"Libre mo ko, Bakla. Nagugutom ako." Sabi ko habang umuupo sa tabi niya.

"Talagang nagpunta ka pa rito para magpalibre eh 'no?" Tanong niya habang nakatingin nang masama sakin at natawa naman ako.

"Wala kasi ako magawa sa bahay, may uwing babae sila kuya Jin kaya hindi ko sila masamahan sa living room. Alam mo naman na hindi ako nagpapakita sa mga babae ng mga 'yon kasi ako ang iistorbohin kapag tapos na sila." Sabi ko at tinawanan naman niya ako bago pinatay ang t.v at tumayo.

"Tara mall tayo, nagugutom na rin ako." Sabi niya at nagpunta na nga kaming dalawa sa mall. 

Nung makapasok kami sa mall ay kaagad akong pumasok sa bonchon at pina-order na kay Delanxe ang madalas kong kainin.

"Asan si Brigitte?" Tanong niya sakin pagkatapos niyang um-order at umupo sa harap ko.

"Hindi ako sinasagot eh. Ewan ko ba ron, laging ganon. Tas madalas kapag siya ang tatawag si Blake ang hinahanap." Sabi ko sa kanya at natawa rin naman siya.

"Eh ganon din naman ako sa 'yo." Sabi niya at natawa ako.

"Eh mga panget kayo eh, mga jinowa niyo kapatid ko." Sabi ko sabay irap sa kanya at tinawanan na naman niya ako.

"At least ako nakakasama mo pa, eh si Brigitte lagi talagang hindi. PLUS, ikaw ang pangit, hindi kami. Ikaw kaya walang jowa sa ating tatlo." Sabi niya at inirapan ko siya.

"Excuse me hindi mo ba alam kung anong trend ngayon? Trend kaya maging single." Sabi ko at sasagot pa dapat siya pero may nag-serve na ng pagkain namin.

"Thank you." Sabay naming sabi at nginitian naman kami ng crew.

"Pero hindi nga, madalas si Brigitte hindi na active. Bakit kaya?" Pagtataka ni Delanxe at napa hinga naman ako nang malalim nang maalala ko kung ano 'yong nalaman ko.

"Baka focused sa studies saka kay Blake, wala nang time para sa 'tin." Sabi ko at ngumiti siya.

"Sana all busy." Sabi niya at kumunot naman ang noo ko.

"Are you not busy with kuya Miere?" Nagtataka kong tanong. Eh madalas may kausap 'yon sa phone ah? Sinong kausap non? Ibang babae?

"Sobrang busy lang." Pagbibiro niya at inirapan ko siya. Akala ko pa naman niloloko na siya ng kapatid ko.

Kumain na kami ni Delanxe nang tahimik pagkatapos non at nang matapos kami ay nagyaya naman siya na mag-grocery dahil wala na raw siyang makain sa bahay nila.

Makatapos ang ilang ikot sa grocery store, parehas kaming may bitbit ni Delanxe na punong big cart.

Wala naman kasi dapat talaga akong bibilhin at sasama lang ako dapat kay Delanxe, kaso tumawag sakin si kuya Jin at nung nalaman niya na nasa grocery store ako ay kung ano-ano na ang pinabili niya sakin.

Matapos kaming magbayad ay dinala na namin sa sssakyan ko 'yong mga pinamili namin at si Delanxe, biglang naging bata.

"Shin, tulak mo ko." Sabi niya sabay sakay sa loob ng cart at ngumiti sakin na parang bata.

"Seryoso ka ba? Parking lot 'to oh, baka masagasaan ka, tanga." Sabi ko sa kanya at lalakad na dapat ako papasok sa kotse nang bigla niya itong pukpukin ng kamay niya.

"Tang ina! Bakit mo 'yon ginawa?!" Sigaw ko sa kanya at tumawa naman siya nang malakas.

"Tulak mo na ako." Nakangiti niyang sabi at napapikit ako nang mariin.

"Oo tanga itutulak talaga kita hanggang sa masagasaan ka." Sabi ko at nanglaki ang mata niya. Sinubukan niyang tumayo pero nahawakan ko na 'yong cart.

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon