Prolugue

2.7K 90 36
                                    






Vhong's POV



Pagkadilat ko ay bumungad kaagad sakin ang isang dyosa. Sino paba? Si Anne Curtis-Smith..Navarro. Oo, kasama na ng pangalan niya ang apelido ko. Sa kanya ko lang din naman gusto ipagamit ang pangalan ko. Magdadalawang taon na din niyang ginagamit ang pangalan ko. Isang taon at kalahati na ang nakalipas mula ng kinsal kami.



Ako na nga ata ang pinakamaswerteng lalake sa lahat dahil napangasawa ko siya. Sa dami ng lalakeng lalake na nagkakandarapa sa kanya.. mas gwapo, mas macho, mas mayaman pero ako pa din ang pinili niya. Sobrang swerte ko kay Anne. Higit pa ko sa tumama ng lotto.










P R E - V I E W





Paris, France
September 24, 2016



Kinakabahang naghihintay si Vhong sa dulo ng altar, kasama niya si Vice. Ang napili niyang best man. Nung una ay ayaw talagang pumayag ni Vice at minura pa siya, dahil hindi naman daw best man ang gusto niya maging bride ni Vhong or isa brides maid ni Anne. Pero pagkatapos lambingin ni Anne ay napapayag na din si Vice.


Vhong chooses Vice dahil na din sa closeness nilang tatlo nila ni Anne. At hindi din mangyayari ang kasalan na ito kung hindi ni Vice ginawa ang lahat para mapaamin sa isa't-isa ang dalawa. Malaki din ang natulong niya sa relasyon ng dalawa tuwing magkakalabuan ang mga ito.




"Kinakabahan ka?" tanong ni Vice dahil halata niya na pawisin ang noo nito at hindi mapakali. "Natatakot ka siguro sa laki ng bunganga ni Anne nho? Shempre baka makain ka mamaya pagnagkiss kayo" biro nito upang pakalmahin si Vhong.



Natawa naman si Vhong. "Sira! Ewan ko nga eh.. Normal lang naman ito diba brad?"


"Oo naman nho. Labi lang ng bride mo ang abnormal eh"



Nagsimula na ang paglalakad ng kasali sa entourage. Ilan na dito ang malalapit nilang mga kaibigan sa industriya. Sina Billy Crawford and Coleen Garcia, Jhong Hilario and Karylle, Jeff Ortega and Jasmine Curtis-Smith and ang mga It Girls.




Pinaghandaan talaga ng sobra ang kasalang ito. Dahil pinagipunan talaga ito ni Vhong para sa dream wedding ni Anne. Maging ang publiko ay nakaabang talaga dahil sa wakas ay makakasal na din ang natitirang single na It Girl.



Set-up pa lang ng simbahan ay mapapanganga kana. Lalo na sa reception na tinalo pa ang kasal ni Karylle dahil 3k per plate ito. Hindi hinayaan ni Vhong na makihati si Anne pero dahil mapilit ang dalaga, sa bahay na lang na pinagawa nila sa Pilipinas siya pinatulong ni Vhong sa gasto.











Pagkabukas ng malaking pinto ay nandoon na ang isang magarang karwahe. Pinatatakbo ito ng tatlong magandang kabayo. Yun kasi ang pangarap ni Anne. Dadating siya na parang isang prinsesa.



Pagkapasok sa simbahan ay mga nahulog na mga petal ng bulaklak galing sa taas. Lahat naman ng mga attensiyon ay nasa dalaga. Pana'y ang kislapan ng camera at cellphone. Lahat ay napahanga sa kagandahan ni Anne sa gown niya. Na pinagawa pa nila sa New York.



"Grabe naman! Nakakaiyak pala 'to nho? Hindi naman ako ganito dati noong kinasal ako sa una eh.." bulong ni Vhong sa katabi na si Vice. Natawa naman ito at hinagod na lang ang likod ng kaibigan.


Perfect Combination | VhongAnneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon