"Of course. Gugustuhin ko pa ba na maghanap ng iba si Kiro kung sa tabi niya lang, may babaeng pwede na para sakanya?" masayang sabi ni Tita Cristine bago pinisil ang kamay ni Ate Caryl. "Look at your mom and your dad, childhood sweetheart din sila..." dagdag pa nito.

"Mommy, pumasok ka na nga 'dun sa loob..." mahinang saway ni Kuya Kiro kay Tita. Napangiti naman ako. May point naman si Tita Cristine, kung tutuusin. Mas okay pa din na magpakasal ka sa isang taong kilalang-kilala mo na. Our parents... lahat ng love story nila, epic.

And if I were to marry someday, I want someone like my dad. He loves my mom so much. Araw-araw, ipinapakita ni Daddy kay Mommy kung gaano niya ito kamahal. At alam ko, sobrang saya ni Mommy.

Maya-maya ay kinuha ni Theon ang isang upuan sa tabi ko ibinaliktad iyon bago umupo. Ipinatong nito ang kamay sa sandalan at tinawag kami.

"Kapag nakangiti ka ng ganyan, may plano ka na naman..." sabi ko sakanya. Pinitik naman nito ang ilong ko. "Makinig ka muna kasi..." sabi niya sa akin. "Nagpaplano lang kami ni Keij ng weekend bonding natin..." malawak ang pagkakangiti ni Theon. Nakasuot din ito ng cap na binaliktad nito.

"Magkakasama naman tayo lagi, hindi pa ba bonding ang tawag dito?" tanong ko sakanya. Tinitigan naman ako ni Theon. "Bakit ba naisip namin na agad ni Kol na itatanong mo 'yan?" nilingon nito si Kol. Inirapan ko naman si Theon.

"Saan niyo naman balak pumunta?" tanong ni Aly. Nilingon nito si Keij. "Siguraduhin niyo lang na wala kayong girlfriend na isasama, okay?" pagbabanta nito sa pinsan namin.

"Sino bang may girlfriend dito?" painosenteng tanong ni Keij sa amin.

"Si Theon, maraming girlfriend..." sagot naman ni Lean bago tinitigan ng masama si Theon.

"Oh, wag ka na magselos..." natatawa namang sagot ni Theon dito.

"Ang kapal ng mukha mo talaga. Feeling mo ang gwapo mo..." katakot-takot na irap na naman ang iginawad ni Lean dito.

"Okay, guys... we're talking about the weekend bonding. Stop that," awat ni Ate Caryl sa dalawa. Ngumiti lang si Theon.

"Wala namang may Saturday class sa inyo, diba?" lumapit si Keij at ipinatong ang braso sa balikat ni Lean. Umiling naman kami ni Aly. Iginalaw-galaw ni Lean ang balikat para matanggal ang pagkakadantay ni Keij bago umiling.

"I think I'm free..." sabi naman ni Ate Caryl.

"Si Kuya Cloud kaya?" tanong ni Keij dito. Agad na umiling si Ate Caryl. "Ang alam ko papunta siyang Japan sa Friday, eh..."

Napansin ko ang pag-ilaw ng phone ko habang nag-uusap sila tungkol sa plano para sa weekend.

Binuksan ko nalang 'yung phone ko para tignan ang mga messages.

Galing pa rin kay Ian.

Ano bang trip ng lalaking 'to?

Napailing nalang ako bago idinelete lahat ng messages niya kahit hindi ko pa nababasa ang iba. Nagtama naman agad ang mga mata namin ni Kol nang mag-angat ako ng tingin.

Ngumiti nalang ako sakanya bago nakisaling muli sa usapan nila tungkol sa plano.

"Sa malapit lang tayo..." sabi ni Lean habang nagsasalamin.

"Nung nasa malapit lang tayo, gusto mo sa malayo. Ngayong lalayo tayo, gusto mo sa malapit. Pinagtitripan mo ba kami?" tanong ni Theon dito. Hindi ko mapigilang matawa sakanila.

"Saan ba kasi tayo?" tanong ni Aly sakanila. Kumuha na ng upuan si Keij at nakiupo na din sa may lamesa namin. Nasa kabilang lamesa pa din si Enzo, Kol, at Jahann. Pumasok sa loob ng shop si Kuya Kiro.

Played by Fate - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon