Chapter Twenty-one

67 10 34
                                    

Not Worth It

From: Alec

Music room.

Nakatulala lang ako sa message niya. Anong meron sa music room? Nagdadalawang isip pa ko kung rereplyan ko o hindi.

Calling Alec...
Decline Accept

Nataranta ako bigla ng tumunog ang cellphone ko at lumabas ang pangalan niya sa screen. Anong gagawin ko? Sasagutin ko? Bakit ba kasi siya tumatawag?

"Huy. 'Di mo ba sasagutin 'yan?" Nilingon ko si Yas na umiinom ng softdrinks at nagkibit balikat ako. Kumunot ang noo niya at mabilis na kinuha ang cellphone ko.

"Yas!" Nanlaki ang mata ko ng dinungaw niya ito. Pinagtaasan siya ng kilay ni Elysa ng bigla siyang ngumisi. Kainis!

"Hm. Hello?" Napatayo ako ng sinagot niya ang tawag at lumayo sa'kin. Umikot ako sa mesa para mapuntahan siya pero mabilis siyang tumayo at tumakbo palayo.

Tumatawa siya habang tumatango-tango sa telepono at ngumingisi na parang baliw. Nilapitan ko si Elysa para sa maghingi ng tulong nang nagsalita siya.

"Bakit ayaw mo sagutin?" Tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin at hindi sumagot. Bakit nga ba ayaw kong sagutin?

Maya-maya pa, tumatawang bumalik si Yas at kinurot ang pisngi ko. Tinampal ko ang kamay niya at inirapan. "Privacy invader." Bulong ko. Tumawa lang siya sa sinabi ko.

"'Di mo man lang tatanungin kung ano sinabi ng boyfriend mo?" Pigil-tawa niyang tanong habang nagtataas-baba ang dalawa niyang kilay.

"'Di ko siya boyfriend." Simpleng sagot ko. Lalong lumawak ang ngisi niya. Nilapitan niya si Elysa at hinarap. "Ikaw Elysa, gusto mo malaman sinabi ni Alec?" Patuyang tanong niya.

Ngumisi si Elysa at tumango. "Oo naman. Kahit hindi ko siya 'boyfriend'." Aniya at in-emphasize ang salitang boyfriend. Tumango si Yas at bumulong kay Elysa.

Naiinis ako habang nakikita siyang tumatango-tango. "Ah!" Aniya at humagikgik atsaka bumulong pabalik kay Yas. Tumango si Yas atsaka sila nag-high five.

Sabay nila akong nilingon kaya inirapan ko sila. Mga baliw. "Si Demetria, gustong malaman."

"Curious lang ako! Ano ba kasi 'yun?" I said flashing my bored look. Sabay silang tumawa ulit.

"Seriously? What's with the two of you? Alec isn't my boyfriend! Get that!?" Inis na sigaw ko. Natigil silang tumawa at seryoso akong tinitigan.

"Defensive." Bulong ni Elysa.

Tinitigan muna ako ng med'yo matagal ni Yas bago itaas ang kamay tanda ng pag-suko. "Okay! Okay! Fine. Sorry na. Sabi ni Alec pupuntahan ka daw niya tapos pupunta kayong music room."

"Bakit? Anong gagawin namin? No, hindi ako sasama." Pagmamatigas ko.

"E'di hindi." Wika ni Yas kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Baka gusto mong mag-kwento sa nangyari noong debut mo?"

Sa sinabi ni Elysa, bumalik ang mga alaala ko noong gabing 'yon. His words were still clear inside my head even if it's almost a week since my party. After he said those words, tumalikod na ko at sinabing baka hinahanap na ko.

BlindedWhere stories live. Discover now