Chapter 26: Student Assistant (Dance Instructor)

Start from the beginning
                                    

“Hi buds!” ngiting sabi ko sa kanya.

Tinignan nya lang muna ako bago siya magsalita..

“Hi!” seryosong sabi nya sa akin.

Patay! Mukhang galit pa nga sakin si Nikki. Ni hindi man lang nya ako tinawag na “Buds”

“Hala, galit ka pa rin ba sakin?” sabi ko kay Nikki. Actually, naka-pout pa nga ako nung sinabi ko yun sa kanya.

“Hindi naman” sabi nya sakin.

“Kung hindi, eh ba’t di mo ko tinatawag na Buds?” sabi ko ng naka-pout pa rin.

“Ahh.. Bakit? Mukha bang galit pa ko sayo?” seryosong sabi nya.

Napakamot naman ako ng ulo bago ako magsalita..

 

“Hmmmm.. Oo?” sabi ko.

“Ahh. Ok” sabi nya then aktong tatalikuran na nya ko.

Hala, hala.. mag-wawalkout nanaman siya..

Pero bago pa siya umalis, hinawakan ko na siya kaagad sa balikat..

“Hala, Buds, wag ka namang ganyan. Sorry na kasi eh. Mag-oone and a half week na nung huli tayong mag-usap oh” nagmamakaawang sabi ko sa kanya.

Tama kayo ng rinig. Ay mali! Nang basa pala.. 1 and a half week na nga akong hindi kinakausap ni Nikki. Actually, pilit ko nga siyang tinatawagan at tinetext after nung time na nagkita kami sa bayview kaso hindi nya ko sinasagot..

Ganun kasi magalit si Nikki. Sabihin na natin na kahit sobrang bait nya, masama talaga siya magalit.. Minsan nga, umaabot pa ng months or years na hindi ka nya kakausapin once na nagalit siya sayo..

Pero teka..

Hala, Ayokong isipin yun...

Dapat, hindi na talaga siya magalit sakin..

Tinignan lang ulit ako ni Nikki pero hindi pa rin siya nagsasalita.. Haysss.. Kita nyo na, galit pa rin siya sa akin..

“Buds, pleaaaaaaase. Bati na kasi tayo. Hindi ka ba naawa sakin? Hindi na nga ako naka-punta sa dance competition oh. Tapos mag-aassist pa ko sa klase ng iba..” nagmamakaawang sabi ko sa kanya.

Nag-buntong hininga naman si Nikki pagkatapos kong sabihin yun..

“Haayysss.. Fine! Hindi na ko galit” sabi ni Nikki sakin.

Nanlaki naman yung mata ko nung marinig ko yun..

Story of A Campus GirlWhere stories live. Discover now