Chapter 7

510 32 4
                                    

Cain's POV

Napahikab ako sa sobrang antok. Hindi kasi ako gaanong nakatulog kagabi. Hindi ko alam kung anong dahilan pero hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay may dadating na panganib.

"Pssst." Napalingon ako sa likuran ko. Napansin ko ang pagtawag niya sakin na ikinuot ng noo ko.

"What?" Iritang tanong ko. Ngumiti lang ito.

"Nothing." Sabi niya. Tss. Binaling ko nalang muli ang tingin ko sa harapan. What's wrong with her? Hindi ba niya talaga ako titigilan? nakakainis na kasi e.

Isa rin siya sa dahilan kung bakit hindi ako makatulog kagabi. Iniisip ko kasi yung mga sinabi niya sakin. Nagtataka talaga ako kung paano niya nalaman kung sino ako.

"Psssst..." Hindi ko pinansin ang pagtawag nito.

"Psssst!"

Isa pa!


"Pssst!"

"WHAT DO YOU WANT!" Sa sobrang inis ay napasigaw ako. Tsaka ko lang narealize ang nagawa ko. Nakatingin sakin lahat. Bigla tuloy ako nakaramdam ng hiya.



"Mr.Foster! If you're not interested in my class then get out! You're disturbing us!" Galit na utos ni sir.

"Tsk!" Bago ako umalis ay tinignan ko lang siya ng masama. Tumatawa lang ito.

Nang marating ko ang greenhouse ay agad kong sinipa yung isang paso dahilan para mabasag.

"Aaaah! Nakakainis na yung babaeng yun! BWESIT!" iritang sabi ko tsaka umupo sa tabi ng puno.

Ano ba talagang kailangan niya sakin! Bigla nalang siyang manggugulo tapos wala pang dahilan!

"Cute mo kasi e." Bigla akong napaigtad ng biglang may nagsalita sa itaas ko. Nagulat ako ng makita siyang nakaupo dun sa taas ng puno.

"WHAT THE HELL!?" Hindi makapaniwalang turan ko. Tumalon ito sa puno at umupo sa pinagupuan ko kanina. Nakatingin lang siya sakin habang may ngiti sa labi. Napakunot lang ang noo ko.


"Ano ba talagang kailangan mo sakin ha!" Galit na tanong ko. Napahalukipkip lang ito.

"Wala lang.... sabihin nalang natin na interesado ako sayo." Sabi niya at biglang nagseryo ang expression ng mukha niya. Bigla akong natigilan ng hugutin niya ang collar ko papalapit sa mukha niya.

"W-what are you doing?" Hindi ko mapigilang kabahan. Napakaseryoso kasi ng mukha niya.

"I don't want you to get hurt." Nang sabihin niya yun ay tuluyan na akong hindi nakakilos. Binitawan niya yung collar ko at tinaas yung manggas ng pantalon ko. Nagulat ako ng makita na nagdudugo ang binti ko.

Nagkaroon pala ako ng sugat? Hindi ko napansin yun a.

"Anong ginagawa mo?" Agad kong tanong nang makitang naghuhubad ito ng long sleeve blouse niya. Napataas ang kilay nito ng makitang nakatitig ako sa mukha niya. Bigla siyang napatawa.

"Pervert." Natatawang turan niya na biglang ikinapula ng mukha ko.

"Bakit ka kasi naghubad!" Inis na tanong ko dito. Hindi siya sumagot. Nakita ko kung papaano siya sirain ang blouse niya. Nanlaki ang mata ko.

"Baliw kaba! Wala ka ng susuotin!"


Tinali niya sa binti ko yung blouse na pinunit niya. Ngunit bigla itong natigilan. Bigla itong tumayo at nagmamadaling umalis.

Bitch Vampire (On-Hold)Where stories live. Discover now