"H-hoy!" Tawag ko sa kanya ngunit hindi siya tumingin. Nagtatakang sinundan ko nalang siya ng tingin.

***

Athanasia Himea's POV

Mabilis akong tumakbo papunta sa cr. Pumasok agad ako sa isang cubicle at nilock ito. Nanghihinang napaupo ako sa bowl. Biglang naninikip ang dibdib ko.

shit.... Not now please!

Nararamdaman ko na ang sunod sunod na pagtulo ng pawis sa mukha ko. Konting tiis nalang. Sinubukan kong tumayo at lumabas ng cubicle. Ngunit bigla akong napasandal sa pader at napaupo. Napalunok ako.

Bigla nalang akong nakaramdam ng kakaiba ng mapansin ko na may dumikit sa kamay ko na dugo niya. Ang akala ko nung ay kaya ko pero hindi ko nagawang pigilan ang sarili.

bigla kong naalala yung nangyari isang taon na ang nakakalipas. Ganitong ganito rin yun. Pero wala pa namang kabilugan ng buwan diba? Sa susunod na linggo pa yun. Pero bakit??


Naramdaman ko ang pag-iinit ng buong katawan ko. Masama to. Pag hindi ko napigilan ang sarili ko... baka may mangyari na naman.

Tiningnan ko yung kamay kong may bahid ng dugo niya. Napapikit ako. Ayokong tikman!


"Are you okay?"  Napatigil ako ng biglang bumukas yung pintuan ng cr. Nilapitan ako ng isang nerd. Napatingin ako sa mukha niya.


"Y-yeah." Sabi ko tsaka pilit na tumayo. Hindi ko pinahalata ang panginginig ng kamay ko.


"Are you sure? You look so pale." Sabi pa nito. Umiling lang ako. Lalabas na sana ako ng bigla niya akong hawakan sa braso.



"Magpunta ka nalang sa clinic. Baka maabutan ka nila." Napatingin ako sa direksyon niya. Napansin ko agad ang makahulugang ngiti sa labi niya. Binitawan niya na ang braso ko at pumasok siya sa isang cubicle. Naiiling na naglakad na ako paalis.

Anong ibig niyang sabihin?

Dumiretso ako sumunod naming klase. Napansin ko agad ang tingin nila sakin. Hindi ako nagpahalata at diretsong tinungo ang upuan ko. Napabuntong hininga ako.


I need to restrain myself until the night. But--Ugh!! Bigla kong naiisip yung mukha niya. Baka hindi ako makapagtimpi.

ito na!


"Okay ka lang? Bakit ka umalis? Namumutla ka ah?" Bungad na tanong ni Cain. Hindi ko siya tinitigan. Naramdaman ko ulit ang panginginig ng kamay ko pero pilit kong tinago para hindi niya mapansin.


"Hey! Your burning!" Bigla akong natigilan ng idampi niya yung kamay niya sa leeg ko. Shit!

Napayuko at nakagat ang pang-ibabang labi. Maya-maya lang naramdaman ko ang likidong dumadaloy sa ilong ko. Bigla kong nahawakan ang ilong.


"Nagdudugo ilong mo! Okay lang ba talaga?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at mabilis na tumakbo palabas. Narinig ko ang pag tawag niya sakin ngunit hindi ko na iyon inintindi.



Sa isang sulok na tagong kwarto ay naisipan kong magtago. Nang ilibot ko ang paningin ko ay napansin kong nasa chemistry club ako. Mukhang hindi narin nagagamit ang kwartong ito dahil puro alikabok na. Mabuti nalang at walang tao dito.

Napasandal ako sa pader habang napaupo. Nakahinga ako ng maluwag. Muntik na yun. Baka pag nagtagal ako dun ay mahatak ko na siya.

Pero... baka bumigay ang katawan ko. Masyadong matagal narin ang pagtitiis ko. Naramdaman kong nanlambot ang tuhod ko. Ang init narin ng pakiramdam ko. Anytime baka mawalan na ako ng malay nang hindi ko nalalaman.


Saglit akong napapikit. Naalerto lang ako ng may biglang kaluskos akong narinig mula sa bintana. Ngunit natigilan ako ng may nakitang box doon. Bukas ang bintana. Pinilit kong tumayo at lumapit sa bintana.


Nang tingnan ko ang laman ng box ay nanlaki ang mata ko. Bigla akong napangisi.

"That guy... He really cares for me." Naiiling nalang ako. Kinuha ko yung tablet na gamot sa box tsaka ininom. Maya-maya lang ay biglang nahimasmasan ang pakiramdam ko. Nakahinga ako ng maluwag.

'Pwede naman niya akong tawagan kung gusto niya akong makita. Tss.. Wala paring nagbago sa ugali niya.'

***

Someone's POV

[Did you bring her the box?] Bigla akong natawa sa tono ng boses niya. Pwede naman kasing siya na ang magdala ako pa inutusan. Paano kung may nakakita sakin diba? Naiiling nalang ako.

"Yeah. Don't worry. She's fine now." Sagot ko naman habang nakangisi. Nakaupo lang ako sa taas ng puno malayo sa building na pinagsusubaybayan ko. Umalis na siya sa kwartong yun.


[Mabuti naman...] Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

[Can i ask you a favor?] Seryosong sabi nito. Napataas lang ang kilay ko. Mukhang inaasahan ko na ang sasabihin niya.


"What?"


[Please watch over her for me. Baka pag ako ang pumunta diyan ay magalit lang siya. I still have a responsibility here kaya hindi ko siya masusubaybayan.] Napangiti ako sa sinabi niya.



"You don't have to tell me that. Gagawin ko yun kahit hindi mo sabihin. What kind of servant like me if i don't do my job well?" Bigla itong natawa sa sinabi ko.



[Wag ka ganong magpahalata ah? Malakas pakiramdam niyan.]


"Of course. Magiingat ako. I'll hang up. May nakatunog sakin." Sabi ko at mabilis na bumaba sa puno.


[Okay. Take care. I'm counting on you...Cheska] kaagad kong pinatay ang tawag. Sinuot ko muna ang salamin ko at tsaka mabilis na nilisan ang lugar na iyon.


***

May clue na siguro kayo ngayon kung sino si Cheska? Hope so :D

Bitch Vampire (On-Hold)Where stories live. Discover now