Chapter 33: Storm of Emotions

Magsimula sa umpisa
                                    

Galit na galit si Kathryn at kulang na lamang ay may lumabas na usok sa ilong nito. Kung kaya ngang maglabas ng apoy ng mga titig nya kay Daniel ay siguradong sunog na ang binata.

“You pompous egomaniac! For all I know, naghahanap ka lang ng reason para mahalikan ako!” Sigaw nya dito ng di nya na mapigilan ang galit nya.

Tumaas ang kilay ni Daniel at nagsmirk ito sa narinig.

For some reason ay nararamdaman ni Kathryn ang goosebumps mula sa pagkakatitig sa kanya ni Daniel.

“So what if I do?” Tanong ni Daniel with his low and suggestive tone.

Humakbang si Daniel papalapit kay Kathryn at ilang inches na lang ang pagitan nila. Napahakbang patalikod ang dalaga.

“Anong ginagawa mo?” Naalarmang tanong ni Kathryn.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa ko?” Tanong sa kanya pabalik ni Daniel habang nakangiti ng nakakaloko. Patuloy pa rin itong humahakbang papalapit sa kanya habang si Kathryn ay naglalakad patalikod.

“Don’t you dare come any closer!”

“And if I do otherwise, anong gagawin mo?”

“I’ll… I’ll scream! Yung malakas!”

“You’ll scream?” Tumawa si Daniel. “ Sige sumigaw ka. Tingnan natin kung anong mangyayari.” Hindi ito humihinto sa paglakad papalapit sa dalaga.

Alam ni Kathryn na tama si Daniel. Kakasabi nga lang nito na bahay nya iyon. Sino ba naman ang maglalakas loob na kontrahin si Daniel kung maisipan nitong saktan sya? Besides, hindi nga sya makapagsalita ng diretso, makasigaw pa kaya? To top it all off, nanginginig na rin ang tuhod nya.

Eto ang typical na epekto ni Daniel sa kanya. And she hated the fact na after 6 years ay hindi pa rin iyon nagbabago. Hindi rin nakakatulong na nakangiti ito sa kanya… isang seductive na ngiti.

*Oh, Lord*

“Im warning you! Marunong ako ng self-defense!” Mahinang sabi ni Kathryn.

Lalo lamang lumawak ang ngiti ni Daniel sa sinabi nya.

“Para maging self-defense ang tawag dun, it must be an act against someone else’s unwanted action towards you…” Sabi ng binata habang papalapit ng papalapit sa kanya hanggang tumama na ang likod ni Kathryn sa pader. “But tell me…” Humakbang pa ng isang beses si Daniel at inilapit ang ulo nya kay Kathryn. “Sigurado ka bang this action is unwanted?” Pabulong nitong sabi sa dalaga.

At that point, nagsosomersault na ang puso ni Kathryn. Naririnig na nya ang pagkabog ng dibdib nya. Hindi na rumerehistro sa utak nya ang sinasabi ni Daniel at salamat na lamang sa pader sa likod nya na nagsisilbing suporta sa nanlalambot nyang tuhod. Hindi na nga sya sigurado kung humihinga pa ba sya.

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon