Chapter 11

251 14 8
                                    


Cain's POV

"Will you stop following me!" Inis kong turan kay Zander. Nitong mga nakaraang araw napapansin ko ang pagbuntot ng grupo nila sakin at sobra narin akong naiirita.

"I just wanted to talk to you." Matigas na turan naman nito. Tiim-bagang ko siyang tinitigan. Nag-uumpisa na akong mapikon.

"Eh.. I didn't know that the two of you were close?" Sabay kaming napalingon sa likuran at nakita namin ang nakangiting si Himea.

"Mason!" Tawag ni Zander. Napakunot naman ang noo ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko tsaka binaling niya ang tingin sakin.

"Nagpapahangin. Long time no see, Zander." Pagkasabi niya nun ay nilingon nito si Zander. Ngunit seryoso lang itong nakatingin kay Himea. Maya-maya ay nilingon ako nito.

"Sa susunod nalang tayo mag-usap." Pagkasabi nito nun ay tsaka ito umalis at iniwan kaming dalawa ni Himea.

"So..." Napalingon ako kay Himea at tinaasan siya ng kilay.

"Ngayon lang kita nakita ulit." Pagkasabi ko nun ay bigla itong napangisi.

"Miss mo 'ko no?" Nang-aasar na sabi niya. Naramdan kong namula yung pisngi ko kaya napabaling sa kaliwa yung tingin ko.

"Tss." Pagkasabi ko nun ay umalis na ako. Pagkarating ko sa room ay wala pa yung iba ngunit nandun yung apat na nasa council at tila seryoso silang nag-uusap.

Pagkaupo ko sa upuan ko ay napalingon sila sakin. Seryoso ang mga mukha nila. Hanggang sa bigla silang lumapit sa pwesto ko.

"Cain." Tawag ni Zander sakin. Walang emosyon ko silang tinitigan.

"Cain, we need your help." Dagdag ni Wynn.

"Ilang beses ko bang sasabihin na tigilan niyo ako?!" Malamig kong saad. Napansin ko ang pagtitimpi nila.

"Alam namin na kinasusuklaman mo ang mga bampira, Cain. Pero hindi mo ba naisip na sa pagmamatigas mo ay maraming nadadamay na inosente?" Galit na turan Zander. Tinitigan ko lang siya. May nilapag siyang envelope sa desk ko. Tinignan ko yun tsaka nilingon siya.

"Wag mong takbuhan ang tungkulin mo." Pagkasabi niya nun ay nanlaki ang mata ko.

"Kailangan mo kaming tulungan sa Super Council sa ayaw at gusto mo." Pagkasabi niya nun ay hindi ko na napigilan ang sarili at nahigit ang kwelyo niya.

Bitch Vampire (On-Hold)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα