Chapter Seventeen

46 10 23
                                    

Natatakot Na Ko

"C'mon, Alec! Pick up the damn phone." Nagtatatalon na ko sa inis. Nakakainis! Kanina pa ko nag-aalala dito.

Bakit ako nag-aalala? Akala ko ba no strings attached!? Tanginang no strings attached.

Ano bang nangyayari sa'kin?

Inis kong ibinaba ang tawag at tinawagan ng dali si Sir.

"Hello?" Tawag ni Sir.

"Sir! Pasundo ako. Nandito ako sa harapan ng clubhouse. Sir! Pakibilis. Fuck." Nag-aalala ako. Ewan ko. Naiinis ako. Para akong tangang bulate na binudburan ng asin. Nakakainis!

"Ha? Bakit? O'sige. Hintayin mo ko." Nagpasalamat ako at binaba na ang tawag. Aligaga akong pabalik-balik ng lakad. Natanaw ko sina Yas sa malayo na naglalakad papunta sa'kin. Nilapitan nila agad ako.

"Tumawag si Sir. May problema ba, Dems?" Ani Elysa. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Hindi ko alam kung sasabihin ko. Nag-aalala na kasi ako. Kinakabahan ako.

"Kasi.. Tumawag kanina si Alec." Sagot ko. Sumeryoso parehas ang mga mukha nila. Kinuwento ko sakanila ang tawag ni Alec. Tahimik lang sila pareho. Ni hindi nila ibinuka ang mga bibig nila.

"I feel like he needs a friend. I feel like Alec needs me." Sabi ko ng matapos ko ang kuwento. Ipinilig ni Elysa ang ulo niya. Ilang minuto ang nakalipas tahimik lang sila. Wala ni isang salitang binibigkas.

Dumating si Sir. Dali akong nagpaalam kina Yas. Tinanguan lang nila ako at binilinang mag-ingat.

Pumasok agad ako. "Saan tayo?" Tanong agad niya. Hindi ko alam. Wala akong basehan pero isang lugar lang ang alam kong p'wedeng puntahan ni Alec.

"Sa University sir." Mahinahon kong sagot. Tumango siya at mabilis na nag-maneho. Hindi niya tinanong kung bakit ako pupunta doon.

--

Inalis ko kaagad ang seatbelt at binuksan ang pinto. Hinawakan ni Sir ang braso ko tila pinipigilan ako.

Hinarap ko siya ng nagtataka. Base sa ekspresyon ng mukha niya, mukhang nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin niya.

"Sir?" Tawag ko sa pansin niya ng may pagmamadali sa tono ng boses ko.

Umiling siya. "Ah! Wala, wala. Mamaya nalang, Demi. Punta ako sainyo." Naguguluhan man, tumango nalang ako at nagpaalam.

Umandar agad ang sasakyan niya pagkababa ko. Tumakbo ako papunta sa destinasyon ko.

Malakas ang tibok ng puso ko habang naglalakad sa pamilyar na silid. Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan. The door made a loud creeking sound. This isn't a horror movie, is it?

Tahimik sa bulong silid. Ganoon pa rin ang set up. May grand piano sa gitna ng entablado at nakatutok dito ang tanging ilaw o spotlight sa buong kwarto.

Naglakad ako papunta sa gitna. Umupo sa upuan at inilapat ang mga daliri sa tipaan ng piano. Nilibot ko ang tingin sa buong silid. I saw some spur of movement. Ipinilig ko ang ulo ko. Gotcha!

So, magtatago siya? Ts. Let's see.

(River Flows in You piano by Yiruma)

Habang tumutugtog hindi ko alam ang gagawin ko. Kung magco-concentrate ba ko o babalingan ng tingin ang gawi niya at tatawagin siya.

Madilim sa parteng kinaroroonan niya. Pero base sa kaunting liwanag mula sa spotlight. Nakita kong nakaupo siya doon.

BlindedOnde histórias criam vida. Descubra agora