"Nagmamaka-awa ako!"

"O-oo! Hindi ko sasabihin! Tumayo ka lang!"

Huminahon sya sa pag-iyak at unti-unti'ng tumayo. Inayos nya yung sarili at dun ko lang sya nakilala. Si Mica.

Madumi din ang istura nya at may kaunti'ng galos.

"Mica? Tama?" Tanung ko.

Matipid na tango lang sinagot nya sakin.

"A-anung nangyari sayo?"

Hindi sya sumagot pero patuloy sya sa pagpunas ng luha nya. Hindi ko sure kung kilala nya ko, pero alam kong natatakot sya na baka sabihin ko kay Aries na andito sya.

"Wag ka mag-alala.. hindi ko sasabihin kay Aries. Hindi rin naman kami close." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

Halatang na-iilang pa rin sya pero pinilit mag-salita.

"K-kasi... Y-yung mga S-section D. S-sila may gawa s-sakin nito." Sagot nya.

Section D?! Na naman?!

"Bakit?"

"H-hindi ko alam... P-pero alam kong s-si Aries may utos non."

Lintik! Dahil siguro to dun sa 'malandi' incident.

"Kelan pa nila ginagawa sayo to?"

"Simula nung... Nagka-gulo kayo nila Freya."

Sabi na eh! Dapat talaga sinabi ko na yung totoo kay Aries. Hindi man lang nya inalam kung totoo yung sinasabi nung Freya'ng bruha na yun. Lalo pa tuloy lumaki ang gulo pati inosenteng tao kagaya nya nadadamay.

"Wala man lang tumulong sayo? Hinahayaan ka lang ng mga classmate mong ganito?" May halong pagka-irita na yung boses ko.

Anu to? Walang kaibigan?! Wala man lang dumamay or nagtanggol sa kanya.

"W-wala... S-si Ella sana, kaso h-hindi pa sya pumapasok."

Anu ba yan? Kawawa naman tong babae na to. Hindi ko sya pwedeng iwan dito ng ganito yun itsura. Baka balikan din sya ng mga impakto'ng Section D na yun. Hindi rin malabo na mas lalo pa syang pahirapan.

"Sumama ka muna sakin. Hindi kita pwede'ng iwan dito baka balikan ka ng mga Section D." Aya ko sa kanya.

Hinawakan ko yung kamay nya pero binawi din nya agad. Para'ng may kung anu'ng pumipigil sa kanya.

"H-hindi pwede..." Sabi nya at umiwas ng tingin.

Tsk!

"Bakit? Don't worry hindi kita daldalhin kay Aries."

"H-hindi yun... Kasi... Anu..."

Anu na naman?!

"Tsk! Si Calix ba?"

Medyo nagulat pa sya pero napayuko nalang bago tumango. Sabi na eh! Panu to? Hindi ko naman sya pwedeng iwan.

"Wala kang choice... Kesa iwan kita dito baka kung anu'ng mangyari sayo."

"K-kasi..."

"Wag ka nalang lumapit sa kanya."

Wala talaga syang choice. Kaya kahit labag sa loob nya sumama na rin sya sakin. Wala ng masyado'ng istudyante kaya walang makakakita sa itsura nya, kanina pa kasi nag-bell.

Dumiretso muna kami sa CR. Kailangan nyang malinisan. Pati mga galos nya sa braso at tuhod, kailangan ding mahugasan.

Walang tao sa loob. Tinignan ko na rin yung mga cubicle. Wala ding tao, pero multo meron. Charot!

Ang Mutya Ng Section EWhere stories live. Discover now