Lesson number 5. How to Become A Tough Guy. Ang siga, dapat malakas, hindi lampa, at higit sa lahat magaling makipag-laban. Dahil sa nangyari sa pagitan nina Haze at Sydney laban sa grupo ni Atom, nagdesisyon ang Pirates na turuan na si Sydney ng tamang pakikipaglaban.
Araw ng Sabado, nagpunta sila sa boxing gym na madalas tinatambayan ng mga Pirata at noon din ay nagsimula ang madugong training nila. Dahil sa injury ni Haze, si Deck ang nagsilbing trainer ni Sydney. And, he didn’t go easy on ‘him.’ Ang unang itinuro ni Deck ay ang pag-iwas. Isa yon sa pinaka importante sa pakikipaglaban. Kahit na hindi ka makatama sa kalaban, mas importante na wag ka nyang matamaan.
Nakasuot ng boxing gloves si Deck habang inaatake si Sydney. Ang rule, iiwasan ni Sydney at iba-block ang atake ni Deck. Kapag hindi nya naiwasan, sorry sya. Hindi rin sya pwedeng sumugod. Nakakailang suntok na si Deck kay Sydney pero isa pa lang ang naiwasan nito. Tuwang-tuwa naman ang mga Pirata dahil mukha ng punching bag si Sydney.
Pero kahit na ganon ang sitwasyon, mukhang determinado si Sydney na matuto kaya naman hindi sumusuko si Deck sa pagtuturo. “Sab. Importanteng matutunan mo dito ang pagbabasa ng mukha at kilos ng kalaban. Kapag nagawa mo yun, madali mong mape-predict kung saan at paano sya aatake. Sa ganung paraan, madali kang makakaiwas at madali mo syang maka-counter attack.”
Ginawa naman ni Sydney ang sinabi ni Deck. Tinatamaan pa rin sya minsan dahil sa liksi ng kamao ni Deck pero madalas na syang nakakaiwas sa mga suntok nito. Namangha naman ang mga Pirata dahil mabilis matuto ang bago nilang kasamahan. Dahil dito nag-aya si Haze sa Yellow Cab.
============================================================================
Napuno ng ingay ang kaninang tahimik na pizzeria ng Yellow Cab na malapit sa Southville dahil sa pagdating ng mga Pirata. Magkatabi sina Deck at Sydney, sina Paolo at Haze, at sa may extrang upuan si Third. Habang kumakain ay napag-usapan nila ang training ni Sydney kanina.
“Grabe ang bilis mo palang matuto. Isang araw pa lang ang training, ang laki ng inimprove mo.” Sabi ni Deck na proud na proud sa kanyang apprentice.
“Ganun talaga pag determinado.” Proud din na sagot ni Sydney, habang punung-puno ang bibig ng pizza.
“Ano ba kasi ang inspirasyon mo? Bakit gustong-gusto mong maging siga?” Itinapat ni Third ang kanyang kamao sa bibig ni Sydney na tila isang reporter na nagtatanong.
Inubos muna ni Sydney ang laman ng kanyang bibig at kinuha ang ‘mic’ ni Third. “Uhh...” Nag-isip ito saglit at nagmistulang Miss Universe sa pagsagot. “Ayoko kasing maging pabigat.”
Natawa naman ang mga Pirata sa pinaga-gagawa ng dalawa at lalo na sa sagot ni Sydney. “Pabigat?” Tanong ni Third.
“Opo. Pabigat.” This time naging seryoso na ang itsura ni Sydney, at tinanggal na ang mic. Tumingin na lang sya sa kinakain na pizza para naman hindi awkward.
YOU ARE READING
How to Become A Tough Guy
Teen FictionSydney Francisco, a high school senior, finds out that her twin brother Sab was beaten up by a notorious group of students from Lindt International High School, leading him to a comatose condition. Determined to give justice to her brother, Sydney d...
