On their way home, Pat was unusually quiet again. Napaisip naman si Miho kung may nagawa na naman siyang mali o sadyang malalim lang ang iniisip nito. She asked his permission to open the car radio. Sobrang tahimik kasi at naisip niyang makinig ng music.

"Sure. Ikaw na bahalang mamili. Or if you want, you can plug your phone," He said.

She chose to play the FM. Bumungad ang "Sa Ibang Mundo" na nasa kalahati na, at hindi na rin niya napigilang sabayan ang kantang alam niya.

Sa ibang mundo siguro sa'kin ka
At tayo'ng pinagtagpo
Sa ibang mundo siguro
Sa'kin galing ang isang pangako
Sa ibang mundo

"Nice voice," He commented in which she thanked him afterwards.  

"Kanta ka rin!"

Pat laughed. "Gusto mong umulan?"

"Ayos lang. Para malamig. Dali na!" She told him. Nangulit siya ng nangulit hanggang sa marinig ang pagpayag nito.

"Alright, alright. 'Wag mo ko sisihin 'pag umulan! Blame yourself, okay? Ang kulit mo kasi."

Hindi siya makapaniwalang napapayag niya ito. She was so excited that she focused on Pat and not the song on the radio. Kinanta nito ang huling mga linya ng kanta.

Sa ibang mundo siguro
Sa'kin galing ang isang pangako
Sa ibang mundo

Sa isang sulok ng panahon
Hindi ko na itatago
Hindi na magpapapigil
Sa ibang mundo

"Okay, signal number three na." Tumawa ito na halatang nahiya sa ginawa.

Miho applauded. "Signal number two lang naman!"

They both laughed.

"Joke lang. Maganda naman eh!" She wasn't lying. For her, his voice sounded.. sexy. Siguro nga hindi ito sobrang ganda na ipapanglaban sa mga contests, pero hindi rin naman ito pangit at nasa tono naman.

"You don't need to lie, Emily. I'm not going to kick you out of this car if you tell me the truth."

"Hindi ako nagsisinungaling!" She made a cross sign in her chest before raising her right hand. Natuwa nga siya sa boses nito; she's even planning to play his voice again soon.. She did record his voice as he was singing earlier. Mukhang hindi naman siya napansin nito.

---

Pagkarating sa unit, nag-asikaso muna sila ng work-related na mga bagay. Miho edited her powerpoint presentation and reviewed the lesson for tomorrow. Pat did the same. Parehas silang nagtrabaho sa dining area at nahaluan na rin ng pag-uusap ang pagttrabaho.

"Sorry, ang kulit ni Paulo kanina," She said while highlighting some words on her textbook.

"No problem. I like him. Well, better than Alex. Mas makulit kasi 'yon at parang naka-drugs."

Miho laughed. "Harsh mo kay Zeus."

"Not really," Pat said before he chuckled. "And don't call him Zeus. Hindi talaga bagay."

They took turns in taking a bath. Pagkatapos ay nanuod sila ng TV dahil hindi pa sila parehas na inaantok. They watched this program about paranormal and horror stuff. Sa dulo ng sofa naupo si Miho at may yakap-yakap siyang unan. Takot kasi siya sa mga ganuong klaseng palabas. Pat kept on glancing at her, mukhang alam na nito na natatakot siya.

Yo te CieloWhere stories live. Discover now