Bakit, pinahalagahan mo ba siya nang pinagtangkaan mo siyang iwan? Parang isang punyal na tumarak sa aking puso ang binulong ng aking utak.

Pumikit ako at pinakalma ang aking sarili. M-Magkaiba naman siguro ang pagtakas sa pag-iwan... H-Hindi ba? Stupido. Muling bulong ng aking utak.

Nakagat ko ang aking ibabang labi. Nawalan na ako ng gana kumain kaya nagsimula na akong magligpit. Dati ay hindi naman ako basta-basta hinahayaan ni Tyler na maghugas ng pinggan, kung hahayaan niya naman ako, lagi siyang nakabantay at nakamasid sa akin na tila ba ayaw niya akong mawala sa kanyang paningin. Pero ngayon... Wala akong magawa kundi ang humugot na lamang ng hangin para magkaroon ng lakas.

"Hello Philippines and hello world!"

Napatalon ako sa gulat nang may marinig akong matinis na boses. Kung hindi pa ako tapos sa paghuhugas ay malamang nakabasag na ako ng pinggan. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nanlaki ang mga mata nang makita si Enayis na malawak ang pagkakangisi sa akin.

"Enayis!" Gulat kong bulalas.

"Hi Zafina!" Lumapit siya sa akin at bineso ako. Habang ako ay maang pa rin na nakatitig sa kanya.

"A-Anong... P-Paanong nandito ka?"

"Oh well, Tyler called Chase, asking us-- or more like, commanding us, to pay you a visit. So here I am! Fresh as always!"

Napakurap ako. Naalala ko ang usapan namin ni Tyler kahapon na papapuntahin niya raw rito si Enayis dahil sa pagaka-bored ko rito sa bahay. And here it is... Tinupad niya ang pangako niya kahit galit siya sa akin.

"Are you alright?" Nag-aalalang tanong ni Enayis nang makita ang ekspresyon ko. Agad akong napaiwas ng tingin nang maramdaman ang pag-iinit ng gilid ng mga mata ko.

"O-Oo, ayos lang ako. Ikaw lang ba ang nagpunta dito?" Pag-iiwas ko ng usapan.

"No, I'm with Chase. Nag-uusap sila ni Tyler sa labas." Napatango lang ako sa sinabi nito. "You're really not okay, Zafina." Aniya na parang siguradong-sigurado siya sa kanyang pahayag.

Hinila niya ako paupo sa upuan dito rin sa kusina. Umupo rin siya sa tabi ko bago niya ako hinarap. "Spill,"

Napabuntong hininga na lang ako habang napapayuko. Kung wala akong kawala kay Tyler, wala rin akong kawala pagdating sa babaeng ito. But I'm thankful that she's willing to offer her ears for me.

"Tyler's mad at me," mahina kong sabi na halos maging bulong na.

"And?" Nabibitin nitong tanong, tila hindi sapat ang sinabi ko kaya agad ko iyong dinugtungan.

"He's giving me a cold treatment,"

"Well, he wouldn't do that just because of nothing."

Under His SpellWhere stories live. Discover now