sakin.

"Wag mo itatapon love letter nya... Magagalit ako sayo." Bulong sakin ni Ella.

Taka ko sya'ng tinignan. Alam nya?

"Matagal ng may gusto sayo yan... Binabawalan ko lang kasi nga playboy ka. Masasaktan lang sya. Pero makulit kaya sabi ko, tignan namin gagawin mo pag-nabasa mo yung love letter."

Ako playboy?

"Kelan pa ko naging playboy?" Tanung ko sa kanya.

"Hindi ka aware?" May halong pang-iinis ang tono nya.

"Kasalanan ko bang nagka-sunod sunod sila?"

"Tsk! Calix, wala'ng nagtatagal na babae sayo. Hindi rin nag-aapply ang 3 months rule of break up sayo." pagtataray nya sakin.

"Pero hindi ibig sabihin nun Playboy na ko!"

"Playboy ka!" Singit ni Ci-N habang may kinakain.

"Wag ka nga'ng sumali sa usapan!" Sita ko sa kanya.

Bigla sya'ng nagtago sa likod ni Ella. "Tignan mo sya, inaaway ako." Para'ng bata na nagsusumbong sa Ate si Ci-N.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon