"Calix!" Sigaw ni Ella, habang nakahawak sa baywang.

Talaga'ng si Ci-N yung kinampihan nya. Ibang klase!













Kinagabihan...

Pabagsak ako'ng humiga sa kama. Sobra'ng bigat ng katawan ko. Kapagod!

Kinapa ko yung bulsa ko para kuhanin ang cellphone ko pero iba yung nahawakan ko.

Yung love letter.

Nawala sa isip ko yun. Sinipat sipat ko yung sulat. Simple'ng pink envelope lang ito na may puso. Itatapon ko sana pero naalala ko yung sinabi ni Ella.

Baka magalit sakin.

Hindi naman siguro nya malalaman. Kayalang baka magtanung sya tungkol dito.

Kahit ayoko at tinatamad ako. Binuksan ko yung enevelope at binasa yung sulat. Naka-stationary pa.

Dear Calix,

          Kung binabasa mo ang sulat na to, maraming salamat. Alam ko'ng alam mo na ang sasabihin ko dito. Pwede'ng sinabi na sayo ni Ella or dahil syempre, love letter ito.

Ang dami nama'ng paligoy-ligoy ng babae'ng to. Hindi pa ko diretsuhin.

          Gusto ko sana'ng malaman mo kung panu kita nakilala. Yun kasi yung araw na hindi kana mawala sa isip ko. Enrollment yun last year. Kasama mo yung girlfriend mo'ng first year student. Naiinis talaga ako sayo nung una kasi iba yung kasama mo bago ka pumasok sa gate ng school, tapos iba na naman.

Kelan yun? May naging girlfriend ba ko'ng first year? Hindi ko yata maalala.

          Nasa pila na ko. Ako lang mag-isa. Sabay sabay kayo ng ibang Section E na pumila. Nagkakasatan pa kayo nun. Lagi mo kong nabubunggo pero hindi ka nags-sorry. Nasa registrar na ko ng bigla ka'ng manghiram ng ballpen. Inabot ko sayo yung hawak ko at umalis na.

Ballpen? Ang dami kong hiniraman ng ballpen.

         Nakaupo na ko sa bench at bigla ka nalang lumapit sakin. Hawak-hawak mo yung ballpen na pinahiram ko.

"Kanina pa kita hinahanap... Salamat dito!" Sabi ko at ngumiti ka sakin.

Yung ngiti mo na yun. Feeling ko kasalanan nun kung bakit nung pag-uwi ko hindi kana mawala sa isip ko. Stalker ma'ng paki'nggan pero hinanap ko yung facebook account mo at kinilala kita. Lagi kita'ng inaabangan sa gate ng school bago umuwi.

Yun pala yun. Lagi ko sya'ng nakikita sa gate ng school. Akala ko hinihintay lang nya yung sundo nya. Ako pala yung hinihintay nya.

         Binawalan na ko ni Ella pero hindi ako nakinig sa kanya. Sabi nya playboy ka, alam ko naman yun. Pero hindi ko mapigilan eh. Alam ko'ng simple'ng paghanga lang ito pero kakaiba na kasi.

Mahal na yata kita. Wala ako'ng pag-asa, alam ko yun. Gusto ko pa ri'ng ipa-alam sayo. Siguro hindi na bago sayo yung mga babae'ng umaamin ng feelings nila. Okay lang kahit baliwalain mo ko. Hindi naman ako nanghihingi ng pansin.

         Salamat sa pagbabasa ng sulat na to. Pagtanggap pa lang sa sulat ko ay malaki'ng bagay na para sakin. 😊

--Micaela Yumol

Napatitig ako sa kisame. Ang sakit pala sa mata na magbasa ng nakahiga. Nakaka-antok din.

Hindi ako sigurado sa iisipin ko dahil sa sulat na to. Pero isa lang ang sure ako. Makakatulog ako'ng naka-ngiti.

This is the only letter that gave me this weird feeling. Maybe because this is the only one that i read. I don't feel anything for this Mica, but she makes me smile.

For some reason, i become excited to receive another letter from her. Sana lang bigyan nya ko ulit. Ang ganda din nang pagkaka-sulat nya, mukang font style pero sya talaga ang may gawa.

I don't like reading. Maybe that's the reason why i always ignore love letters. But now, parang gusto ko pa ulit mag-basa.

Kahit muka ako'ng tanga, paulit-ulit ko pa ri'ng binabasa yung sulat. Bawat letra ata at kurba ng sulat sina-ulo ko na.

Micaela Yumol.

Kapangalan nya yung nasa anime. Medyo pareho sila nung babae na yun. Ang hinhin kasi ng dating nya.

Anu nga ulit title ng anime na yun?

Ghost Fighter.


++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++

Ang Mutya Ng Section EWhere stories live. Discover now