Pero.. Paano makakapagseryoso ang baklang kagaya ko na may kaharap na ubod ng gwapo?

Pak! Rhyming! Haha.


"Pero hindi pa ako lasing. Tara na pumasok na tayo sa loob." Sabi ko!!

Lalasingin kita para magapang kita mamaya...
Basta baklang may pa-alak, may balak talaga!
Aha-ha-ha-ha!!!!

Pero paano kung?
Maunahan ako ng tatlong baklang bebe???
No!!
I pay 100k para sila makinabang!
That's a big NO NO!

"Iinom ka pa ba baby ko?" Tanong niya.

"Hindi na, magpapaalam na tayo sa tatlong baklang bebe." Sabi ko!!!!





At pumasok kami sa loob,
Ayaw ko naman talaga ng holding hands no...
Siya lang hawak ng hawak sa soft palm ko.


Tinging hindi parin makapaniwala ang tatlo.
Napatunayan ko sa kanilang, sa aming apat... Ako pa rin ang pinakamagandaaa!!!!

Okay lang na naubos ang aking anda, importante may jowang naayon sa aking ganda!
Pak pak ganern!

Pinakilala ko sila isa-isa... At sinumbong ko pa na sila iyong mga nagsabing Poser sa comments!!!

"Mga baklang kabebe, uuwi na kami ng jowa ko! Magkatabi kaming matutulog at magyayakapan buong magdamag!" Sabi ko boastfully!

Boastfully? Hahaha.

"Excited na akong makatabi ka at mayakap buong magdamag baby ko." ------JOWA KO!!!
Hindi ko alam kung ginatungan niya lang o seryoso siya!!!
Nakakalokaaa!!!

"Ang haba ng buhok mo sis ang sarap itali sa leeg mo!" -----Garry!
Napatingin sa kaniya si jowa ko.
"..charot lang iyon, masyado kang overprotected diyan sa baklang yan." Sabi ni garry.

"Siguro naman napaniwala ko na kayong may boyfriend talaga ako. Gwapo na may abs pa. O siya, uuwi na kami... The night is still young and we rather spend the rest of its age together... Alone." Sabi koo... Makapag-english lang!
Bakit ba!

"Ikaw na may jowang gwapong may abs. What's the sense, magbi-break din naman kayo. Hashtag WalangForever!!!" ---Martina ang mapaklang baboy!
Pweeeee!!

Bigla akong naalala ang 30 days!!
My goddess Athena!
30 days lang ang forever ko?
Hue hue hue.


Pero sinagot ko pa rin siya!!!
"Keri lang, atleast once in my life, hindi man kami magkatuluyan, nagkaroon ako ng perfect boyfriend! Eh kayo? Ilang chakang jowa na ba naipon ninyo??? Aha-ha-ha-ha-ha-ha!!!" -----AKO!!!

"Shuta ka talaga sa lahat! Umuwi na nga kayo!" Sabi ni Marcella.


At beso beso..
At bumulong sila na, kapag nagsawa na raw ako, ibigay ko raw sa kanila.
Kakalokang mga bakla!
Hindi ko lang masabi na..

Gaga!
Kailangan niyo ng 100k para magkajowa ng gwapong may abs!

At lumabas na kaming dalawa.
Ayaw na niyang bitiwan pa ang palad ko.
Panay pa ang sulyap niya sa akin at ngiti.
Iyong panty ko, kanina ko pa nasa talampakan!

At talaga namang hindi pa natatapos lang sa kagwapuhan niya ang pagiging perpekto niya...

May kinuha siyang nakasukbit sa belt niya at biglang may nagtu-tot.
Umilaw ang bonggang car na nakapark sa sidewalk!!!
As in... Pangmayaman na ang lakas makagwapo!.
Kahit mga siguro pangit ang magda drive, magiging gwapo... Basta wag lang lalabas ng car!
Ganun!!!

"Car mo?" Tanong ko talaga!! I got to be sure, malay ko na kung timing lang at may iba palang nagtu-tot talaga sa carsung!!

"Yes baby ko." Sabi niyaaaa!!!

Perfect Online BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon