Napangiti ako. Sumandal na muna ako sa pader na naroon at hindi pumasok. This is what I love the most about them. Kahit na tatlo na kami, hindi maikakaila na mahal na mahal nila Mommy ang isa't isa.

"Baka kasi makalimutan mo, Mikael... subukan mo lang talagang kalimutan, naku!"

"Kailan ko ba nakalimutan ang mga bagay na tungkol sa'yo?" tanong ni Daddy kay Mommy. Napailing nalang ako.

Si Mommy lang talaga ang may kakayahan mapabago ang mood ni Daddy. Iba talaga kapag true love.

"What the..."

Napalingon ako at nakita ko si Jahann na nakatingin kina Mommy at Daddy. Tinignan ko din at nahila ko bigla si Jahann.

"Why do we have to wake up every day, seeing them kissing?" tanong niya sa akin. Natawa nalang ako. Hindi naman ako nagrereklamo na nakikita ko ang pagmamahal ng mga magulang namin.

"Mom, Dad, we're here!" biglang sabi ni Jahann. "Continue that later, please?" dagdag pa nito bago pumasok sa loob ng dining room.

Natatawa naman akong sumunod sakanya papasok at umupo sa tabi niya.

"Where's Alyanna?" tanong ni Daddy sa amin.

"Here!" nagmamadaling pumasok si Aly sa loob at umupo sa tabi ko.

"Aly, are you going to drive later?" tanong ni Mommy kay Aly habang kumakain kami. Nilingon ko si Aly na naglalagay ng pagkain sa plato nito.

"Yes, Mommy. Isasabay ko na din si Cherinna..." sagot naman niya bago tumingin sa akin at ngumisi.

"I don't trust your driving skills..." mahinang sabi ko kay Aly. Sinimangutan naman ako nito.

"Ako nalang maghahatid kay Cherinna. Sumabay ka nalang din, Aly," ani Jahann na nasa tabi ko.

"That's better," sabi naman ni Daddy.

"Pero Daddy, I can drive naman. Besides, may dadaanan pa kasi ako..."

"First day of class, may dadaanan ka?" tanong ni Daddy kay Aly. Tumango naman ito. "I just need to buy some things," nakangiting sagot ng kakambal ko. Napailing nalang ako. Matapos namin kumain ay kinuha ko na ang gamit ko.

"Dad, pupunta ako sa Ai's mamaya," narinig kong sabi ni Jahann kay Daddy habang naglalakad kami papalabas.

"Just call Dale, okay? I have to go," sagot naman niya sa amin. "I'll go home early, Ai..." paalam niya kay Mommy bago hinalikan ito sa noo. Bumaling naman siya kay Aly pagkatapos. "Be careful, okay?" paalala nito sa kakambal ko. "Jahann, take care of your sister..." tinapik naman nito ang braso ni Jahann bago pumasok sa sasakyan nito.

"Alis na kami, Mommy..." nagpaalam na din kami at pumasok sa sasakyan.

"Why do you have to go to Ai's later?" tanong ko sakanya habang nagmamaneho siya. Nagkibit naman ng balikat si Jahann sa akin. Napanguso nalang ako bago ako tumingin sa labas.

Maya-maya ay nagring ang cellphone ko kaya naman agad ko na iyong kinuha bago pa man ako tignan ni Jahann.

"Hello?" sagot ko sa tawag ni Keij.

"Kasama mo si Jahann?" tanong niya agad sa akin. Kumunot ang noo ko. Si Jahann naman pala ang kailangan niya, bakit kailangang ako ang tawagan nito?

"Yeah, why?" lumingon ako kay Jahann na nakatingin sa kalsada.

"Speaker mo muna," utos niya sa akin.

"Siya pala ang kailangan mo, bakit ako ang tinatawagan mo?" tanong ko sakanya. "Kanina pa ako tumatawag, hindi ko macontact, eh..." sagot ni Keij sa akin. "Speaker mo muna kasi..." utos niya ulit.

Played by Fate - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon